AngKuito (binaybay rin bilangCuito) ay isang lungsod at kabisera nglalawigan ng Bié sa gitnang Aprika. Sa ilalim ng pamumuno ngmga Portuges hanggang sa taong 1975, tinawag itongSilva Porto. Nasa ilalim ng pagkubkob ng mga hukbong rebelde ngUNITA ang Kuito noong 1993 hanggang 1994 at muli noong 1998 hanggang 1999. Karamihan sa mga gusali sa Kuito ay may pinsala pa rin bilang bunga ng mga pagkubkob na nito.
Itinayo ang Kuito sa makasaysayang pusod ng kaharian ngOvimbundu. Ang pinuno ngOvimbundu ay nagngangalang Viye at ikinasal niya ang isang babaeng Songo na nagngangalang Cahanda. Sabay nilang itinayo ang lungsod at paglaon ay ipapangalan ng Portuges ang lalawigan mula sa pinuno.[1] Kilala angOvimbundu sa pagbebenta ng mga bihag mula sa kalapit na mga tribo sa mga Europeong mangangalakal ng alipin na nagtulak sa pagiging maganda ang kinaroroonan para sa pangangalakal ng mga alipin at nagdala ng mga kolonista sa lugar. "Itinatag" ng mga Portuges ang lungsod noong 1750.[2] Tinawag nila itong Silva Porto mula kayAntónio da Silva Porto na nagtayo ng kaniyang bahay naembala Belmonte sa lugar.[3] Kaakit-akit ang magandang klima ng lalawigan sa mga Portuges na nandayuhan at ginawang tahanan ng karamihan sa kanila ang Silva Porto sa unang bahagi ng dekada-1900 noong ini-ugnay ang lungsod sa baybaying-dagat sa pamamagitan ngDaambakal ng Benguela.
Kasunod ngkasarinlan mula sa Portugal noong 1975, nasaksihan ng Kuito ang pinakamalalang panahon nito noong ika-6 ng Enero 1993 nang kinubkob ngUNITA ang lungsod nang higit sa siyam na buwan sa kasagsagan ngDigmaang Sibil ng Angola. Higit sa 30,000 katao ang namatay, kapuwa mula sa digmaan at sa pagkagutom. Hindi pinayagan ang sinuman na makapasok o makalabas ng lungsod sa loob ng siyam na buwan at dumanas ng matinding pinsala ang lungsod. Nang maglaon pinalayas angUNITA mula Kuito, at gumawa sila ng pangalawang tangka sa pagkubkob ng lungsod gamit ang malaking mga tangkeng artilyero.[4]
Nakapuwesto ang Kuito sa silangang tabí ng Talampas ng Bie. Malamig ang klima ng lungsod na hindi karaniwan sa lokasyong tropiko climate. Ang karaniwang taunang temperatura ay 18 °C, malakihan ay dahil sa mataas na altitud nito. Ang pinakamalamig na panahon ay mula Mayo hanggang Agosto kung kailang halos walang pag-ulan. Pinakamainit na mga buwan ang Setyembre at Oktubre na may kakaunting pag-ulan. Sa pangunahing panahon ng tag-ulan (mula Nobyembre hanggang Abril) naman nagaganap ang malakas na pag-ulan.
Ang Kuito ay pinaglilingkuran ngDaambakal ng Benguela na dating nag-uugnay ng mga loobang lalawigan sa baybaying-dagat. Ang mismong estasyonh daambakal na naglilingkod sa lungsod ay matatagpuan mga ilang kilometro hilaga nito. Inaasahang maitatayo muli ang daambakal sa mga susunod na taon. Mayroon ding mga direktang lipad mula pambansang kabisera naLuanda.