Lubhang napakamapaminsala ng mga lahar: kaya nilang rumagasa sa bilis na dose-dosenang metro kada segundo at maaaring magkaroon ng lalim na 140 metro na nagbibigay-kakayanan sa kanila na anurin at wasakin ang anumang istruktura sa kanilang daanan. Labimpitong bahagdan (17%) ng mga bilang ng mga namatay dahil sa bulkan mula 1783 hanggang 1997 ay dahil sa lahar.[2]
Isang templong Sambisari Hindu mula sa ika-9 siglo malapit saYogyakarta na hinukay mula sa pagkakalibing nang 6.5 metro sa ilalim ng naiwang labi ng lahar na naipon mula sa mga dantaong pagputok ngBundok Merapi.
Ang salitang lahar ay isang palasak na termino na tumutukoy sa pinaghalong tubig attepra nang walang pagtatangi sareolohiya (katangian ng pagdaloy) o sa kapal ng taglay na latak.[5] Maaaring umiral ang lahar bilang normal na daloy ng sapa (may konsentrasyon ng latak na mas kaunti sa 30%),hyperconcentrated na ragasa (may konsentrasyon ng latak sa pagitan ng 30-60%), o bilangpagragasa ng guho o debris flow (may kapal ng latak na higit 60%). Ang katangian ng pagdaloy at mga sumusunod na pag-iral ng lahar ay maaaring mag-iba-iba sa isang lugar at panahon, sa iisang kaganapan, dahil sa pagbabago-bago sa dami ng latak at tubig.[6] Gayunman, maaaring uriin ang lahar bilang "pangunahin" o "syn-eruptive" kapag nangyari ito kasabay ng pag-aalburuto ng isang bulkan o ibinunga nito. Ang "sekundaryo" o "post-eruptive" na mga lahar naman ay nangyayari kapag inanod ng ulan o tunaw na yelo ang tepra nang walang nagaganap na pag-aalburuto.[7][8]
Bukod sa paiba-ibang katangian ng pagdaloy, maaaring mag-iba-iba rin ang laki at lawak ng mga lahar. Sa kaso ng isang lahar na naganap saBundok Rainier saWashington sa Estados Unidos 5,600 taon na ang nakalilipas halimbawa, umabot sa 140 metro ang lalim at 330 kilometro kwadrado ang nasakop ng lahar, na katumbas ng bolyum na 2.3 kubiko kilometro.[9] Maaaring wasakin at anurin ng lahar ang anumang bagay sa dinaraanan nito; maaari rin nitong bungkalin ang pundasyon ng mga gusali. Sa kaso ng isanghyperconcentrated na lahar, maaaring manatiling nakatayo ang isang kubo bagaman mabilis nitong malulunod ang kubo sa makapal at malagkit na putik[10] na kasing-tigas ng kongkreto kapag natuyo. Nagiging mas malabnaw ang lahar habang lumalayo ito sa pinagmulan nito at maaari ring mapalabnaw ng ulan na nagdudulot naman ng mala-kumunoy na lati na maaaring kumilos bilang likido nang ilang linggo at magpapahirap sa gawaing pagreskyu.[11]
Iba-iba ang bilis ng mga lahar. Ang maliliit na lahar na wala pang ilang metro ang lapad at ilang sentimetro ang lalim ay maaaring dumaloy nang ilan-ilang metro kada segundo. Ang malalaking lahar na daan-daang metro ang lapad at sampu-sampung metro ang lalim ay maaaring umagos nang tigsasampung metro kada segundo o higit pa, mas mabilis pa sa pagtakbo ng isang tao.[12] Sa mga matatarik na dalisdis, maaaring lumampas ang bilis ng lahar sa 200 kilometro kada oras.[12] Tulad nguson, maaaring maglakbay malayo sa pinagmulan nito ang lahar, at depende sa mga kondisyon nito at ng lupain (tereyn) ng lokalidad ay pwedeng umabot ng higit sa 300 kilometro ang layo.[13]
Bubong na lamang ng bahay ang nakikita rito sa larawan matapos itong malubog sa lampas-taong lahar mula sa BulkangGalunggung sa Indonesia
Larawang kuha mula sa himpapawid ng mga bahay na nalubog sa lahar na dulot ng pagputok ng Bulkang Pinatubo
Bayan ng Armero sa Mexico na nabura sa ibabaw ng daigdig ng lahar na ibinunga ng pagputok ng bulkang Nevado del Ruiz
Paghahalo ng lava sa basang lupa, putik, o niyebe sa dalisdis ng bulkan
Matindingpag-uulan na humahalo at nagpapakilos sa mga deposito ngtepra sa dalisdis
Paghahalo ng tepra sa tubig sa lawa sa loob ng bunganga ng bulkan
Bagaman karaniwang nagkakaroon ng pag-agos ng lahar dahil sa aktibidad ng isang bulkan, maaari ring magkaroon ng lahar kahit walang aktibong pagkilos ng magma sa isang bulkan hangga't naririyan ang mga kaakibat na kondisyon na magdudulot ng pagguho at pag-anod ng pinaghalong putik mula sa tepra. Ang ilan sa mga ito ay ang:
Pagkatunaw ng niyebe at glasyar tuwing umiinit ang panahon
Sinisikap ng mga siyentista at mga pamahalaan na tukuyin ang mga lugar na may mataas na risgo ng lahar batay sa kasaysayan ng mga lugar na ito, pagmamapa, at batay sa mga model na gawa ngkompyuter. May susing papel na ginagampanan ang mgahealogo sa pagbibigay ng impormasyon at edukasyon sa publiko at mga tagapagpasya ng patakaran hinggil sa posibilidad na mangyari ang panganib at paglalarawan ng mga posibleng mangyari, kasama na ang maaaring lawak, ang panahon kung kailan maaari itong mangyari, at mga maaaring epekto sa mamamayan.[14] Kasama rin sa kanilang gawain ay tasahin kung gaano kaepektibo ang mga panukalang estratehiya na magpapababa sa risgo ng lahar; magpalaganap ng pagtanggap at tiwala sa impormasyon; lumahok sa pakikipagtalastasan sa mga kinauukulan at mga bulnerableng komunidad; at magpaabot ng napapanahong impormasyon sa panahon na umiiral na ang panganib.[15]
Isa pang pamamaraan ay ang pagtatayo ng mga artipisyal na kanal o dike na daraanan ng lahar upang mapunta sa ibang direksyon na malayo sa maraming mga tao.[21] Gayunman, sa karanasan ng mga kanal sa Pinatubo, hindi ito naging masyadong epektibo.[22] Ang pangmatagalang solusyon sa pagtugon sa panganib ng lahar ay ang hindi pagtatayo ng estruktura sa mga lugar na mataas ang risgo nito o ang paglilipat ng mga komunidad sa mga mas ligtas na lugar.[23][24]
Dike sa ilalim ng isang tulay saSan Narciso, Zambales na itinayo upang daanan ng lahar
↑Vallance, James W.; Iverson, Richard M. (2015). "Chapter 37 – Lahars and Their Deposits". Sa Sigurdsson, Haraldur (pat.).Encyclopedia of Volcanoes. Amsterdam: Academic Press. pp. 649–664.doi:10.1016/B978-0-12-385938-9.00037-7.ISBN978-0-12-385938-9.
↑Vallance, James W.; Iverson, Richard M. (2015-01-01),"Chapter 37 - Lahars and Their Deposits", sa Sigurdsson, Haraldur (pat.),The Encyclopedia of Volcanoes (Second Edition) (sa wikang Ingles), Amsterdam: Academic Press, pp. 649–664,ISBN978-0-12-385938-9, nakuha noong2021-03-26
↑Vallance, James W.; Iverson, Richard M. (2015-01-01),"Chapter 37 - Lahars and Their Deposits", sa Sigurdsson, Haraldur (pat.),The Encyclopedia of Volcanoes (Second Edition) (sa wikang Ingles), Amsterdam: Academic Press, pp. 649–664,ISBN978-0-12-385938-9, nakuha noong2021-03-26
↑Janda, Richard J.; Daag, Arturo S.; Delos Reyes, Perla J.; Newhall, Christopher G.; Pierson, Thomas C.; Punongbayan, Raymundo S.; Rodolfo, Kelvin S.; Solidum, Renato U.; Umbal, Jesse V."Assessment and Response to Lahar Hazard around Mount Pinatubo, 1991 to 1993".FIRE and MUD. United States Geological Survey. Nakuha noong2 July 2021.
↑Pitman, E. Bruce; Nichita, C. Camil; Patra, Abani; Bauer, Andy; Sheridan, Michael; Bursik, Marcus (December 2003). "Computing granular avalanches and landslides".Physics of Fluids.15 (12): 3638–3646.Bibcode:2003PhFl...15.3638P.doi:10.1063/1.1614253.