Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Kultura

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kultúra (Kastila:cultura) okalinangán (mula "linang") ang kabuuang katawagan sa mgakaisipan,kaugalian,tradisyon, atgawi ng isanglipunan.[1][2] Itinuturing ito bilang isa sa mga sentrong konsepto salarangan ngantropolohiya, kung saan hinahanap at pinag-aaralan ng mga antropologo ang mga pagkakaiba ng mga kultura gayundin sa mga pagkakapareho nila – angpandaigdigang kultura (Ingles:universal culture), tulad ngsining,musika,sayaw,ritwal,rehiliyon, atteknolohiya. Nahahati sa dalawa ang kultura:materyal tulad ngpananamit attahanan at di-materyal tulad ngpolitika atmitolohiya.[3]

Mga iba't-ibang aspeto ng mga kultura sa mundo.

Samantala, saaraling pantao, maaari ding tumutukoy ang kultura sa antas ng pagiging sopistikado ng isang indibidwal sakasiningan,agham,edukasyon, o gawi. Ginagamit ito bilang isang uri ng klasipikasyon para tukuyin ang antas ng isangsibilisasyon. Makikita ang ganitong pananaw sa kultura sa mgalipunang may hiyarkiya, na madalas hinahati sa dalawa: angmataas na kultura ng mga may-kaya at angmababang kultura tulad ngkulturang popular ng masa. Samantala, umusbong naman angkulturang pangmasa pagsapit ngika-20 siglo, kasabay ng pagbilis sa produksiyon ng mga bagay na epekto ngRebolusyong Industriyal, na nagbigay-daan naman upang umusbong din angkulturang pangkonsyumer.

Iba't-iba ang mga pananaw saaraling pangkultura ang gampanin ng kultura sa lipunan. Halimbawa, kinakatuwiran saMarxismo atteoryang kritikal na ginagamit ang kultura bilang isang kagamitan para manipulahin angproletariat at gumawa ng isangpekeng diwa. Samantala, saagham panlipunan naman, ipinagpalagay na ang kultura ng tao ay nagmula sa pangangailangang materyal ng tao na resulta ngebolusyon nito.

Kultura rin ang tawag sakaalaman na nakuha sa paglipas ng panahon. Sa ganitong pananaw, layunin ngmultikulturalismo ang mapayapang pagkakaroon ng iba't ibang kultura sa isang lugar.Monokulturalismo naman ang kabaligtaran nito. Samantala, ginagamit din ang salitang "kultura" para tukuyin ang mga mas tiyak na gawain sa isang mas malaking kultura, tulad halimbawa ng mgasubkultura okontrakultura. Sa larangan ngantropolohiyang pangkultura, ayon sarelatibismong pangkultura, hindi mararanggo ang mga kultura sa kahit anong paraan dahil kailangang pag-aralan ang mga ito ayon sa pananaw ng kulturang yon.

May mga institusyon na naglalayon na protektahan ang mga kulturang nanganganib mawala. AngUNESCO ay ang sangay ngMga Nagkakaisang Bansa na may layuning protektahan at pangalagaan ang mga kultura atpamana ng mga kasaping bansa nito. AngPambansang Komisyon para sa Kultura at Kasiningan ang katumbas na komisyon nito sa Pilipinas.

Etimolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Galing ang salitang "kalinangan" mula sa salitang-ugat na "linang" ("pagpapaunlad").[4] Ang salitang ito ay ginagamit madalas saagrikultura upang tumukoy sa isang lupa o bukid na handa na'ng taniman.[4] Ang koneksyong ito sa agrikultura ay kapareho din sa etimolohiya para sa salitang "kultura". Galing sasalitang Kastila nacultura ang "kultura". Nagmula ito sasalitang Latin na unang ginamit ngRomanongorador na siCicero sa kanyangTusculanae Disputationes, kung saan niya sinulat ang "cultura animi" ('paglinang sa kaluluwa'),[5] isangmetapora sa agrikultura para sa pagdebelop ng isang kaluluwang pampilosopiya, na kinikilala sateleolohiya bilang ang pinakamataas na posibleng antas sa pagdebelop bilang tao. Noong 1986, kinatuwiran ng pilosopong siEdward S. Casey na ang salitang Ingles naculture ay mula sa Gitnang wikang Ingles para sa isang lugar na handa na'ng taniman, na galing ang salitang yon sa mga salitang Latin nacolere ('linang'), atcultus ('kulto').[6]. Ayon sa kanya:

