AngKristiyanismong Calcedonio ay binubuo ng mga simbahan na tumanggap sa depinisyong ibinigay ngKonseho ng Chalcedon noong 451 CE hinggil sa kalikasan ni Hesus. Ito ay salungat saKristiyanismong hindi-Calcedonio na mga simbahangOrtodoksiyang Oriental na tumatakwil at hindi kumikilala saKonseho ng Chalcedon ngunit kumikilala saunang tatlong mga konsehong ekumenikal. Inalalarawan sa kredong Chalcedonian ngKonseho ng Chalcedon na si Hesus ay may dalawang mga kalikasan(physis) sa isang persona at isang hypostasis. Sa kabilang dako, ang mgahindi-Calcedonio ay naniniwalang ang pagkaDiyos at pagkatao ni Hesus ay nagkakaisa sa isang kalikasan(physis) na hindi mahihiwalay. Bagaman ang karamihan ng mga kasalukuyang denominasyong Kristiyano ay Calcedonio, ang pag-akyat ngkristolohiyang Calcedonio ay hindi palaging tiyak noong ika-5 hanggang ika-8 siglo CE. Ang mga alitang dogmatiko sa synod na ito ay humantong sa paghahating Calcedonio at sa pagkakabuo ng mga simbahanghindi-Calcedonio na kilala bilangOrtodoksiyang Oriental. Ang mga simbahang Calcedonio ang mga simbahang nanatiling nakikipagkaisa sa Constantinople, Roma at sa tatlong mga patriarkadang Griyegong Ortodokso ng Silangan(Alehandriya,Antioquia atHerusalem) na sa ilalim niJustiniano II sakonseho ng Trullo ay inorganisa sa ilalim ng isang anyo ng pamumuno na nakilala bilangpentarkiya. Ang karamihan ng mga Kristiyanong Armeniano, Syriano, Koptiko, Etipeo ay tumatakwil sa depinisyong Calcedonio at ngayong tinatawag na mga simbahangOrtodoksong Oriental. Gayunpaman, ang ilang mga kristiyanong Armeniano ay tumanggap sa mga pasya ng konseho ng Chalcedon at lumahok sa mga polemiko laban saSimbahang Apostolikong Armeniano. Ang mga simbahan ng tradisyong Syriano sa mga simbahang Silangang Katoliko ay mga Calcedonio rin. Gayunpaman, ang mga Georgiano ay mgaSilangang Ortodokso at tumanggap sa dogmang ito.