Angkronobiyolohiya ay isang larangan sabiyolohiya na nagsusuri ng paulit-ulit na mgapenomena okababalaghan sa mga organismong may buhay at ang kanilang pagkasanay o adapsiyon sa mga ritmong may kaugnayan sa araw at sa buwan.[1] Ang mga siklong ito ay nakikilala bilang mgaritmong biyolohiko oritmong biyolohikal ('ritmong pangbiyolohiya). Angkrono ay tumutukoy saoras at tumutukoy naman angbiyolohiya sa pag-aaral, oagham, obuhay. Ang mga kaugnay na mga salitangkronomika,kronomiks, atkronoma ay ginagamit sa ilang mga pagkakataon upang ilarawan ang mga mekanismong molekular na kasangkot sa mga penomenang kronobiyolohikal o mas pandaming (kuwantitatibo) mga aspeto ng kronobiyolohiya, partikular na kung saan kailangan ang paghahambing ng mga siklo sa pagitan ng mga organismo. Kabilang sa mga pinag-aaralan sa kronobiyolohiya ang mga sumusunod, ngunit hindi humahangga lamang saanatomiyang hambingan,pisyolohiya,henetika,biyolohiyang molekular, atugali ng mga organismong nasa loob ng mga mekaniks ng ritmong biyolohikal.[1] Kabilang sa iba pang mga aspeto ng pag-aaral ang pag-unlad o kaunlaran, reproduksiyon, ekolohiya, at ebolusyon.
↑1.01.1Patricia J. DeCoursey, Jay C. Dunlap, Jennifer J. Loros (2003).Chronobiology. Sinauer Associates Inc.ISBN978-0878931491.{{cite book}}: CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)