Para maging makultura, para magkaroon ng kultura, kailangang tirhan muna nang matagal-tagal ang isang lugar para linangin ito nang husto, maging responsable para rito, tumugon, at pangalagaan ito.[a][6]

Ang ganitong pananaw ay isinakonteksto sa modernong panahon ng pilosopong siSamuel Pufendorf, kung saan sinabi niya na hindipilosopiya ang likas na pagkaperpekto ng tao. Ayon sa kanya, gayundin sa mga sumunod na manunulat pagkatapos niya, tumutukoy ang kultura sa "lahat ng mga bagay na nalalampasan ng sangkatauhan mula sa kanilang orihinal nabarbarismo, at dahil sa kanyang katalinuhan, nagiging buo silang tao."[7]

Ayon kayRichard Velkley:

...[ang kultura ay] may orihinal na kahulugan na 'paglinang sa kaluluwa o kaisipan', at nakuha ang mga mas bagong modernong kahulugan sa mga isinulat ng mga iskolar naAleman noong ika-18 siglo, na nasa iba't-ibang antas ng pagdebelop sa kritisismo ni [Jean-Jacques]Rousseau sa "modernongliberalismo at sa [Panahon ng]Kaliwanagan". Kaya naman, madalas ipinagpapalagay ng mga may-akdang ito ang pagkakaiba ng 'kultura' at 'kultibasyon', kahit na hindi [nila] direktang sinabi.[b][7]

Ayon naman sa antropologong siE.B. Tylor:

Yan [kultura] yung komplikadong kabuuan na kinabibilangan ng kaalaman, paniniwala, sining, moralidad, batas, gawi, at iba pang mga kapabilidad at kaugalian na nakuha ng tao bilang miyembro ng isang lipunan.[c]

Sa parehong pananaw naman sa kasalukuyang panahon:

Binibigyang-kahulugan ang kultura bilang ang dominyong panlipunan na nagbibigay-diin sa mga gawi, diskurso, at ekspresyong materyal na, sa paglipas ng panahon, nagpapahayag sa pagpapatuloy at hindi pagpapatuloy ng kahulugang panlipunan ng isang buhay na karaniwang hawak-hawak.[d][8]

Ayon naman saCambridge English Dictionary, kultura ang "kaparaanan ng buhay, lalo na yung mga pangkalahatang gawi at paniniwala, ng isang partikular na grupo ng tao sa isang partikular na panahon."[e][9] Ipinagpapalagay naman sateorya ng pamamahala sa takot (Ingles:terror management theory) na ang kultura ay isang serye ng mga gawain at pananaw sa mundo na nagbibigay sa mga tao ng basehan para tingnan ang kanilang mga sarili bilang isang "taong may halaga sa isang mundong may kahulugan" — ibig sabihin, pag-angat sa mga sarili nila mula sa mga aspetong pisikal ng pag-iral, para tanggihan ang kawalang-halaga ng isang hayop at kamatayan na napansin ngHomo sapiens nang nakakuha sila ng mas malalaking utak.[10][11]

Pagbabago

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Pangunahing artikulo:Pagbabago ng kultura
Ang pagsikat ng bandangThe Beatles noong dekada 1960s ang nagpabago sa mundo ng musika. Bukod dito, angkanilang epekto sa pandaigdigang kultura ay ramdam pa rin hanggang ngayon.

