Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Konstruksiyon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Konstruksiyon

Sa mga larangan ngarkitektura atinhinyeriyang sibil, angkonstruksiyon opaggawa ng gusali ay isang prosesong binubuo ng paggawa, pagtatayo, o pagbubuo ngimprastruktura. Malayo sa pagiging iisang gawain, ang isang gawaing panggusali na malakihan ang sukat ay isang gawain ng paggawa ng maraming mga tungkulin at gawain na pantao. Sa pangkaraniwan, ang trabahong ito ay pinamamahalaan ng isang tagapamahala ng proyekto, at pinangangasiwaan ng isang tagapangasiwa ng konstruksiyon, inhinyero ng disenyo, inhinyero ng konstruksiyon o arkitekto ng proyekto.

Para sa matagumpay na pagsasakatuparan at katalaban ng isangproyekto, mahalaga ang mabisangpagpaplano. Ang pagiging kasangkot sadisenyo at pagsasakatuparan ng isang imprastruktura ay dapat na magsang-alang-alang ngepekto sa kapaligiran ng nasabing trabaho o gawain, mapagkukunan at makukuhang mgamateryales na pangtayo,lohistika, kawalan ng kaginhawahan ng publiko na sanhi ng pagkaantala ng konstruksiyon at turingan at alukan ng halaga na pangkonstruksiyon, at marami pang iba.

Mga uri ng proyektong pangkonstruksiyon

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sa pangkalahatan, mayroong tatlong mga uri ng konstruksiyon:

  1. Pagtatayo ng gusali
  2. Mabigat na konstruksiyon o konstruksiyong sibil
  3. Konstruksiyong industriyal

Ang bawat isang tipo ng proyekto ng konstruksiyon ay nangangailangan ng isang namumukod-tanging pangkat na magpaplano, magdidisenyo, magbubuo at magpapanatili ng proyekto.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Konstruksiyon&oldid=2020267"
Kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp