Angketong olepra ay isang kronikongsakit na nakakahawa na sanhi ng bacillus naMycobacterium leprae oMycobacterium lepromatosis. Ang mabagal na lumalagong Mycobacterium leprae ay mabagal na dumarami at ang panahon ng inkubasyon ay 5 taon. Ang mga sintomas ay nangyayari sa loob ng 1 taon ngunit maaari ring tumagal hanggang sa 20 taon at marami pa. Ang ketong ay umaapekto sabalat, mganerbiyong periperal,mucosa, itaas na traktong respiratoryo. Ang sakit na ito ay magagamot ng mga drogangRifampicin,dapsone, atclofazimine.
Paucibacillary leprosy (PB): Maputlang patse-patse sa balat na nawalan ng pakiramdam
Ang Hebreong Tzaraath(Lev 13:2) ay isinalin saSeptuagint na λέπρα (Lepra) na isinalin saKing James Version at maraming saling Ingles ngBibliya naKetong ay isang salot na sakit ng balat ng pamamantal at pamamaga(Lev 13:2) na nakakahawa na maaaring makahawa sa mga damit at kabahayan. Ang Tzaraath (lepra) ay may mga sintomas nasubcutaneous(ilalim ng balat) nalesyon na may mga buhok na nagiging puti (Lv 13.3), kumakalat nalesyon (Lv 13.7–8), puting pamamaga na gumawang puti sa buhok at may sariwang laman sa pamamaga(Lv 13.10,14-16), malalim na pamamaga sa ulo o baba o (Lv 13.30, 36,43). Ang superpisyal na mga impeksiyon sa balat na gumaling o hindi kumalat sa isang kwarantina ng isang linggo ay hindi itinutuing na Tzaraath. (Lv 13.6, 23, 28, 34, 37, 39).
Ayon saAklat ng Levitico 14:2-52 tungkol sa pagpapagaling ng Tzaraath o lepra
Kumuha ng 2ibon. Patayin ang isa. Isawsaw ang buhay na ibon sadugo ng patay na ibon. Iwisik ang dugo sa may ketong ng pitong beses at hayaan ang nasawsawan ng dugong ibon na lumipad. Humanap ng isang batangtupa at patayin ito. Ipahid ang ilang dugo nito sa kanang tenga ng pasyente,hinlalaki at malaking daliri ng paa. Wisikan ng pitong beses ng langis at pahiran ng ang ilang langis ang kanang tenga , hinlalaki. Ulitin. Pagkatapos maghanap ng isang pares ng ibon.Patayin ang isa at isawsaw ang buhay na ibon sa dugo ng patay na ibon. Ipahid ang ilang dugo sa kanang tenga ng pasyente, hinlalaki, at malaking daliri ng paa. Wisikan ang bahay ng dugo ng pitong beses.
Ayon saLumang Tipan pinagaling niEliseo si Naaman sa sakit na ketong na nilipat naman ni Eliseo sa kanyang aliping si Gehazi bilang kaparusahan na ketong na kasing puti ngniyebe.
Ayon saEbanghelyo ni Lucas 17:12, pinagaling niHesus ang sampung lalakeng may ketong (Griyego: deka leproi andres), saEbanghelyo ni Mateo 8:2) ay pinagaling ni Hesus ang lalakeng may ketong (Griyego:leproi) at saEbanghelyo ni Marcos 1:4 ay pinagaling ni Hesus ang lalakeng may ketong (Griyego:lepros).