Patuloy na nagbabago ang isang kultura. Ayon sa mga nakalap saarkeolohiya, ang kapasidad na ito ng sangkatauhan ay umusbong mga bandang 500,000 hanggang 170,000 bago ang kasalukuyan.[12] Iba-iba ang paraan ng pagbabagong ito. Tinukoy niRaimon Panikkar ang 29 sa mga paraang ito; kabilang rito anginobasyon,rebolusyon, atmodernisasyon o ang pagyakap ng mga kultura sa mga paniniwala at gawi na umusbong noongPanahon ng Kaliwanagan sa Europa, tulad ngagham atdemokrasya.[13] Samantala, mula sa mga ginawa ninaUmberto Eco,Pierre Bourdieu, atJeffrey Alexander, iminungkahi naman niRein Raud ang isang modelo ng pagbabago sa kultura na nakabase sa pag-angkin at pagkamit, na hinuhusgahan batay sa kanilang kognitibong kasapatan (Ingles:cognitive adequacy) at posibleng iendorso ng simbolikong otoridad ng kultura ng isang lipunan.[14]

SiLouise Weiss kasama ang iba pang mga nanawagan upang makaboto ang kababaihan sa Pransiya noong 1935. Ang pag-usbong ngpeminismo noong ika-20 siglo ang nagpabago sa pagtingin ng mga kultura sa kasarian.

Nakadepende ang pagbabagong ito sa mga pwersa sa loob at labas ng isang kultura, na posibleng nanghihikayat o kumokontra. Nauugnay ang mga ito sa mga kaganapan sa lipunan at sa kalikasan, na siyang nagdidikta sa pagpapakalat sa mga bagong ideya at gawi sa kasalukuyang kultura.[15] Ilan sa mga halimbawa ng mga pwersang ito ang alitan sa lipunan gayundin ang pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya, na parehong kayang magpabago sa kasalukuyang pananaw ng isang lipunan. Ang pag-usbong ngpeminismo sa Estados Unidos simula noong kagitnaan ng ika-20 siglo ay isang halimbawa ng pagbabagong ito, na nagresulta sa pagbago sa pananaw ng mga lipunan sa kasarian. Samantala, ang pagtatapos naman ngpanahon ng yelo ang naging dahilan upang unti-unting magbago ang mga sinaunang kultura ng ito mula sa pangangaso papunta sa pagtatanim, na humantong kalaunan naman saRebolusyong Neolitiko.[16]

Lumilipat ang mga ideya ng isang kultura papunta sa iba sa pamamagitan ng dalawang pangunahing proseso:pagkalat (Ingles:diffusion) atakulturasyon (Ingles:acculturation). Sa pagkalat, ang ideya ng isang kultura ay "kumakalat" papunta sa iba. Halimbawa nito ang pagbubukas ngTsina sa mga produkto ngKanluran noong huling bahagi ng ika-20 siglo.[17] Posibleng hindi sumama ang kahulugan ng ideya ng kultura sa pinasok nitong bagong kultura; halimbawa nito ang ideya ngPasko, na nawalan ng kahulugang panrehiliyon sa mga hindiKristiyano.[18] Samantala, sa akulturasyon naman, ang isang kultura ay unti-unting pinapalitan ng isang mas dominanteng kultura, tulad halimbawa ng pagpasok at pananakop ng mga Europeo saKaamerikahan,Aprika, atAsya noongPanahon ng Pagtuklas.[19] Madalas itong nagaganap dahil saasimilasyon ng mga indibidwal sa dominanteng kultura, o di kaya dahil sa paghahalo at pagsasama ng dalawa o higit pang kultura dahil saglobalisasyon o kaparehong proseso.[20]

Diskurso

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Romantisismong Aleman

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Nanawagan ang pilosopong Aleman na siJohann Herder na pansinin ang mga kultura ng mga bansa.

