May kaugnay na midya tungkol saKuala Lumpur ang Wikimedia Commons.
AngKuala Lumpur (/ˈkwɑːləˈlʊmpʊər/ o /-pər/; bigkas Malaysian: [ˈkwalə ˈlumpʊr]; pinakamalapit na bigkas /kwá•lä lúm•pur/) ay angkabisera at pinakamalaking lungsod sa bansangMalaysia. Ang Kuala Lumpur ay isa sa tatlongTeritoryong Pederal ng Malaysia. Ito ay isangenclave sa loob ng estado ngSelangor, sa gitnang kanlurang pampang ngTangwayang Malaysia. Masigasig na itinatawag ang lungsod naKL ng mga taga-Malaysia. Ang mga naninirahan sa lungsod ay karaniwang tinatawagang mgaKLites oKuala Lumpurians. Ang lungsod ay ang lugar kung saan nakapuwesto ang pinakamataas na magkakambal na gusali sa buong mundo, ang makalarawangToreng Petronas.
Luklukan ngParlamento ng Malaysia ang Kuala Lumpur, kaya ito ay ang kabiserang pambatasan ng Malaysia. Dati rin nakapuwesto ang tagapagpaganap at pang-hukumang sangay ng pamahalaang pederal, ngunit higit na inilipat na ito saPutrajaya. Ilang mga pangkat ng pang-hukumang sangay ay nananatili pa rin sa kabisera.