Nang nalusob ng mga Amerikano ang baybayin ng Leyte, natupad nito ang pangako ni Hen. Douglas MacArthur na babalik ito pagkatapos niya itong sabihin noong bumagsak ang laban ng Pilipinas sa mga Hapon noong 1942.
AngLabanan sa Golpo ng Leyte ay naganap sa mga karagatang nakapalibot sa pulo simula noong 23 Oktubre hanggang 26 Oktubre 1944. Iyon ang pinakamalaking labanang pandagat sa modernong kasaysayan, kung saan tinatayang 212 mga barko ng Amerika ang nakipaglaban sa mga 60 barko ngImperyo ng Hapon, kasama na ang mga barking pandigma nitongYamato' at angMusashi.
Naganap ang unang labanan sa Leyte noong 20 Oktubre 1944. Isang matagumpay na pagsakop ng mga Alyadong bansa sa pulo ang naganap at naging isang mahalagang bahagi ng tuluyang pagkapanalo ng hukbong Pilipino at Amerikano sa Pilipinas.
Hindi kabilang ang Lungsod ng Tacloban Source: Philippine Statistics Authority[3][4][4]
Talon ng Busay na matatagpuan sa Brgy. Camono-an Dagami, Leyte
Nahahati sa wika ang Leyte sa dalawang pangunahing pangkat. Sa kanluran at timog ang mga nagsasalita ngCebuano, habang sa hilaga at silangan ang mga nagsasalita ngWaray-waray.
May mga pag-uugnay ang mga Cebuano sa Cebu, ang pinakamataong lalawigan sa Visayas; mas may mga pag-uugnay angmga Waray sa Leyte at Samar.
Umaasa angekonomiya ng Leyte saagrikultura. Itinatanim angpalay sa mga mababang patag na lugar, partikular sa may Tacloban, habang pagtatanim ngbuko, para sa langis nito, ang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan sa mga bulubunduking lugar. Isang pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente ang pangingisda.
Isang malayang lungsod angLungsod ng Ormoc sa Leyte. Pinamamahalaan ito na malaya sa lalawigan at hindi naghahalal ang mga residente ng mga opisyal ng lalawigan, na nakasaad sa kasulatan ng lungsod. AngLungsod ng Tacloban ay ang kabisera pero hindi siya kabilang sa pamahalaang panlalawigan ng probinsya ng Leyte.