Gumawa ang pilosopong Aleman na siImmanuel Kant ng isang pang-indibidwal na kahulugan ng "kaliwanagan" (Ingles:enlightenment) na parehas sa konsepto ngbildung: "Kaliwanagan ang paglayas ng tao mula sa kanyang kahilawan".[f] Ayon sa kanya, galing ang kahilawan na ito hindi dahil sa kawalan ng pag-unawa, pero mula sa kawalan ng tapang na malayang mag-isip. Laban rito, hayagan niyang sinabi ang mga katagang "Sapere Aude!" (lit. na'Mangahas matuto!'). Bilang tugon kay Kant, kinatwiran naman ng maraming mga pilosopong Aleman kabilang na siJohann Gottfried Herder na angpagkamalikhain ng tao ay kasinghalaga ngrasyonalismo nito. Bukod dito, pinalawig pa ni Herder ang kahulugan ngbildung; ayon sa kanya,bildung ang kabuuan ng mga karanasan na nagbibigay ng isang malinaw na pagkakakilanlan at pagkakaroon ng isang malinaw na tadhana sa isang lipunan.[21]

Noong 1795, nanawagan naman ang pilosopong taga-Prusya na siWilhelm von Humboldt na magkaroon ng isang antropolohiya na kayang pagsamahin ang mga interes nina Kant at Herder. Noong panahon ngRomantisismo, nagdebelop ang mga iskolar mula Alemanya ng isang ideya ng kultura kung saan kabilang ang lahat – angWeltanschauung (lit. na'pagtingin sa mundo';Ingles:worldview).[22] Nagmula ito sa mga kilusan ngnasyonalismo na may layunin na ipag-isa ang mga maliliit na prinsipalidad sa ngayo'yAlemanya at laban saImperyong Austria-Unggaryo. Ayon dito, ang pagtingin sa mundo ng isang kultura ay hindi masusukat o makukumpara sa pagtingin sa mundo ng iba. Bagamat mas malaya, pinapayagan pa rin ng pananaw na ito ang pag-uuri sa mga kultura bilang "sibilisado" at "primitibo".

Nagmungkahi siAdolf Bastian ng isang pangkalahatang modelo ng kultura, na naging basehan sa modernong pag-unawa sa konsepto.

Noong 1860, ipinahayag niAdolf Bastian ang "pagkakaisang sikolohikal ng sangkatauhan".[23] Iminungkahi niya ang isang maagham na pagkukumpara sa lahat ng mga kultura ng mundo para patunayan na naglalaman ang bawat kultura ng mga payak na magkakaparehong elemento. Ayon sa kanya, may grupo ng mga "payak na ideya" (Aleman:Elementargedanken) na ginagamit ng lahat ng mga lipunan ng tao; nagkakaiba lang ang mga kultura at katutubong ideya (Aleman:Völkergedanken) nito dahil sa mga lokal na pagbabago sa grupong ito.[24] Ang pananaw na ito ang naging batayan ng modernong pag-unawa sa konsepto ng kultura, at pinalawig pa nang husto ng mga sumunod kay Bastian, tulad niFranz Boas.[25]

Romantisismong Ingles

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Noong ika-19 na siglo, ginamit ng mgahumanistangIngles tulad ngmakatang siMatthew Arnold ang salitang "kultura" upang tumukoy sa tinatamasang pagkadalisay ng isang indibidwal na tao, na halos pareho sa konsepto ngbildung. Ayon sa kanya, "...kultura ang pagtamasa sa ating kabuuang pagkaperpekto sa pamamagitan ng pag-alam sa lahat, ang pinakamatitinding naisip at nasabi sa mundo".

Sa praktikal na paggamit, tumutukoy ang "kultura" sa mga bagay na gustong gawin o matamasa ngelite, tulad halimbawa ngsining,musikang klasikal, atlutonghaute. Dahil dito, naiugnay ang salitang "kultura" sa buhay ng mga taong nasa mga lungsod, na kalauna'y tumukoy na rin sa kabuuan ng isang sibilisasyon. Bukod dito, naging interesado ang mga iskolar noong panahon ngRomantisismo sa mgakuwentong-bayan, na naging dahilan upang magkaroon ng isang klasipikasyon ng mga kultura: "mataas na kultura" ng mga mayayaman at "mababang kultura" ng mga mahihirap. Sumasalamin ang klasipikasyong ito sa realidad ng buhay ng mga tao sa Europa noong panahon na yon.

