Itinatag ang unang pamayanan bilangMukhtuya (Мухтуя) ng mga Rusong mangangalakal ng balahibo noong 1663, sa sityo ng isang dating pamayanangEvenk na kilala bilangMukhtuy. Ang pangalan ng naunang pamayanan name ay hango sa isang salitangEvenk na nagngangahulugang "dakilang tubig".
Noong ika-19 at unang bahagi ng ika-20 mga dantaon, isa itongtapunán (place of exile) ng mga ipinatapon dahil sa politika. Nakaranas ito ng panahon ng mabilis na paglago noong ika-20 dantaon bilang bunga ng pagtuklas at pagpapaunlad ng mga deposito ngdiyamante sadaluyang limasan ngIlog Vilyuy. Bilang pinakamalapit na pangunahing pamayanan sa pangunahing mga paghuhukay ngkimberlita saminahan ng Mir at ang pagtatatag ngbayang kompanya ngMirny, ang Mukhtuya ay naging pangunahing base ng pagtatayo. Itinayo ang mga daan na nag-uugnay ng Mukhtuya sa Mirny noong 1956, at itinatag ang pantalan. Noong Hulyo 13, 1963, ginawaran ito ng katayuang panlungsod,[1] kasabay ng pagpapalit ng pangalan nito sa Lensk, mula sa ilog na kinatatayuan nito.
Lensk kasunod ng pagbaha noong 2001
Bahagyang nakatawag ng pansin sa mundo ang Lensk noong Mayo 2001, nang nabaha ang halos kabuoan ng lungsod at nawasak ang maraming mga gusali. Ang mgapagbaha ay dulot ng yelo sa ilog na sumasagabal sa pagdaloy nito at nakalikha ng isangprinsa. Malakihang itinayo muli ang Lensk pagkaraanng pagbaha.
Bilang karagdagan sa pagkakaugnay nito sa industriya ng diyamante at konstruksiyon, may malaking sektor ngpagtotroso at paggawa ngtabla ang Lensk at mayroon ding pagawaan ng pabahay na may malalaking mgapanel. Tahanan din ang lungsod sa samahang pananaliksik ng agham naYakutalmaz.
Nakadugtong ang Lensk saMirny sa pamamagitan ng isang daan at may itinakdang mga lipad papuntang Mirny,Yakutsk, andIrkutsk mula saPaliparan ng Lensk. Bilang isang pangunahing panloob na pantalan sa Ilog Lena, napaunlad ang lungsod bilang lugar ng pagpoproseso para sa panrehiyon na industriya ng diyamante.
Ang Lensk ay mayklimang subartiko (Köppen climate classificationDfc). Napakaginaw at napakahaba ang mga taglamig na may katamtamang mga temperatura na naglalaro sa 34.1 hanggang −25.3 °C (−29.4 hanggang −13.5 °F) sa Enero. Banayad ngunit maiksi ang mga tag-init na may katamtamang mga temperatura na naglalaro sa +10 hanggang +23.9 °C (50.0 hanggang 75.0 °F. Katamtaman angpag-ulan at mas-mataas sa tag-init kaysa sa ibang bahagi ng taon.
↑1.01.11.21.31.41.51.61.7Registry of the Administrative-Territorial Divisions of the Sakha Republic
↑2.02.12.2Russian Federal State Statistics Service (2011)."Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1].Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service.{{cite web}}:Invalid|ref=harv (tulong)
↑"Всесоюзная перепись населения 1979 г. Национальный состав населения по регионам России" [All Union Population Census of 1979. Ethnic composition of the population by regions of Russia](XLS).Всесоюзная перепись населения 1979 года [All-Union Population Census of 1979] (sa wikang Ruso). 1979 – sa pamamagitan ni/ngDemoscope Weekly (website of the Institute of Demographics of the State University—Higher School of Economics.