SiLi Qiang (ipinanganak 23 Hulyo 1959) ay isang Tsinong politiko na nagsilbi bilang ika-8 na Premier ngRepublikang Bayan ng Tsina mula Marso 2023. Kilala bilang malapit na loyalista ni PangulongXi Jinping,[1][2] nagsilbi si Li bilang Hepe ng mga Tauhan (Chief of Staff) at de factong personal na katulong ni Xi na noo'y pinuno ng Partido saZhejiang mula 2004 hanggang 2007.[1] Maliban dito, Si Li rin ay nagsilbi bilang partidong sekretarya ngLungsod ng Shanghai mula 2017 hanggang 2022, partidong sekretarya ngJiangsu mula 2016 hanggang 2017, at partidong sekretarya ng Zhejiang mula 2012 hanggang 2016.
Noong Marso 2023, napili si Li bilang bagong premier ng Tsina na may 2,936 na boto mula Pambansang Kongreso ng Bayan.[3] Bilang bagong premier, nangako si Li na palalawigin pa niya ang paglaki ng ekonomiya gayundin sa pagbabalik ng tiwala ng mga negosyo sa ekonomiya ng bansa. Dagdag pa niya, palalakihin niya anggross domestic product (GDP) ng bansa na umabot ng limang porsyento kung saan makakatulong ito sa pagkontrol ng presyo, paglikha ng mga trabaho, at pagsuplay ng mga tirahan sa karamihan.[4]