Kinumpara ni Matthew Arnold ang kultura saanarkiya. Gayunpaman, kinumpara naman ng mga pilosopong sinaThomas Hobbes atJean-Jacques Rousseau ang kultura sa "estado ng kalikasan". Ayon kina Hobbes at Rousseau, namumuhay sa "estado ng kalikasan" ang mgakatutubong Amerikano habangsinasakop sila ng mga Europeo. Nagbigay-daan ang pananaw na ito upang mabuo ang ideya ng pagiging "sibilisado" at "hindi sibilisado". Ayon dito, may mga ilang kulturang mas sibilisado kesa sa iba, at may mga ilan naman na mas makultura naman kesa sa iba. Kalaunan, ang pagkakaibang ito ang naging pundasyon ng mga teorya ngDarwinismong panlipunan niHerbert Spencer atebolusyong kultural niLewis Henry Morgan noong huling bahagi ng ika-19 na siglo. Tulad ng pagkakaiba ng mataas at mababang kultura, ang konsepto ng pagiging "sibilisado" o hindi ay sumasalamin sa tunggalian ng mga mananakop na Europeo at ang kanilang mga nasasakupang kolonya.

Tinanggap ng mga iskolar sa Europa ang pananaw na ito ni Rousseau ukol sa klasipikasyon ng mga kultura bilang "mataas" at "mababa". Gayunpaman, nakita ng ilan na korapsyon at hindi natural ang pagkadalisay at pagiging sopistikado ng mga matataas na kultura, na nagiging balakid sa pagnanasa ng tao na marating ang likas na pagkatao nito. Halimbawa, mas pinaboran ng mga iskolar nito angmusikang pambayan (na ginagawa ng mga pesante, taga-probinsya, at mga hindi nakapag-aral) kesa sa musikang klasikal. Ayon sa kanila, tapat, totoo, at sumasalamin ang musikang pambayan sa likas na pamumuhay ng isang tao, at parang artipisyal at isang paninira sa pamumuhay na ito ang musikang klasikal. Sa ganitong pananaw rin ipinapakita ng mga iskolar nito angmga katutubo bilang mga "mararangal na barbaro" (Ingles:noble savages) na namumuhay nang likas attotoo, hindi tulad ng korap at komplikadongkapitalistang sistema ng pamumuhay saKanluran.

Noong 1870, ginamit ngantropologong siEdward Tylor ang ideya ng isang mataas at mababang kultura upang ipaliwanag angebolusyon ngrehiliyon. Ayon sa kanyang teorya, nagsisimula ang mga rehiliyong mula sa pagigingpoliteistiko (maramingdiyos) papuntangmonoteistiko (iisang diyos). Bukod dito, binigyang kahulugan niya ang kultura bilang isang malawak na koleksyon ng mga gawain na makikita sa lahat ng mgalipunan ng tao. Ang pananaw na ito ay tinanggap ng marami, at ginamit na basehan para sa modernong pag-unawa sa kultura at rehiliyon.

Talababa

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Ingles:To be cultural, to have a culture, is to inhabit a place sufficiently intensely to cultivate it—to be responsible for it, to respond to it, to attend to it caringly.
  2. Ingles:...originally meant the cultivation of the soul or mind, acquires most of its later modern meaning in the writings of the 18th-century German thinkers, who were on various levels developing Rousseau's criticism of "modern liberalism and Enlightenment." Thus a contrast between "culture" and "civilization" is usually implied in these authors, even when not expressed as such.
  3. Ingles:that complex whole which includes knowledge, belief, art, morals, law, custom and any other capabilities and habits acquired by man as a member of society.
  4. Ingles:Culture is defined as a social domain that emphasizes the practices, discourses and material expressions, which, over time, express the continuities and discontinuities of social meaning of a life held in common.
  5. Ingles:the way of life, especially the general customs and beliefs, of a particular group of people at a particular time.
  6. Ingles:Enlightenment is man's emergence from his self-inflicted immaturity.

