Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Kondado ng Orange, California

Mga koordinado:33°40′N117°47′W / 33.67°N 117.78°W /33.67; -117.78
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol ito sa kondado (county), para sa lungsod tingnan angLungsod ng Orange.
Orange

Orange County
County ng California
Watawat ng Orange
Watawat
Map
Mga koordinado:33°40′N117°47′W / 33.67°N 117.78°W /33.67; -117.78
BansaEstados Unidos ng Amerika
LokasyonCalifornia, Pacific States Region
Ipinangalan kay (sa)Dalandan
KabiseraSanta Ana
Bahagi
Talaan
Lawak
 • Kabuuan2,455 km2 (948 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2020, 2020 United States Census)
 • Kabuuan3,186,989
 • Kapal1,300/km2 (3,400/milya kuwadrado)
Sona ng orasPacific Time Zone
Websaythttps://ocgov.com
Mga Lungsod sa Kondado ng Orange.

AngKondado ng Orange (Orange County) ay isangkondado (county) saKatimugangCalifornia,Estados Unidos.Santa Ana ang kabisera nito. Ayon sa senso ng 2000, 2,846,289 ang populasyon nito. Ito ang ikalawang pinakamataong kondado sa estado ng California, at ika-lima sa pinakamataong kondado sa Estados Unidos.[1]

Bantog ang kondadong ito sa mga destinasyong pangturismo. Matatagpuan dito ang mga atraksiyong tulad ngDisneyland, at angKnott's Berry Farm. Bantog din ang mabuhanging baybayin nito para sa mga paglangoy atsurfing, daungan ng mga yate at pamamangka, at malalaking pook na inilaan maging liwasan at bukas na pook para sa paglalaro nggolp,tenis,hiking,pagka-kayak,pamimisikleta,skateboarding, at iba pang mga gawaing panlabas.

Heograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ayon saTanggapan ng Senso ng Estados Unidos, ang kondado ay may kabuuang sukat na 2,455 km² (948 mi²). Ito ang pinakamaliit na kondado sa Katimugang California.

Ang Kondado ng Orange ay naghahanggan ngKaragatang Pasipiko sa kanluran, ngKondado ng Los Angeles sa hilaga, ngKondado ng San Bernardino sa hilagang silangan, ngKondado ng Riverside sa silangan, at ngKondado ng San Diego sa timog.

Demograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sa taya ng Kawanihan ng Senso noong 2005, ang populasyon ng putting hindi Latino (non-Latino white) ng Kondado ng Orange ay nasa 48 %. Ang 2005 na populasyon ng mga Latino noon sa Orange County ay nasa 32.5 %. Ang mga Asyano naman ay nasa 15.9 %. Ang mga Amerikanong Aprikano ay bumubuo sa 1.9 % ng populasyon.

Ayon sa senso noong 2000, mayroong 2,846,289 katao, 935,287 na kabahayan, at 667,794 na mag-anak na naninirahan sa kondado, kaya't naging ikalawang pinakamataong kondado ng California ang Kondado ng Orange.

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. State of California, Department of Finance (Mayo 2007)."E-1 Population Estimates for Cities, Counties and the State with Annual Percent Change — 1 Enero 2006 and 2007". Inarkibo mula saorihinal noong 2010-11-18. Nakuha noong2007-07-10.
 Estado ngCalifornia
Sacramento (kabesera)
Mga paksa
Mga rehiyon
Antelope Valley ·

Big Sur · Cascade Range · Central Coast · Central Valley · Channel Islands · Coachella Valley · Conejo Valley · Cucamonga Valley · Death Valley · East Bay (SF) · Eastern California · Emerald Triangle · Gold Country · Great Basin · Greater Los Angeles · Inland Empire · Lake Tahoe · Los Angeles Basin · Mojave · North Bay (SF) · North Coast · Northern California · Owens Valley · The Peninsula · Pomona Valley · Redwood Empire · Russian River · Sacramento Valley · San Bernardino Valley · San Fernando Valley · San Francisco Bay Area · San Joaquin Valley · Santa Clara Valley · Santa Clarita Valley · Shasta Cascade · Sierra Nevada · Silicon Valley · South Bay (SF) · Southern California · Tech Coast · Tri‑Valley · Wine Country ·

Yosemite
Mga kalakhang pook
Mga kondado
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Kondado_ng_Orange,_California&oldid=1873738"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp