Anglitid ni Aquiles (Latin:tendo calcaneus) ay isanglitid ng panlikod nabinti. Nagsisilbi itong tagapagdikit ng mga masel o kalamnan ngplantaris,gastroknemyo (binti) atsoleus sa butongkalkanyo (buto ng sakong).[1] Ito ang pinakamatatag na litid sakatawan ng tao, subalit paminsan-minsan itong napipilas dahil sa pagsasayaw o matindingehersisyo. Sa halos pagkapunit ng litid na ito, nakapagdurulot ang labis na pagkabanat ng mga kalagayan ng pamamaga sa bandang dikitan ng buto, at nakapagsasanhi ng mahapding sakong. Madaling gumaling ang pilas ng litid sa pamamagitan ng pamamahinga. Tinatawag napag-igkas ng litid ni Aquiles ang pag-urong ng kalamnan ng binti dahil sa pagkanti sa litid na ito.[1]
Hinango ang pangalan ng litid na ito mula sa alamat na nagsasabing ito ang pinakamahinang bahagi ng katawan ng bayaning Griyegong siAquiles, ang mananalanta ngTroya. Noong kanyang pagkasanggol, isinawsaw si Aquiles ng kanyang inang siThetis saIlog Styx na naging sanhi ng pagiging matatag ng katawan ni Aquiles, maliban na lamang sa bahagi ng sakong na pinaghawakan sa kanya ni Thetis. SiApollo ang nagpuntirya ng isang palaso papunta sa litid ni Aquiles kaya't napaslang si Aquiles.[1]
Ang lathalaing ito ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.