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Tylor, Edward (1871).Primitive Culture [Primitibong Kultura] (sa wikang Ingles). Bol. 1.New York,Estados Unidos: J.P. Putnam's Son.
  2. "kalina-ngan".Diksyonaryo.ph. Nakuha noong18 Setyembre 2022.
  3. Macionis, John J; Gerber, Linda Marie (2011).Sociology [Sosyolohiya] (sa wikang Ingles).Toronto,Canada: Pearson Prentice Hall. p. 53.ISBN 978-0-13-700161-3.OCLC 652430995.
  4. 4.04.1"linang".Diksiyonaryo.ph. Nakuha noong17 Setyembre 2022.
  5. Cicero, Marcus Tullius; Bouhier, Jean (1812).Tusculanes de Cicerón (sa wikang Pranses).Nismes,Pransiya: J. Gaude. p. 273.OCLC 457735057.Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Setyembre 2018. Nakuha noong19 Setyembre 2022.
  6. 6.06.1Sorrells, Kathryn (2015).Intercultural Communication: Globalization and Social Justice [Interkultural na Komunikasyon: Globalisasyon at Katarungang Panlipunan] (sa wikang Ingles).Los Angeles,Estados Unidos: Sage.ISBN 978-1-4129-2744-4.
  7. 7.07.1Velkley, Richard L. (2002). "The Tension in the Beautiful: On Culture and Civilization in Rousseau and German Philosophy" [Ang Tensyon sa Kagandahan: Ukol sa Kultura ni Rousseau at sa Pilosopiyang Aleman].Being after Rousseau: philosophy and culture in question [Ang Diwa pagkatapos ni Rousseau: tanong sa pilosopiya at kultura] (sa wikang Ingles).Chicago,Estados Unidos: University of Chicago Press. pp. 11–30.ISBN 978-0-226-85256-0.OCLC 47930775.
  8. James, Paul; Magee, Liam; Scerri, Andy; Steger, Manfred (2015).Urban Sustainability in Theory and Practice: Circles of Sustainability [Pagpapanatiling Urban sa Teorya at Gawi: Mga Kabilugan ng Pagpapanatili] (sa wikang Ingles).London,Reyno Unido: Routledge. p. 53.ISBN 978-1-138-02572-1.OCLC 942553107.Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Hunyo 2017. Nakuha noong19 Setyembre 2022.
  9. "Meaning of "culture"" [Kahulugan ng "kultura"].Cambridge English Dictionary (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 15 August 2015. Nakuha noong19 Setyembre 2022.
  10. Pyszczynski, Tom; Solomon, Sheldon; Greenberg, Jeff (2015).Thirty Years of Terror Management Theory [Tatlumpung Taon ng Teorya ng Pamamahala sa Takot]. Advances in Experimental Social Psychology (sa wikang Ingles). Bol. 52. pp. 1–70.doi:10.1016/bs.aesp.2015.03.001.ISBN 978-0-12-802247-4.
  11. Greenberg, Jeff; Koole, Sander L.; Pyszczynski, Tom (2013).Handbook of Experimental Existential Psychology [Handbook ng Eksperimental na Sikolohiya ng Pag-iral] (sa wikang Ingles). Guilford Publications.ISBN 978-1-4625-1479-3.Inarkibo mula sa orihinal noong 31 December 2016. Nakuha noong19 Setyembre 2022.
  12. Lind, J.; Lindenfors, P.; Ghirlanda, S.; Lidén, K.; Enquist, M. (7 Mayo 2013)."Dating human cultural capacity using phylogenetic principles" [Pagpepetsa aa kapasidad ng sangkatauhan sa kultura gamit ang mga prinsipyong pilohenetiko].Scientific Reports (sa wikang Ingles).3 (1): 1785.Bibcode:2013NatSR...3E1785L.doi:10.1038/srep01785.ISSN 2045-2322.PMC 3646280.PMID 23648831.
