Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Papa Leo XI

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saLeón XI)
Leo XI
Nagsimula ang pagka-Papa1 April 1605
Nagtapos ang pagka-Papa27 April 1605
HinalinhanClement VIII
KahaliliPaul V
Mga orden
Ordinasyon22 July 1567
ni Antonio Altoviti
Konsekrasyonni Francisco Pacheco de Villena (Toledo)
Naging Kardinal12 December 1583
Mga detalyeng personal
Pangalan sa kapanganakanAlessandro Ottaviano de' Medici
Kapanganakan2 Hunyo 1535(1535-06-02)
Florence,Duchy of Florence
Yumao27 Abril 1605(1605-04-27) (edad 69)
Rome,Papal State
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Leo

SiPapa León XI (2 Hunyo 1535 – 27 Abril 1605) na ipinanganak naAlessandro Ottaviano de' Medici angPapa ng Simbahang Katoliko Romano mula 1 Abril 1605 hanggang 27 Abril 1605. Siya ay ipinanganak saFlorence. Ang kanyang ina ay anak ninaJacopo Salviati atLucrezia de' Medici na kapatid niPapa Leo X samantalang ang kanyang amang siOttaviano de' Medici ay isang mas malayong pinsan ngSambahayan ng Medici. Pagkatapos ng isang huling pagsisimula, siya ay inordinahang pari at ipinadala niCosimo I de' Medici, Dakilang Duke ngTuscany bilang angkop na embahador kayPapa Pio V na isang posisyong kanyang hinawakan sa loob ng 15 taon. Ginawa siyang obispo ng Pistoia noong 1573 niPapa Gregorio XIII, ginawang arsobispo ng Florence noong 1574 at kardinal-pari ngSanti Quirico e Giulitta noong 1583.

Noong 1596, ipinadala siya niPapa Clemente VIII bilang legato ng papa sa Pransiya kung saan siMaria de' Medici ay isang reyna. Noong 14 Marso 1605, 11 araw pagkatapos ng kamatayan niPapa Clemente VIII, ang mga 62 kardinal ay pumasok sakonklabeng pampapa. Ang mga prominente sa mga kandidato sa pagkapapa ang dakilang historyan na siBaronius at sikat na Hesuitang kontrobersiyalistang siRobert Bellarmine. Gayunpaman, siPietro Aldobrandini na pinuno ng partidong Italyano ay nakipag-alyansa sa mga kardinal na Pranses at sinanhi ang pagkakahalal ni Alessandro laban sa hayag na kagustuhan ni HaringFelipe III ng Espanya. Si HaringHenry IV ng Pransiya ay sinasabing gumugol ng 300,000écu sa promosyon ng kandidasiya ng Alessandro. Noong 1 Abril 1605, si Alessandro ay lumuklok sa trono ng papa na may pangalang Leo XI kasunod ng kanyang tiyuhing siPapa Leo X. Gayunpaman, sa edad na halos 70 ay nagkasakit pagkatapos ng kanyang koronasyon at namatay sa loob ng isang buwan.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
ika-1 hanggang ika-4 na siglo CE
Christ giving the Keys of Heaven to Pedro
ika-5 hanggang ika-8 na siglo CE
ika-9 hanggang ika-12 na siglo CE
ika-13 hanggang ika-16 na siglo CE
ika-17 siglo hanggang sa kasalukuyan

KatolisismoAng lathalaing ito na tungkol saKatolisismo ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Papa_Leo_XI&oldid=2112427"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp