AngLogos (Sinauanang Griyego:λόγος, mula sa λέγωlego "Aking sinasabi") ay isang mahalagang termino sapilosopiya,sikolohiya,retorika atrelihiyon. Ito ay orihinal na nangangahulugang "isang saligan", "isang pagsusumamo", "isang opinyon", "isang ekspektasyon", "salita", "talumpati", "salaysay", "katwiran"[1][2] at naging isang terminong teknikal sa pilosopiya mula kayHeraclitus (ca. 535–475 BCE) na gumamit ng terminong ito para sa isang prinsipyo ng kaayusan at kaalaman.[3] Ang terminong ito ay ginamit ng mga sinaunang pilosopo sa iba't ibang mga paraan. Ito ay ginamit ng mgasopista upang pakahulugang diskurso. Ito ay nilapat niAristotle upang tukuyin ang "makatwirang diskurso" o argumento sa larangan ngretorika.[4] Tinukoy ng mga pilospongStoiko ang Logos sa prinsipyong bumubuhay namakadiyos na lumalaganap sa uniberso. Ito ay inangkop niPhilo (ca. 20 BCE– 50 CE) sa pilosopiyangHudyo.[5] Ito ay tinukoy saEbanghelyo ni Juan bilangdiyos na sa pamamagitan nito ay ginawa ang lahat ng mga bagay[6] at karagdagang tinukoy siHesus bilang ang preeksistenteng Logos na nagkatawang tao. Sa akademya, ang terminong ito ay kadalasang tumutukoy sa iba't ibang mga paggamit nito saSinaunang Gresya o sa pagkatapos ng Kristiyanismong pagamit sa loob ng kontemporaryong pilosopiya, Sufismo at sa analitikal na sikolohiya niCarl Jung.
SaStoisismo na sinimulan niZeno ng Citiumc. 300 BC kungn saan angLogos ang aktibong katwiran na lumalagapan at bumubuhay saUniberso. Ito ay naisip na isang materyal na nauugnay saDiyos o kalikasan. Tinutukoy rin ng mga Stoiko ang ("logos spermatikos") o batas ng paglikha ng uniberso na prinsipyo ng aktibong katwiran na bumubuhay sa mga walang buhay namaterya. Ang mga tao rin ayon sa Stoisismo ay nagtataglay ng bahagi ng makaDiyos na logos.[7]
Ginamit ng mga Stoiko ang lahat ng paggawa upang ipahiwatig ang isang logos. Bilang isang kumikilos na prinsipyo sa mundo, ang Logos anganima mundi na isang konseptong nakaimmpluwensiya kayPhilo ngAlehandriya bagaman hinango niya ang mga nilalaman ng katagang ito mula kayPlato.[8]
Inilarawan ng Hudyo-Helenistikong siPhilo ngAlehandriya (20 BCE-50 CE) ang Logos bilang isang tagapamagitang isang makadiyos na nilalang odemiurge. Sinundan niya ang distinksiyon naPlatoniko sa pagitan ng hindi sakdal na materya at perpektong Anyo at kaya ay ang mga tagapamagitang nilalang ay kailangan upang maging tulay sa malaking puwang sa pagitan ngDiyos at materyal na mundo. Ang Logos ayon kay Philo ang pinakamataas na tagapamagitang nilalang na kanyang tinawag na panganay ng Diyos. Tinawag niya ang Logos na "ikalawang diyos",arkanghel, taxiarch(komandante ng pulutong), pangalan ng Diyos, makalangit naAdan, "ang tao na salita ng walang hanggang Diyos". Ang Logos para kay Philo ay isang ringDakilang Saserdote bilang reperensiya sa posisyon ng Dakilang Saserdote ng Israel pagkatapos ngpagkakatapon sa Babilonya bilang ang sentro ng estadong Hudyo. Ang Logos ayon kay Philo ay tulad ng Dakilang Saserdote, ang naglilinis ng kasalanan, ang tagapamagitan at tagapagtaguyod ng mga tao. Ang Logos ang aspeto ng Diyos na gumagana sa muno at sa pamamagitan ng Logos ay nalikha ang mundo at tinutustan.