Senet ang unang kilalang board game, na ginawa sa Sinaunang Ehipto.
Anglaro ay isang uri ng paglalarong may estraktura, kadalasang ginagawa para salibangan o kasiyahan, at ginagamit minsan bilang kagamitang pang-edukasyon.[1] Itinuturing ding trabaho ang maraming laro (gaya ng mga propesyonal na manlalaro ngpalakasan o larong pinapanood) osining (gaya ng mga palaisipangjigsaw [o rompekabesas] o larong may kinalaman sa artistikong paglalatag gaya ng Mahjong, solitaryo, o ilanglarong bidyo).
Nilalaro lamang minsan ang mga laro para sa kasiyahan, minsan para sa tagumpay o gantimpala rin. Maaari silang laruin nang mag-isa, sa mga koponan, oonline; ng mgaamateur (o baguhan) o ng mga propesyonal. Maaaring may madla o manonood ang mga manlalaro na hindi maglalaro, gaya ng kapag naaaliw ang mga tao sa panonood ng isang kampeonato ngahedres. Sa kabilang banda, maaaring bumuo ng kanilang sariling madla ang mga manlalaro sa isang laro habang pumipili sila sa paglalaro. Kadalasan, bahagi ng libangan para sa mga batang naglalaro ng isang laro ang pagpapasya kung sino ang bahagi ng kanilang madla at kung sino ang isang manlalaro. Hindi pareho ang laruan at laro. Karaniwang nagbibigay-daan ang mga laruan sa walang limitasyong paglalaro samantalang nagpapakita ang mga laro nagpapakita ng mga panuntunan para sundin ng manlalaro.
Ang mga pangunahing bahagi ng mga laro ay mga layunin,panuntunan,hamon, atpakikipag-ugnayan. Karaniwang may kasamang mental o pisikal na pagpapasigla, at kadalasan pareho ang mga laro. Maraming laro ang tumutulong sa pagbuo ng mga praktikal nakasanayan, na nagsisilbing isang paraan ngehersisyo, o kung hindi man ay gumaganap ng isang pang-edukasyon,pang-simulasyon, osikolohikal na tungkulin.
Pinatunayan noong 2600 BC,[2][3] ang mga laro ay isang unibersal na bahagi ng karanasan ng tao at naroroon sa lahat ngkalinangan. Ang Pangharing Laro ng Ur, Senet, atMancala ay ilan sa mga pinakalumang kilalang laro.[4]
Ang mga laro ay maaaring mailalarawan sa pamamagitan ng "kung ano ang ginagawa ng manlalaro".[5] Ito ang madalas na tinutukoy bilanggameplay o paraan ng paglalaro. Ang mga pangunahing elementong natukoy sa kontekstong ito ay mga kagamitang at panuntunan na tumutukoy sa pangkalahatang konteksto ng laro.
Angpalakasan ay karaniwang binibigyan kahulugan bilang atletikong aktibidad na kinakasangkutan ng isang antas ngkompetisyon, tulad ngbasketbol obeysbol, osipaang-bola. Tinatawag na palakasan ang ilang laro at maraming uri ngkarera. Tinatawag na atleta ang propesyunal na nasa palakasan.
Angboard game olarong tabla ay isang laro o laruan na karaniwang nilalarong may mga piyesa sa ibabaw ng isang pook na parang tabla o karton. Ilan sa mga halimbawa ng mga larong tabla ay angahedres,scrabble,dama,backgammon, irensei,parqués atgo. Ang ahedres at dama ay nilalaro sa ibabaw ng 8 x 8 na tablangparisukat, na binubuo ng 32 puti at itim na mga parisukat.
Angvideo game olarong bidyo ay mga larongelektroniko na nilalaro sa isang iskrin pambidyo (kadalasangtelebisyon,monitor ng kompyuter, o iskrin na naka-built-in kapag nilalaro sa isang makinanghandheld o hinahawakan).