  13. Panikkar, Raimon (1991). Pathil, Kuncheria (pat.).Religious Pluralism: An Indian Christian Perspective [Pluralismong Panrehiliyon: Isang Perspektibong Indiyanong Kristiyano] (sa wikang Ingles).ISPCK. pp. 252–99.ISBN 978-81-7214-005-2.OCLC 25410539.
  14. Rein, Raud (29 Agosto 2016).Meaning in Action: Outline of an Integral Theory of Culture [Kahulugan sa Gawain: Balangkas ng isang Mahalagang Teorya ng Kultura] (sa wikang Ingles).Cambridge,Reyno Unido:Polity.ISBN 978-1-5095-1124-2.OCLC 944339574.
  15. O'Neil, Dennis (2006)."Culture Change: Processes of Change" [Pagbabago sa Kultura: Mga Proseso ng Pagbabago].Culture Change (sa wikang Ingles). Palomar College.Inarkibo mula sa orihinal noong 27 Oktubre 2016. Nakuha noong8 Oktubre 2022.
  16. Pringle, Heather (20 Nobyembre 1998)."The Slow Birth of Agriculture" [Ang Mabagal na Kapanganakan ng Agrikultura].Science (sa wikang Ingles).282 (5393): 1446.doi:10.1126/science.282.5393.1446.ISSN 0036-8075.S2CID 128522781.
  17. Wei, Clarissa (20 Marso 2018)."Why China Loves American Chain Restaurants So Much" [Bakit Sobrang Mahal ng Tsina ang mga Chain Restaurant ng Amerika].Eater (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Marso 2019. Nakuha noong15 Oktubre 2022.
  18. Hillerbrand, Hans J."Christmas" [Pasko].Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong15 Oktubre 2022.
  19. Tobin, Theresa Weynand."cultural imperialism" [imperyalismong kultural].Britannica (sa wikang Ingles). Nakuha noong15 Oktubre 2022.
  20. Berry, J.W. (Enero 2008)."Globalisation and acculturation" [Globalisasyon at akulturasyon].International Journal of Intercultural Relations (sa wikang Ingles).32 (4): 328–336.doi:10.1016/j.ijintrel.2008.04.001. Nakuha noong15 Oktubre 2022 – sa pamamagitan ni/ng Science Direct.
  21. Eldridge, Michael."The German Bildung Tradition" [Ang Tradisyon ng Bildung ng Alemanya] (sa wikang Ingles).UNC Charlotte. Inarkibo mula saorihinal noong 23 Enero 2009. Nakuha noong18 Oktubre 2022.
  22. Underhill, James W. (2009).Humboldt, Worldview, and Language [Humboldt, Pagtingin sa Mundo, at Wika] (sa wikang Ingles).Edinburgh,Reyno Unido: Edinburgh University Press.
  23. Köpping, Klaus-Peter (2005).Adolf Bastian and the psychic unity of mankind [Adolf Bastian at ang pagkakaisang sikolohikal ng sangkatauhan] (sa wikang Ingles). Lit Verlag.ISBN 978-3-8258-3989-5.OCLC 977343058.
  24. Ellis, Ian."Biography of Adolf Bastian, ethnologist" [Biograpiya ni Adolf Bastian, etnologo].Today in Science History (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 6 Agosto 2017. Nakuha noong18 Oktubre 2022.
  25. Liron, Tal (2003).Franz Boas and the discovery of culture [Franz Boas at ang pagtuklas sa kultura](PDF) (Tisis) (sa wikang Ingles).OCLC 52888196. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 2 Enero 2017. Nakuha noong18 Oktubre 2022.
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Kultura&oldid=2134957"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp