Bughaw, lunti, at pulang mga LED; maaari itong paghaluin upang makalikha ng pinaka-mas-matatanaw na mga kulay, kabilang ang puti. Mayroon ding mga duhandas na may kulay na inprapula at ultralila (ultrabiyoleta oUVA).Halimbawang laki at sukat ng mga LED.Planong sagisag para sa LED.Mga panel ng LED na nagagamit para sa mas maliit na set ng mga napagpapalitang mga duhandas upang maging isang malaking palamuti o tanawin.Iba't ibang uri ng mga LED.
Sa larangan ngelektronika, angLED olight-emitting diode (salitangIngles[1], maaring tawagin sawikang Tagalog bilangduhandas na nagsasaboy ng liwanag odiyodong nagsasaboy ng liwanag) ay isang uriilaw atduhandas[2][3] nasemikonduktor omalasaluyang[2] lumilikha ng liwanag kapag ang saloy ng dagitab (daloy ng kuryente) ay inakwa sa paharap na direksiyon ng kasangkapang ito, katulad ng sa payak nasirkit ng LED (salikop ng LED). Isang anyo ngelektroluminisensiya (pagliliwanag na elektroniko) ang epekto nito kung saan lumalabas ang liwanag nainkoherente at may makitid na ispektrum mula sadugtungan p-n. Malawakang ginagamit ang mga LED bilang mga ilaw na panghudyat (indikador) sa mga kagamitang elektroniko at higit na lumalaganap na rin sa mga nangangailangan ng mas maraming enerhiyang katulad ng mgaflashlight at pang-ilaw sa mga pook. Karaniwang isang maliit na bagay na pinagmumulan ng liwanag (mababa sa 1 mm2), kadalasang may dinaragdag naoptiks ooptiko satsip upang mahugisan ang padron ng radyasyon at makatulong sa repleksiyon[4][5]. Umaayon angkulay ng sinasaboy na liwanag sa kayarian at kalagayan ng ginamit na malasaluyang materyal, at maaaringinprared (inprapula),nakikitang ispektro, oultabiyoleta (ultralila). Bukod sa pagbibigay ng liwanag, kabilang sa mga interesanteng gamit sa mga duhandas na ito ang mga ultralilang LED para saisterilisasyon (paglilinis) atdisimpeksiyon (pagtatanggal ng mikrobyo) ng tubig at mga kasangkapan[6], at bilang mga pampagpapalaking liwanag upang mapainam angpotosintesis sa mga halaman[7].
↑Tennessen, D.J. at Singsaas, E.L. at Sharkey, T.D. (1994). "Light-emitting diodes as a light source for photosynthesis research". Springer. Kinuha noong2008-07-24.
May kaugnay na midya ang Wikimedia Commons tungkol sa artikulong: