Angalfabetong Latin ay hango sa sinaunang alfabetong Italico na siya namang hango saalfabetong Griego; ito pa rin ang pinakaginagamit na alfabeto sa buong daigdig. Ginamit din ang Latin sa Kanluran sa loob ng mahigit 1000 taon bilanglingguwa prangka o wikang pantalastasan at para na rin sa panitikan saagham atpolitika. Napalitan naman ito ng Pranses noong ika-18 siglo at ng Ingles noong ika-19 na siglo.
Sa kasalukuyan, ginagamit pa rin ang Latin sa pagsasauri ng mga nilalang, pagngangalan ng mga larangan at iba pang mga bagay na inaaral sa agham nang naaayon sa Kanluraning kagawian. Samantalang angLating Pamsimbahan (Latina Ecclesiastica) pa rin ang formal na wika ng Simbahang Katoliko at pangunahing wika ng Lungsod ng Vatikano. Ginamit ng Simbahan ang Latin bilang banal na wika magpahanggang sa Ikalawang Kapulungang Vatikano noong dekada 1960.
Isang teenager/adult na lalaki na nagsasalita ng Latin
Narito ang isang talaan ng mga titik at tinig o fonema sa wikang Latin. Upang makatiyak, ginagamit na gabay sa pagbaybay ng bigkas angIPA.
A (maikli)
[ʌ]
(tulad ng ‘talim’)
A (mahaba)
[aː]
(tulad ng ‘akin’)
AE
[aj]
(tulad ng ‘bigay’)
B
[b]
(tulad ng ‘alab’)
C
[k]
(tulad ng ‘anak’)
CH
[kʰ]
(tulad ng katutubong bigkas ng Inggles na ‘cake’; bahagyang katulad ng sa ‘likha’)
D
[d]
(tulad ng ‘dalisay’)
E (maikli)
[ɛ]
(tulad ng ‘pera’)
E (mahaba)
[eː]
(tulad ng karaniwang bigkas sa salitang Tagalog na ‘pare’, sa Frances na ‘été’, o saAleman na ‘Leben’)
EI
[ej]
(tulad ng ‘Kankanaey’)
EU
[ew]
(tulad ng ‘Europa’; malapit sa ‘ewan’)
F
[f]
(tulad ng ‘Filipino’)
G
[g]
(tulad ng ‘gawa’)
GN
[ŋn]
(tulad ng ‘pangnakaraan’)
H
[h]
(tulad ng ‘hawak’)
I (maikli)
[ɪ]
(tulad ng ‘hapit’)
I (mahaba)
[iː]
(tulad ng ‘kilos’)
J
[j]
(tulad ng ‘yugto’)1
K
[k]
(tulad ng C; madalang gamitin sa Latin)
L
[l]
(tulad ng ‘laro’)
M
[m]
(tulad ng ‘madla’)
N
[n]
(tulad ng ‘niyog’; bago ng C, G, o Q, bilang /ŋ/ ng ‘tangkay’)
O (maikli)
[ɔ]
(tulad ng ‘Ano?’)
O (mahaba)
[oː]
(tulad ng sa salitang Tagalog na ‘alimuom’, sa Frances na ‘eau’, o sa Aleman na ‘wo’)
OE
[oj]
(tulad ng ‘Oy!’)
P
[p]
(tulad ng ‘payak’)
PH
[pʰ]
(tulad ng Inggles na ‘pit’)
QU
[kʷ]
(medyo kasintulad ng ‘pakwan’)
R
[ɾ]
(tulad ng ‘marami’)
S
[s]
(tulad ng ‘sarap’)
T
[t]
(tulad ng ‘talampas’)
TH
[tʰ]
(tulad ng Inggles na ‘tin’; malapit sa “bathala’)
U (maikli)
[ʊ]
(tulad ng ‘balut’)
U (mahaba)
[uː]
(tulad ng ‘pusa’)
V
[w]
(tulad ng ‘wari’)
X
[ks]
(tulad ng ‘paksa’)
Y (maikli)
[ʏ]
(tulad ng Frances na ‘tu’)
Y (mahaba)
[yː]
(tulad ng Aleman na ‘übermensch’)
Z
[z]
(tulad ng Inggles na ‘zoo’)
Hindi ipinapakita sa pagbaybay ng Latin ang pagkakaiba ng maiikli at mahahabang patinig, ngunit sa makabagong baybay, maaaring lagyan ngmakron (ā, ē, ī, ō, ū,ȳ) ang mahahabang patinig.
1 Sa gitna ng dalawang patinig, dalawa ang bilang na ginagampanan ng titik J: isang katinig at isa ring bumubuo ng diptonggo kasama ng naunang patinig. Halimbawa (gamit ang baybay pambigkas sa Tagalog),major (/máy·yor/),cujus (/kwí·yus/),rejectus (/rey·yék·tus/).