AngKoreanovela (Koreano:한국드라마;RR:hanguk drama), na mas kilala sa bansag naK-drama, ay tumutukoy sa mga teleserye (Koreano:드라마;RR:deurama) na gumagamit ngwikang Koreano at nilikha saTimog Korea.[1]
Naging bantog ang mga Koreanovela sa buong mundo, bahagyang dahil sa paglaganap ng kulturang Koreano (ang "Along Koreano"), at malawakang presensya sa pamamagitan ng mga serbisyo ngstreaming na kadalasang may mga subtitulo sa mga iba't ibang wika. Marami na ang mga nahangong Koreanovela sa iba't ibang mga bansa at nagkaroon din ng mga epekto sa mga manonood nito.[2][3] Bilang halimbawa, naipalabas angJewel in the Palace (2003) sa 91 bansa. Nakatawag-pansin ang mga Koreanovela para sa kani-kanilang moda, istlo, at kultura sa buong mundo. Humantong ang lumalagong popularidad ng mga Koreanovela sa malaking pampasigla ng linya ng moda.
Nagsimulang magsahimapapawid ang Timog Korea ng mga teleserye noong dekada 1960. Noong dekada 1990, binagong-anyo ang mga tradisyonal na makasasayangserye tungo sa kasalukuyang anyo ngminiserye, na naglikha ng ideya ng mgapinagsanib na sageuk.
Kadalasan, iisang direktor ang namumuno sa mga Koreanovela, na kadalasang isinusulat ng iisang manunulat lamang. Madalas na humahantong ito sa pagkakaroon ng natatanging istilo sa pagdirek at diyalogo sa bawat drama. Kakaiba ito sa mga Amerikanong teleserye, na maaaring umasa sa mga maraming direktor at manunulat na nakikipagtulungan.[4] Karaniwang tumatagal ng isang yugto ang mga serye sa kontemporaryong panahon at karaniwang binubuo ng 12 hanggang 24 episodyo na tumatagal ng 60 minuto. Maaaring mas mahaba ang mga makasaysayang serye, na umaabot hanggang 200 episodyo, ngunit karaniwang tumatagal din sila nang isang yugto.
Karaniwang nakalaan ang takdang oras na 19:00 hanggang 20:00 sa gabi para sa mga dramang pang-araw-araw, na ipinapalabas bawat gabi mula Lunes hanggang Biyernes. Nasa anyongtelenovela ang mga drama sa mga oras na ito, bihirang tumatagal ng higit sa 200 episodyo. Hindi tulad sa mga Amerikanong dramang de-serye, hindi ibinobrodkast ang mga ganitong pang-araw-araw na drama sa umaga. Sa halip nito, madalas kasama sa pang-umagang iskedyul ang mga muling palabas ng mga pinakasikat na drama. Maaaring makamtan ng mga panggabi-gabi ang mga napakataas na marka. Bilang halimbawa, umabot ang panggabing serye naTemptation of Wife sa 40.6%, ayon sa TNS Korea.[5]
Karaniwang isinasapelikula ang mga Koreanovela sa napakahigpit na iskedyul. Paminsan-minsan, natatapos lang ito ilang oras bago ang aktuwal na brodkast. Nakikibagay ang mgasenaryo at maaaring magbago kahit kailan habang isinasapelikula, depende sa katugunan ng mga manonood, na maaaring maging mahirap para sa mga pangkat ng produksyon.
Ang salitangsageuk ay tumutukoy sa anumang Koreanovela o pelikulang drama na nakabatay sa mga makasaysayang tao, naglalakip ng mga makasaysayang kaganapan, o gumagamit ng makasaysyang senaryo. Habang "makasaysayang drama" ang literal na salinwika ngsageuk, karaniwang nakalaan ang termino para sa mga dramang nagaganap sa takbo ng kasaysayan ng Korea.[6]
Madalas nakasentro sa isang kuwentong pag-ibig, kadalasang nakatuon ang mga seryeng nakatakda sa kasalukuyang panahon sa relasyon ng pamilya at romantikong ugnayan. Halos malaperpektoo ang lahat ng mga tauhan. Inilalarawan ang mga lalaking bida bilang guwapo, matalino, madamdamin, at naghahanap ng "tunay na pag-ibig". Ito ay naging salik din sa katanyagan ng mga Koreanovela sa mga kababaihan, dahil naiba ang imahe ng mga lalaking Koreano sa mga ibang lalaking Asyano.[4][8][9][10]
Ibinibigay ang mga marka sa manonood (viewership ratings) ng dalawang kumpanya sa Timog Korea,AGB Nielsen Media Research at TNmS. Dati ang Media Service Korea ang tanging kumpanya na nagbigay ng ganitong impormasyon, at sa kalaunan ay kinuha ito ng Nielsen Media Research. Noong 1999 nagsimula rin ang TNS Media Korea ng ganoong serbisyo, at sa kalaunan ay pinalitan nila ang kanilang pangalan tungo sa TNmS. Kinokolekta ng AGB ang datos ng manonood batay sa 2050 sambahayan, habang ang TNmS ay may 2000 sambahayan na may aparatong panukat. Karaniwang nag-iiba ng 2-3% ang markang pandrama ng dalawang kumpanya.[11]
Talaan ng mga Koreanovela na may pinakamataas na marka sa pampublikong brodkast
Pinagsama ang talaan mula sa datos ngAGB Nielsen Media Research, batay sa episodyo na may pinakamataas na marka mula noong 1992, noong pumasok ang AGB Nielsen sa merkado ng Korea.[12]
Ipinapalabas ang mga sumusunod na drama sa de-kableng tsanel/pay TV na kadalasang may mas kaunting bilang ng manonood kumpara sa mgafree-to-air TV/public broadcasters (KBS,SBS,MBC atEBS).
#
Drama
Tsanel
Pinakamataas na AGB Nielsen Rating sa buong bansa[24]