AngKirgistan (Kirgis:Кыргызстан,tr.Kyrgyzstan), opisyal naRepublikang Kirgis, ay bansang walang pampang saGitnang Asya. Hinahangganan ito ngKasakistan sa hilaga,Usbekistan sa kanluran,Tayikistan sa timog, atTsina sa silangan. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ayBiskek.
Nahahati ang Kirgistan sa pitong mgalalawigan (sing.oblast (область), pl.oblasttar (областтар)) na pinamumunuan ng mga tinalagang mga gubernador. Ang kabiserang lungsod,Bishkek, at ang ikalawang pinakamalaking lungsod naOsh ay mga lungsod na may kapantay na estado gaya ng mga lalawigan.
Mga lalawigan ng Kirgistan
Ang mga lalawigan, at mga independenteng lungsod ay ang sumusunod:
Binubuo ang mga lalawigan ng mga distrito (mgaraion), na pinamamahalaan ng mga tinalagang mga opisyal (akim). Ang mga pamayanang rural o mga nayon (ayıl ökmötü), ay binubuo ng 20 maliliit na settlements, at mayroon silang mga halal naalkalde at mgakonsehal.
Tinatayang nasa 5.2 milyon ang populasyon ng noong 2007.[kailangan ng sanggunian] 34.4% ng mga iyon ay nasa gulang na 15 at 6.2% naman ay nasa mahigit 65 na taong gulang. Isang bansang rural ang Kirgistan: Isang katlo ng populasyon lamang ang nakatira sa mga pook urban. Karaniwang 25 katao ang densidad ng bansa bawat km². Pinakamalakingpangkat etniko ang mgaKirgis, isang pangkat ng mgaTurko, na bumubuo sa 69% ng tinatayang populasyon noong 2007. Ang iba pang pagkat etniko ay ang mgaRuso (9.0%) na nakatipon sa hilaga at ang mgaUzbek (14.5%) na nakatira naman sa timog.