![]() | Kailangangisapanahon(i-update) ang artikulong ito. Pakitulungang isapanahon ang article na ito upang sumalamin ang kamakailang mga kaganapan o bagong impormasyon na mayroon na. |
South Luzon Expressway | |
---|---|
Dating tinawag na South Superhighway Pres. Sergio Osmeña Sr. Highway[1] Dr. Jose P. Rizal Highway[2] | |
![]() Mapa ng mga mabilisang daanan saLuzon (nakakahel ang South Luzon Expressway) | |
![]() Pahilagang South Luzon Expressway sa Barangay Putatan, Muntinlupa | |
Impormasyon sa ruta | |
Part ofAH26 | |
Pinangangasiwaan ngKagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan atPangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (Osmeña Highway/South Superhighway), Skyway Operations and Maintenance Corporation (Metro Manila Skyway), at Manila Toll Expressway Systems, Inc. (South Luzon Tollway/ACTEX) | |
Haba | 51 km (32 mi) |
Bahagi ng |
|
Pagbabawal | Bawal ang mga motorsiklo na mas-mababa sa 400cc paglampas ng Palitan ng Nichols (patimog). |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa hilaga | ![]() |
| |
Dulo sa timog | ![]() |
Lokasyon | |
Mga lawlawigan | Kalakhang Maynila,Laguna,Batangas |
Mga pangunahing lungsod | Maynila Makati Pasay Taguig Parañaque Muntinlupa San Pedro Biñan Santa Rosa Cabuyao Calamba Santo Tomas |
Mga bayan | Carmona |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
AngSouth Luzon Expressway (SLE oSLEx), na kilala dati sa mga pangalangSouth Superhighway (SSH),Manila South Diversion Road (MSDR), atManila South Expressway (MSEX), ay isang pinag-ugnay na dalawang mabilisang daanan (expressway) na nag-uugnay ngKalakhang Maynila sa mga lalawigan sa rehiyon ngCALABARZON saPilipinas. Ang unang mabilisang daanan ay angMetro Manila Skyway System, na magkasamang pinamamahalaan ng Skyway Operation and Management Corporation (SomCo) at Citra Metro Manila Tollways Corporation (CMMTC). Ang ikalawang mabilisang daanan, angSouth Luzon Tollway oAlabang-Calamba-Sto.Tomas Expressway (ACTEx), ay magkasamang pinamamahalaan ng South Luzon Tollway Corporation, isang negosyo na magkasamang hinahawakan ngPNCC, at Citra group ng Indonesya na sinusuportahan ng SMC sa pamamagitan ng Manila Toll Expressway Systems, Inc. (MATES).
Ang mabilisang daanan ay isang bahagi ngExpressway 2 (E2) ngsistema ng mabilisang daanan sa Pilipinas atDaang Radyal Blg. 3 (R-3) ng sistemang arteryal ng mga lansangan ng Maynila. Nagsisimula ito sa distrito ngPaco saMaynila saAbenida Quirino, at pagkatapos ay dadaan ito sa mga sumusunod na lungsod at bayan:Makati,Pasay,Taguig,Parañaque, atMuntinlupa saKalakhang Maynila;San Pedro atBiñan saLaguna;Carmona saKabite; at dadaan muli sa Biñan,Santa Rosa,Cabuyao, atCalamba sa Laguna. Nagtatapos ito saSanto Tomas,Batangas. Ang malaking bahagi ng mabilisang daanan ay bahagi ngN1 (AH26) mulaPalitan ng Magallanes hanggang Labasan ng Calamba (Exit 50).
Noong 2006, isinailaim ang bahaging South Luzon Tollway sa isang pagsasaayos sa ilalim ng SLEX Upgrading and Rehabilitation Project, na nagsasaayos at nagpapalawak ng Biyadukto ng Alabang gayundin ang daan mula Alabang hanggang Calamba, at kalaunan inuugnay ang mabilisang daanan saSouthern Tagalog Arterial Road sa Santo Tomas.
Ang South Luzon Expressway ay itinayo noong huling bahagi ng 1960s bilang bahagi ng plano ng pamahalaan ni dating PanguloFerdinand Marcos bilang South Driversion Road o South Superhighway para paunlarin ang mga lugar na katabi ng Metro Manila, kung saan ang SLEX ay nagsisilbi saTimog Katagalugan.[3] Tumutukoy ang South Superhighway sa bahaging Maynila - Alabang na itinayo noong 1967 at natapos noong 16 Disyembre 1969.
Noong 1976, pinahaba nang 29 kilometro ang mabilisang daanan mula Alabang hanggangCalamba. Kasama sa proyekto angBiyadukto ng Alabang (Alabang Viaduct), na may habang 850 metro at dumadaan sa ibabaw ng Alabang.[4]
Bago ang pagsasaayos noong 2006, ang malaking bahagi ng South Luzon Expressway ay isang mabilisang daanan na hinahatian ng panggitnang harangan na damuhan (grass median), at may dalawang linya kada direksyon mula Alabang hanggang Calamba. Sinimulan ang tinaguriangSLEX Upgrading and Rehabilitation Project noong Mayo 2006, at kalakip nito ang mabigat na daloy ng trapiko sa mabilisang daanan. Alinsunod sa proyekto, isinailalim sa isang pangunahing pagsasaayos ang buong mabilisang daanan kahalintulad ng ginawang pagsasaayos saNorth Luzon Expressway. Pinalawak sa apat na mga linya ang Biyadukto ng Alabang, at ang pagtatayo ngSkyway Stage 2 ay nagdulot ng trapiko sa bahaging Nichols-Alabang. Natapos ang pagsasaayos noong 2009, at ang bahaging Alabang-Calamba ay pinalawak sa 3 hanggang 4 na mga linya. Noong 2010, isang karugtong ng mabilisang daanan, na pinangalanangAlabang-Calamba-Santo Tomas Expressway orACTEx, ay binuksan, na nag-uugnay ng South Luzon Expressway saSTAR Tollway sa Santo Tomas, Batangas. Dahil dito, naging dalawang oras na lamang mula sa dating apat na oras ang oras ng paglalakbay mula Maynila hanggangLungsod ng Batangas.
Mula Disyembre 2016, nakompleto na nang tuluyan angNAIA Expressway na nag-uugnay saSkyway, South Luzon Expressway, mga terminal ngPaliparang Pandaigdig ng Ninoy Aquino,Entertainment City, atManila–Cavite Expressway (o CAVITEx).
Kasalukuyang itinatayo ang Stage 3 na mag-uugnay nito saNorth Luzon Expressway mulaBuendia hanggang Balintawak, at inaasahang matatapos ito sa taong 2019.
Mula 2010, dumadaan ang South Luzon Expressway mulaMaynila hanggangLaguna,Kabite, atBatangas. Nakalagay sa mga panukalang panghinaharap ang pagpapahaba ng mabilisang daanan saQuezon,Camarines Sur,Albay, atSorsogon bilang bahagi ng mga panukalang pagpapalawak nito. Binubuo ito ngMetro Manila Skyway System at South Luzon Tollway/Alabang-Calamba-Santo Tomas Expressway, na binubuo naman ng Pres. Sergio Osmeña Sr. Highway at Dr. Jose P. Rizal Highway. Isang maikling bahagi ng mabilisang daanan sa pagitan ng Magallanes at Nichols ay nasa lupa.
Ang bahagingLansangan ng Pangulong Sergio Osmeña Sr. (Pres. Sergio Osmeña Sr. Highway) ay nagsisimula sa sangandaan nito saAbenida Quirino saPaco,Maynila, at tutungo ito sa Alabang saMuntinlupa. Ang bahagi ng Lansangang Osmeña na dumadaan sa Maynila, Makati, Pasay, at Taguig ay isang lansangangtoll-free bago makarating sa Tarangkahang Pambayad ng Nichols kung saan nagsisimula ang may-bayaring mabilisang daanan (tolled expressway). Patimog, ang mabilisang daanan ay may mga labasan saC-5 Road saTaguig; Subdibisyong Merville at Bicutan saParañaque; at Sucat, Alabang, at Filinvest sa Muntinlupa. Ang bahaging ito ay dating kilala sa pangalangSouth Superhighway bago ipinasa ang Batas Republika Blg. 6760, na nagbibigay ito ng pangalan mula kay dating PanguloSergio Osmeña.[1] Malaking bahagi nito ay kalinya ngPNR Metro South Commuter Line.
Nagsisimula ang Lansangang Osmeña sa may ilaw-trapiko sa panulukan ngAbenida Quirino. Tatawirin ng lansangan ang Kalye San Andres,Kalye Ocampo (Vito Cruz), atKalye Zobel Roxas. Aakyat ang lansangan at dadaan sa ibabaw ngAbenida Gil Puyat sa pamamagitan ng Buendia Flyover, na may mga daang panserbisyo (service roads) upang maglingkod sa nasabing abenida at ilang mga kalapit na kalye. Nagsisimula angMetro Manila Skyway sa mga rampa paglampas ng Buendia Flyover. Tatawid ang Lansangang Osmeña sa ibabaw ngAbenida Arnaiz, at kalauna'y tatawid sa ibabaw ngEDSA saPalitan ng Magallanes. Ang pagkakatugma nito saPan-Philippine Highway ay magsisimula sa palitang ito. Pagkalampas ng Palitan ng Magallanes, ang lansangan ay may 5 linya, at nakatakda ang isang linya para sa mga motorsiklo hanggang sa mayPalitan ng Sales, kung saan nagsisimula ang daang may-bayad (tolled road). Ang Lansangang Osmeña ay magiging daang may-bayad pagkalampas ng Sales. Sa puntong ito ipinagbabawal sa mabilisang daanan ang mga motorsiklo na mababa sa 400cc.
Ang bahagi ng Lansangang Osmeña hilaga ng Palitan ng Magallanes ay pinapanatili ngKagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) sa pamamagitan ng South Manila District Engineering Office, at ang bahagi sa timog ay pinapanatili ng Skyway Operations and Management Company o SOMCo. May kapangyarihan angPangasiwaan sa Pagpapaunlad ng Kalakhang Maynila (MMDA) sa kapuwang bahagi, at pinapanatili ang mga linya pangmotorsiklo hanggang sa Nichols.
Paglampas ng Palitan ng Sales mula Nichols, ang Lansangang Osmeña ay magiging may-bayad naSouth Luzon Expressway. May dalawang daang serbisyo ang mabilisang daanan hanggang sa Labasan ng Alabang. Dumadaan ang PNR Metro South Commuter Line sa pagitan ng South Luzon Expressway at Skyway hanggang sa paglampas ng Labasan ng C-5. Dumadaan ang mabilisang daanan at mga daang serbisyo nito sa hangganan ngPasay-Taguig hanggang sa umabot ang mga ito sa Labasan ng C-5. Pagkalampas ng C-5, dadaan ang Skyway sa ibabaw ng South Luzon Expressway patungong Alabang. Liliko nang bahagya ang South Luzon Expressway at dadaan sa Bicutan, at dadaan ito bilang isang deretsong ruta na may Skyway sa ibabaw nito hanggang sa abutin nito ang Labasan ng Alabang at Biyadukto ng Alabang. Sa pangkaramihan dumadaan ang mga mabilisang daanan sa hangganan ngParañaque-Taguig hanggang sa dumating ito malapit sa Sucat, kung saan tatawid nito angAbenida Dr. Arcadio Santos o Daang Sucat. Papasok ang South Luzon Expressway at Skyway saMuntinlupa, at dadaanin ng mga ito ang mgaBarangay ng Sucat, Buli, at Cupang, bago lumapit itoAlabang. Aalis ang Skyway kalaunan, tapos ay liliko pakanluran, at bababa saDaang Alabang–Zapote. Ang Labasan ng Alabang ang dulo ng SLEX mula 1969 hanggang 1976, bago itinayo ang Biyadukto ng Alabang at pinahaba ang mabilisang daanan patungong Calamba. Ito rin ang kinalalagyan ng dating Tarangkahang Pambayad ng Alabang. Aakyat ang South Luzon Expressway sa ibabaw ng Daang Maharlika (National Road oManila South Road) sa pamamagitan ng biyadukto, bago bumaba ito at maging Alabang-Calamba-Santo Tomas Expressway (ACTEx) o South Luzon Tollway (SLT).
Mula sa Kilometro 28.387 saSan Pedro,Laguna at patimog,[2] dumadaan ang bahagingLansangang Dr. Jose P. Rizal (Dr. Jose P. Rizal Highway) sa lalawigan ngLaguna, at gayundin sa bahagi ngCarmona saKabite bago tumuloy muli sa Laguna mula Biñan papuntangCalamba. Dati itong bahagi ng Lansangang Osmeña, subalit noong 1992 binago ang R.A. 6760, na nagbigay ng pangalan mula sa pambansang bayaning siDr. José Rizal ang bahaging ito.[2] Ang daan na mula sa Biyadukto ng Alabang sa Muntinlupa hanggang Santo Tomas, Batangas ay bumubuo sa South Luzon Tollway na hawak ng South Luzon Tollway Corporation, isang negosyo na magkasamang hinahawakan ngPhilippine National Construction Corporation (PNCC) at ng Citra group ngIndonesya na sinusuportahan ng SMC.[5]
Tinawag na SLT o ACTEx bilang bagong alternatibong pangalan para sa bahagi ng R-3 na hawak ng South Luzon Tollway Corporation. Ang pangalang ACTEx ay tumutukoy sa bahagi ng SLEx mula Labasan ng Alabang saMuntinlupa hanggang Labasan ng Santo Tomas saSanto Tomas,Batangas.
Nagsisimula ang South Luzon Tollway/ACTEx paglampas ng Labasan ng Filinvest (Exit 23), na may dalawa hanggang apat na mga linya kada direksyon at kalinya ngManila South Road (oNational Highway) sa malaking bahagi nito saMuntinlupa at hilaga-kanlurangLaguna.[6] Liliko nang bahagya ang mabilisang daanan sa mga Barangay ng Bayanan at Putatan sa Muntinlupa. Matatagpuan sa bahaging ito ang unang pook panserbisyo (service area) ng ACTEx, ang Tollway Plaza na mayShellgas station at ilang restoran tulad ngJollibee,KFC,Greenwich,Burger King, atbp.. Paglampas ng nasabing pook panserbisyo, susundin ng South Luzon Expressway ang deretsong ruta, at dadaan ito sa palitan na naglilingkod saMuntinlupa–Cavite Expressway, sa Daang Maharlika, at mga Barangay ng Poblacion at Tunasan sa Muntinlupa.
Kalaunan, papasok ito saLaguna saLungsod ng San Pedro. Tutuloy ito bilang isang deretsong daanan na nililinyahan ng mgabillboard at dumadaan sa mga pook-industriyal at pantahanan ng lungsod bago lumiko at umakyat paglampas ng mga pook panserbisyo ngPetron atCaltex upang makatawid ng Abenida Pacita at ng hindi na ginagamit na sangay (spur) ngPNR South Main Line. Papasok naman ang South Luzon Expressway saBiñan, at dadaan ito malapit sa Southwoods, Barangay San Francisco (Halang), at Splash Island, bago pumasok saCarmona,Kabite. Babagtas sa mabilisang daanan ang isang bahagi ng linyang transmisyon ng Biñan-Dasmariñas, pagkaraan ng Labasan ng Southwoods. Dadaan naman ito sa Carmona sa loob ng isang kilometro (na may labasan na nagsisilbi sa bayan), bago pumasok muli sa Biñan sa Tulay ng Santo Tomas. Pagbalik ng Biñan, tatahakin nito ang deretsong daan papuntang Barangay Mamplasan, kung saan may isang labasan na maglilingkod sa Laguna International Industrial Park at ilang mga komunidad pantahanan tulad ng Brentville at Jubilation. May isang pook panserbisyo ng Caltex sa daang patimog ng mabilisang daanan sa Mamplasan. Papasok naman ito saSanta Rosa sa isang deretsong ruta na madalas nililinyahan ng mga puno. Babagtasin nito angDaang Tagaytay–Santa Rosa sa pamamagitan ng isangpalitang parclo. Sa puntong ito kikipot ang South Luzon Expressway sa tatlong linya kada direksyon, na may mga bantayang riles (guard rails) bilang panggitnang harangan. Dadaan naman ang mabilisang daanan malapit saEnchanted Kingdom at ETON City. Matatagpuan sa tabi ng daang pahilaga ng bahaging ito ng SLEx ang isang pook panserbisyo ngTotal.
Papasok ang South Luzon Expressway saCabuyao, at dadaan ito malapit saMalayan Colleges Laguna (na dating lokasyon ng mgawarehouse na pag-aari ng dating Uniwide Sales Inc.) at Santa Elena Golf and Country Club. Tatawid ito sa Ilog San Cristobal at papasok saCalamba habang nasa deretsong ruta patungong Labasan ng Batangas/Calamba. Lalapit ito sa Tarangkahang Pambayad ng Calamba, kung saan lalawak nang bahagya ang mabilisang daanan sa 18 linya; babalik muli sa anim ang mga linya (tatlo kada direksyon) paglampas. Pagdating nito sa Labasan ng Batangas/Calamba sa Barangay Turbina, aalis ang AH26 at tutuloy sa Manila South Road/Daang Maharlika. Ang Labasan ng Batangas/Calamba (o Labasan ng Calamba) ay dating dulo ng SLEx sa timog mula 1976 hanggang 2010, kung kailan pinahaba ang mabilisang daanan upang maiugnay ito saSTAR Tollway.
Paglampas ng Labasan ng Calamba, kikipot sa apat na mga linya (dalawa kada direksyon) ang SLEx. Walang labasan sa bahaging ito. Susundin nito ang palikong ruta kalinya ng Pan-Philippine Highway (Manila South Road/Daang Maharlika) mula Calamba hanggangSanto Tomas,Batangas. Lalapit ito sa Tarangkahang Pambayad ng Ayala Greenfield, tutuloy ito sa Barangay Saimsim, at papasok ito sa Batangas pagkaraan ng Tulay ng Siam-siam. Liliko ang mabilisang daanan bago matapos ito sa Kilometro 57.2, at tutuloy ito patungongLungsod ng Batangas bilangSouthern Tagalog Arterial Road (o STAR Tollway). Subalit ang pagbilang ng kilometro ng susunod na mabilisang daanan pagkatapos ng Labasan ng Santo Tomas ay nagsisimula sa Kilometro 60 sa halip ng Kilometro 57.2.
SLEX Toll Road 4 | |
---|---|
![]() Mapa ng ipinapanukalang Toll Road 4 alinsunod sa DPWH. Pakipindot para sa mas-malaking bersyon. | |
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 61 km (38 mi) |
Pangunahing daanan | |
Mula sa | ![]() ![]() |
| |
Hanggang | Tayabas,Quezon |
Lokasyon | |
Mga pangunahing lungsod | |
Mga bayan | |
AngToll Road 4 oTR4 ay isang 61 kilometro (o 38 milyang) karugtong ng SLEX mula Santo Tomas sa Batangas hanggang Lucena - Tayabas sa Quezon. Nahahati ang pagtatayo sa limang mga bahagi at inaasahang masisimula pagsapit ng Hunyo 2017. Ang proyektong karugtong ay ipinapatupad ngToll Regulatory Board at ipapatakbo ng South Luzon Tollway Corporation (SLTC). Ang karugtong ay magpapagaan ng daloy ng trapiko sa umiiral na pambansang daan sa pagitan ng Santo Tomas at Lucena at magbibigay ng makabagong alternatibong ruta para sa mga manlalakbay mula Quezon at Rehoyon ng Bicol. Nakuha na angright of way ng mabilisang daanan para sa unang tatlong mga bahagi sa pagitan ng Santo Tomas at Tiaong, at nagpapatuloy ang proseso ngright of way para sa natitirang bahagi mula Tiaong hanggang Tayabas. Inaasahang matatapos ang kabuuan ng karugtong pagsapit ng taong 2019.[7][8][9]
AngToll Road 5 o TR5 (oQuezon–Bicol Expressway) ay ang ipinapanukalang 418.3 kilometrong ekstensyon ng SLEX mula Lucena patungongMatnog,Sorsogon. Ang nasabing ekstensyon ay magpapagaan ng daloy ng trapiko saLansangang Andaya atPan-Philippine Highway, magpapabawas ng oras ng paglalakbay mula Manila papuntangNaga nang 2–3 oras, at papuntang Matnog nang 6 na oras. Itatayo ito ng Manila Toll Expressway Systems Inc., ang kompanyang 40 porsyentong pag-aari ng Philippine National Construction Corporation (PNCC). Ang natitira naman ay nahahati sa kapwa Alloy Manila Expressway Inc., isang lokal na kompanya, at Citra Group ng Indonesya, na sinusuportahan ng SMC at nakabili ng mga bahagi na dating pag-aari ng MTD Capital Berhad ng Malaysia. Noong 2015, ang ekstensyong ito ay itinatalakay nina Gob.Joey Salceda ngAlbay, Tagapangulo ng Toll Regulatory Board na si Edmund Reyes,San Miguel Corporation, atRamon Ang.[10]
Mula 2010, ikinukunsidera ng pamahalaan ang mga dalawang panukala na mag-uugnay ng SLEx saNorth Luzon Expressway (NLEx).[11] Ayon kay KalihimRogelio Singson ng DPWH, kapwang matutuloy ang mga panukala; maaaring umiral ang mga nasabing panukala sapagkat ang mga proyektong ito ay maglilingkod sa dalawang mag-kabilang koridor ng Kamaynilaan.[12] Noong 23 Mayo 2012, kapwa iprinisinta ng mga kompanya ang kanilang mga panukala kay PanguloBenigno S. Aquino III. Ipinahayag naman ng administrasyon sa pamamagitan ni Kalihim Ricky Carandang ngKomunikasyon na inaasahan nilang mabibigyan ng pormal naawarding at pahintulot ang mga kompanya pagsapit ng huling bahagi ng taon, upang masimulan nila "pagsapit ng huling bahagi ng taong ito o unang bahagi ng susunod na taon."[11]
Tinaguriang "Skyway Stage 3", nakatanggap ng Kagawaran ng Pagawaing Bayan at Lansangan (DPWH) ng isang kusang panukala mula sa Citra Metro Manila Tollways Corp. (CMMTC) para sa pagtatayo ng karugtong ngSkyway na tatakbo mula Bicutan, Taguig hanggang Balintawak, Lungsod Quezon, ayon sa panukala.[12]
Ipinapanukala ng DPWH na isasama ang proyekto sa pangunahing tema at mga planong PPP (o Pagtutulungan ng Pampubliko at Pribadong Sektor) nito upang i-subject ang panukala sa isangSwiss Challenge, ayon kay Mababang-Kalihim ng Pagawaing Bayan Romeo S. Momo sa isang panayam sa telepono noong Biyernes. Kinakailangan ngSwiss challenge ang ahensiya ng pamahalaan na nakatanggap ng isang kusang halaga (unsolicited bid) para sa isang proyekto na ilathala ang halaga at mag-anyaya ng mga ikatlong partido para i-tumbas o i-higitan ang halagang ito.[12]
Noong 29 Nobyembre 2013, isinailalim ng IC sa isang pagsusuri ng detalyadong disenyong inhinyeriya (engineering design) ang ₱26.6 bilyong "Skyway Stage 3 Project".[13]
Nagsimula ang pagtatayo sa unang ikaapat na bahagi ng taong 2015.
Samantala, isang taon bago inanunsiyo nang publiko ang panukala ng CMMTC, isinumite ng NLEXconcessionaire subsidiary Metro Pacific Tollway Development Corporation (MPTDC) sa pamamagitan ng Manila North Tollways Corporation (MNTC) ang kanilang panukala na tinaguriang "NLEx-SLEx Connector Road" (o "Segment 11") ng proyektong NLEx Phase 2 project. Nakasaad dito na itatayo ang isang 13.24 kilometrong nakaangat na mabilisang daanan mula Buendia (Skyway Stage 1) hanggangDaang C-3 na mag-uugnay sa NLEx sa pamamagitan ng Segment 10 ng proyektong NLEx Phase 2. Dadaan ang malaking bahagi ng nakaangat na daanan sa ibabaw ng mga riles ngPhilippine National RailwaysRight-Of-Way.[12]
Noong 29 Nobyembre 2013, ang proyektong "NLEx-SLEx Connector Road" na may tinatayang halaga na ₱21.2 bilyon ay pinayagan bilangJoint Venture Project sa ilalim ng Kautusang Pampanguluhan Blg. 1894 ayon sa PPP Center[14] ng Pilipinas.
Gumagamit ang South Luzon Expressway ng sistemang nakasara (closed) at sistemang tarangkahang bayarin (barrier toll systems). Pagkapasok sa mabilisang daanan, kukuha ang mga drayber ng isang papel na kupon na ibabalik sa labasang tarangkahang pambayad. Dating ginagawa ang proseso gamit ang mga kard na may pirasong magnetiko (magnetic strip).
Ipinatutupad ng mabilisang daanan ang isang sistemang de-kuryente sa pagkukuha ng bayarin (ETC), ang Autosweep RFID, gamit ang teknolohiyang RFID, at dating ginamit ng sistema ang "E-Pass", na gumamit ng teknolohiyangtransponder. Ang sistemang ETC ay ginagamit ng Skyway. Isinasagawa ang pagkukuha ng ETC sa mga dedikadong linya sa tarangkahang pambayad, ngunit isinasagawa rin sa mga pinaghalong linya ng bayarin.
Ang sumusunod ay mga bayarin batay sa uri ng sasakyan:
Uri ng Sasakyan | Bayad |
---|---|
Class 1 (Mga kotse, motorsiklo, SUV, atdyipni) | ₱3.37/km |
Class 2 (Mga bus, magaan na trak) | ₱6.74/km |
Class 3 (Mga mabigat na trak) | ₱10.11/km |
Sinusukat ng mga palatandaan (kilometer stones/markers) ang distansya (na nasa kilometro) mulaKm 0 saLiwasang Rizal. Kadalasang nakapangalan at nakanumero ang mga labasan, subalit makikita lamang ang mga bilang ng labasan pagkaraan ng Labasan ng Alabang. May pagkakaiba sa pagmimilya: ang Km 24 ay Km 23 sa mga bahagi ng SLEX na pinangangasiwaan ng Manila Toll Expressway Systems (MATES), subalit mayroon nang Km 23 malapit sa Cupang,Muntinlupa. Mula Abenida Quirino hanggang Palitan ng Sales, ang SLEX ay isang nasa lupa na pambansang lansangan na pinangalangangLansangang Osmeña, na bahagi ngN145.
Lalawigan | Lungsod/Bayan | km | mi | Mga paroroonan | Mga nota |
---|---|---|---|---|---|
Maynila | 4.090 | 2.541 | ![]() | Hilagang dulo. | |
4.650 | 2.889 | Eskinitang San Andres | Interseksyong Traffic light. | ||
5.430 | 3.374 | Kalye Ocampo | Intersekyong Traffic light. | ||
5.490 | 3.411 | Abenida Zobel Roxas | Intersekyong Traffic light. | ||
Makati | Hilagang dulo ng tulay sa ibabaw ng Abenida Buendia | ||||
![]() | Intersekyong Traffic light. | ||||
Timog na dulo ng tulay sa ibabaw ng Abenida Buendia | |||||
6.750 | 4.194 | ![]() | Patimog na pasukan at pahilagang labasan ng Skyway | ||
7.320 | 4.548 | Abenida Arnaiz | Interseksyon na may traffic light. Ipinagbabawal ang pagliko pakanan sa Abenida Arnaiz mula sa linyang pahilaga. | ||
7.800 | 4.847 | Eskinitang Don Bosco | Pahilagang linya lamang ang makakagamit. Magagamit ng patimog na linya gamit ang U-turn slot sa ilalim ng palitan ng Magallanes. | ||
8.710 | 5.412 | ![]() ![]() | Palitan ng Magallanes at Dulong timog. Tutuloy patimog bilangSouth Luzon Expressway. | ||
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi |
Region | Lalawigan | Lungsod/Bayan | km | mi | Labasan | Pangalan | Mga paroroonan | Mga nota |
---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Kalakhang Maynila | Makati | 7 | 4.3 | ![]() ![]() | Palitan ng Magallanes. Hilagang dulo ng pagkakatugma sa AH26. | |||
8 | 5.0 | ![]() ![]() | Labasan ng Skyway Magallanes. Patimog na labasan at pahilagang pasukan. | |||||
Pasay | 9 | 5.6 | ![]() | Palitang Sales. PatungongVillamor Airbase,NAIATerminal 3, at Newport City. | ||||
Hilagang dulo ng seksyion na may bayad sa mabilis na daanan | ||||||||
Tarangkahang Pambayad ng Nichols (RFID at kabayarang pansalapi. Pahilaga lamang.) | ||||||||
Merville | Merville | Patimog na labasan lamang. | ||||||
Tarangkahang Pambayad ng Nichols (RFID at kabayarang pansalapi. Patimog lamang.) | ||||||||
11 | 6.8 | C-5 | C-5, Pasig | Pahilagang labasan at patimog na pasukan lamang | ||||
Parañaque | 13 | 8.1 | Bicutan | Bicutan | Palitang diyamante | |||
15 | 9.3 | Skyway | Panandaliang labasan ng Skyway sa may San Martin de Porres na siyang tinaggal ng matapos ang Skyway Stage 2. Patimog na labasan at pahilagang pasukan. | |||||
Muntinlupa | 18 | 11 | Sucat | Sucat,BF Homes | Palitang diyamante. | |||
20 | 12 | ![]() ![]() | Labasan sa pagitan ng Skyway at SLEX. Patimog na labasan at pahilagang pasukan. | |||||
23 | 14 | Alabang | Filinvest City, South Station, Alabang | Patimog na labasan at pahilagang pasukan.an. | ||||
Manila South Expressway: Tarangkahang Pambayad ng Alabang (1969-1976. tinanggal) | ||||||||
Tulay ng Alabang | ||||||||
23 | 14 | 23 | Filinvest | Filinvest City | Palitang trumpeta. Timog na dulo ng parte na pinapatakbo ng Skyway O&M . Hilagang dulo ng parte na pinapatakbo ng Manila Toll Expressway Systems (MATES). | |||
23 | 14 | 23 | Alabang | Daang Alabang–Zapote | Pahilagang labasan at patimog na pasukan. Ang kubol ng bayaran patimog ay kasama ng patimog na pasukan ng labasang Filinvest. | |||
Shell SLEX Muntinlupa (patimog) | ||||||||
26 | 16 | 26 | Susana Heights/MCX | Susana Heights,MCX, Muntinlupa | Palitang T at Trumpeta. | |||
Calabarzon | Laguna | San Pedro | 27 | 17 | 27 | San Pedro | San Pedro, La Marea | Patimog na labasan at pahilagang pasukan. |
29 | 18 | Petron SLEX San Pedro (patimog) | ||||||
Caltex SLEX San Pedro (patimog) | ||||||||
Biñan | 32 | 20 | 31 | Southwoods | Southwoods, Biñan | Palitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante. | ||
Cavite | Carmona | 34 | 21 | 33 | Carmona | Carmona,Dasmariñas, Biñan | Palitang diyamante. | |
Carmona -Biñan boundary | Tulay ng Santo Tomas | |||||||
Laguna | Biñan | Shell SLEX Biñan (pahilaga) | ||||||
36 | 22 | 36 | Greenfield City/Unilab (Mamplasan) | Greenfield City, Unilab, LIIP | Palitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante. | |||
Caltex SLEX Santa Rosa (patimog) | ||||||||
Santa Rosa | 38 | 24 | 38 | Sta. Rosa | Santa Rosa,Silang,Tagaytay,Enchanted Kingdom | Palitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante. | ||
Total SLEX Santa Rosa (pahilaga lamang) | ||||||||
41 | 25 | 41 | Eton City (Malitlit) | Eton City, Asia Brewery, Tagaytay | Palitang dobleng kanang papasok at kanang palabas. | |||
Cabuyao | 43 | 27 | 43 | Cabuyao | Cabuyao, Santa Elena | Palitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante. | ||
Calamba | Petron SLEX KM 44 (patimog at pahilaga) | |||||||
45 | 28 | 45 | Silangan | Silangan, Carmeltown | Palitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante. | |||
Equus City | Nakasara pa ang labasan. | |||||||
Tarangkahang Pambayad ng Calamba (RFID at kabayarang pansalapi. Patimog lamang ang magbabayad. Lusutan lamang sa pahilaga) | ||||||||
47 | 29 | 47 | Canlubang (Mayapa) | Canlubang, Mayapa | Palitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante. | |||
49 | 30 | 49 | Batino | Batino, Calamba Premier Industrial Park, Tagaytay Highlands | Patimog na labasan lamang. | |||
50 | 31 | 50 | Calamba | Calamba,Los Baños, Real, Batangas, Lucena | Palitang kalahating diyamante (Hilagang kalahati). Palitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante (Timog na kalahati). Katimugang dulo ng pagkakatugma sa AH26. | |||
Tarangkahang Pambayad ng Ayala Greenfield (RFID at kabayarang pansalapi) | ||||||||
Batangas | Santo Tomas | 57.2 | 35.5 | Sto. Tomas | ![]() | Palitang hugis bahagyang dahon ng clover o nakatuklap na diyamante . Tumutuloy patungongLungsod ng Batangas bilangSTAR Tollway | ||
1.000 mi = 1.609 km; 1.000 km = 0.621 mi
|
Blg. ng kilometro | Labasan | Uri ngpalitan | Lokasyon | Mga detalye |
---|---|---|---|---|
TBA | Skyway Stage 3: Balintawak Exit Ramp | Quezon City | Ito ay magiging papasok o palabas na rampa saNorth Luzon Expressway saBalintawak,Quezon City. | |
TBA | Skyway Stage 3: Sgt. Rivera Exit Ramp | Ito ay magiging papasok o palabas Sgt. Rivera Avenue saSanta Mesa Heights,Quezon City. | ||
TBA | Skyway Stage 3: Quezon Ave Exit Ramp | Ito ay magiging papasok o palabas saQuezon Avenue saSan Francisco Del Monte,Quezon City. | ||
TBA | Skyway Stage 3: E. Rodriguez Sr. Exit Ramp | Ito ay magiging papasok o palabassaE. Rodriguez Sr. Avenue inNew Manila,Quezon City. | ||
TBA | Skyway Stage 3: Aurora Boulevard Exit Ramp | Manila | Ito ay magiging papasok o palabas saAurora Boulevard inSanta Mesa,Manila. | |
TBA | Skyway Stage 3: Nagtahan Exit Ramp | Ito ay magiging papasok o palabas saNagtahan Boulevard inPaco,Manila. | ||
TBA | Skyway Stage 3: Plaza Dilao Exit Ramp | Ito ay magiging papasok o palabas sa Plaza Dilao saPaco,Manila. | ||
TBA | Skyway Stage 3: Quirino Exit Ramp | Ito ay magiging papasok o palabas saQuirino Avenue saPaco,Manila. | ||
TBA | SLEX-STAR Exit | Santo Tomas, Batangas | This exit will be built after the extension to Lucena is completed. | |
TBA | MakBan Exit | Bay, Laguna | Ito ay magiging palabas papunta sa mga baybayin atCalauan, Laguna. Ang palabas ay located palapit sa MakBan Geothermal Plant. | |
TBA | Alaminos Exit | Alaminos,Laguna | This exit takes you to the town ofAlaminos, Laguna. | |
TBA | San Pablo Exit | San Pablo,Laguna | This exit goes toSan Pablo, Laguna. This exit heads directly toSM City San Pablo. | |
TBA | Tiaong/San Antonio Exit | Tiaong,Quezon | This exit takes you to the town ofTiaong, Quezon andSan Antonio, Quezon. | |
TBA | Candelaria Toll Plaza | Candelaria,Quezon | This is located before the Candelaria Exit. | |
TBA | Candelaria Exit | This exit takes you to the town ofCandelaria, Quezon. | ||
TBA | Sariaya Exit | Sariaya,Quezon | This exit takes you to the town ofSariaya, Quezon. | |
TBA | Lucena City North Exit | Lucena,Quezon | This exit is located in Barangay Mayao which leads you to Barangay Ilayang Talim, Lucena going toMaharlika Highway, Pacific Mall Lucena then, with an access to Lucena City Proper. It will be the future Southern terminus of SLEX. It will replace the current Southern terminus in Santo Tomas. It will move to Matnog after Toll Road 5 opens to traffic. | |
TBA | Lucena South Exit | This exit leads you to Dalahican Road in Barangay Dalahican,Lucena,Quezon with an access toSM City Lucena. | ||
TBA | Pagbilao Exit | Pagbilao, Quezon | This exit takes you to the town ofPagbilao, Quezon. | |
TBA | Atimonan Exit | Atimonan, Quezon | This exit takes you directly to the town ofAtimonan, Quezon. | |
TBA | Habingan Exit | This exit heads you to Atimonan-Unisan Road inAtimonan, Quezon. Facing southbound, right goes toUnisan, Quezon andAgdangan, Quezon, Left goes to Atimonan Town Proper. | ||
TBA | Gumaca Exit | Gumaca, Quezon | This exit takes you to the town ofGumaca, Quezon. | |
TBA | Lopez Exit | Lopez, Quezon | This exit takes you to the town ofLopez, Quezon. | |
TBA | Calauag Exit | Calauag, Quezon | This exit takes you to the town ofCalauag, Quezon. Useful for motorists from the north going toCamarines Norte. | |
TBA | Tagkawayan Exit | Tagkawayan, Quezon | This exit takes you to the town ofTagkawayan, Quezon. | |
TBA | Del Gallego Exit | Del Gallego, Camarines Sur | This exit takes you to the town ofDel Gallego, Camarines Sur. | |
TBA | Liboro Exit | Ragay, Camarines Sur | This exit takes you to the Western part of town to the district of Liboro. | |
TBA | Ragay Exit | This exit takes you to the town proper of Ragay via theAndaya Highway. | ||
TBA | Lupi Exit | This exit takes you to the Eastern part of town and the nearby municipality ofLupi, Camarines Sur. | ||
TBA | Sipocot Exit | Sipocot, Camarines Sur | This exit takes you to the town ofSipocot, Camarines Sur. Useful for motorists from Southern Bicol provinces going to Camarines Norte. | |
TBA | Libmanan-Cabusao Exit | Libmanan, Camarines Sur | This exit takes you to the town ofLibmanan, Camarines Sur. Facing southbound after the tollgate, Right leads you to the Town Proper, Left leads you toCabusao, Camarines Sur. | |
TBA | Magarao-Calabanga Exit | Magarao, Camarines Sur | This exit takes you to the town ofMagarao,Canaman, andCalabanga, Camarines Sur. | |
TBA | Peñafrancia-Carolina Exit | Naga City | This exit takes you to the Northern part of the city via Peñafrancia Avenue. | |
TBA | Naga City Exit | This exit takes you to the Southern part of the city via San Isidro-Carolina Road. | ||
TBA | Del Rosario-Palestina Exit | This exit takes you to the Eastern part ofNaga City and the Northern barangays ofPili, Camarines Sur via thePan-Philippine Highway. | ||
TBA | Pili Exit | Pili, Camarines Sur | This exit takes you to the central part of the municipality via thePan-Philippine Highway. | |
TBA | Ocampo Exit | Ocampo, Camarines Sur | This exit takes you to the town ofOcampo, Camarines Sur via Governor Fuentebella Highway. Useful for motorists going to Partido area,Southern Pili andCaramoan, Camarines Sur. | |
TBA | Corporal Exit | Iriga City,Camarines Sur | This exit is located in Brgy. Corporal that leads you to the city and the first exit in Iriga. | |
TBA | Iriga City Exit | This exit takes you to Iriga and the second exit in the city. | ||
TBA | Buhi Exit | This exit is the third exit in the city. Facing southbound, right leads to Iriga, left goes toBuhi, Camarines Sur. | ||
TBA | Matacon Exit | Polangui, Albay | This exit is located in Brgy. Matacon that leads you to the town ofPolangui, Albay. | |
TBA | Oas Exit | Oas, Albay | This exit is takes you to the town ofOas, Albay. | |
TBA | Guinobatan Exit | Guinobatan, Albay | This exit is takes you to the town ofGuinobatan, Albay. | |
TBA | Camalig Exit | Camalig, Albay | This exit is takes you to the town ofCamalig, Albay. | |
TBA | Legazpi Exit | Legazpi, Albay | This exit is takes you to the city ofLegazpi, Albay via Alegre Street and the first exit of the city. | |
TBA | Sorsogon City Exit | Sorsogon City,Sorsogon | This exit is takes you toSorsogon City and the first exit of the city. | |
TBA | Abuyog Exit | This exit is located in Brgy. Abuyog that leads you to the southern parts of the City. | ||
TBA | Casiguran Exit | Casiguran, Sorsogon | This exit is takes you to the town ofCasiguran, Sorsogon. | |
TBA | Juban Exit | Juban, Sorsogon | This exit is takes you to the town ofJuban, Sorsogon. | |
TBA | Irosin Exit | Irosin, Sorsogon | This exit is takes you to the town ofIrosin, Sorsogon. | |
TBA | Matnog Toll Plaza | Matnog, Sorsogon | This toll plaza will serve for the motorists for Toll Road 5 and the reconfiguration of the Calamba-Matnog toll Segment. The Southbound plaza will require motorists to pay their toll fees whereas motorists get toll cards from Southbound Saimsim Toll Plaza. The Northbound plaza will require motorists to get their toll cards and pay at the Northbound Saimsim Toll Barrier | |
TBA | Matnog Intersection | Roundabout | This is the future southern terminus for SLEX in Matnog. Going Northbound takes you to the Town proper, Eastbound leads you to the Bypass road to the coastal areas and Southbound takes you to the port toAllen, Northern Samar. |
{{cite web}}
:Check date values in:|date=
(tulong){{cite news}}
:Check|url=
value (tulong)