Ang magiging sityo ng Komsomolsk-na-Amure ay nilupig ng mga Monggol noong ika-13 dantaon at naging bahagi ngImperyong Monggol sa ilalim ng Monggol nadinastiyang Yuan. Paglaon, hinawak ito ng mga Manchu hanggang sa 1858 nang sinuko ito saImperyong Ruso alinsunod saKasunduan sa Aigun.
Sa sityong ito itinatag ang nayon ng Permskoye (Пе́рмское) noong 1860, ng mga nandayuhang magbubukid buhat sa ngayo'yPerm Krai.
Inihayag ng pamahalaan ngSFSR ng Rusya noong 1931 ang mga panukala na magatatayo ng isangpagawaan ng barko sa Ilog Amur sa kasalukuyang kinatatayuan ng lungsod. Nagsimula ang pagtatayo noong 1932. Malakihang itinayo ang lungsod gamit ang kusang paggawa mula saKomunistang samahan ng kabataan naKomsomol, kaya mula rito nanggaling ang pangalang Komsomolsk. Ngunit tinulungan ang pagtatayo nito kalakip ng paggawang penal mula sa mga kampong bilangguan sa lugar.[10] Idinagdag ang unlapingna-Amure upang ikaiba ito sa iba pang mga pook sa Rusya na may kaparehong pangalan, tulad ngKomsomolsk ng Ivanovo Oblast. Ginawaran ito ng katayuang panlungsod noong 1933.
Pagsapit ng katapusan ng dekada-1930, nakompleto na ang mga pagawaan ng barko kasama ang mga pasilidad para sa ibang mabigat na industriya. Umusbong ang lungsod upang maging sentrong panrehiyon ng mga industriya tulad ngpaggawa ng sasakyang panghimpapawid,metalurhiya,makinarya,pagdadalisay ng langis, atpaggawa ng barko. Kasalukuyang pangunahing sentro ang Komsomolsk-na-Amure para sa paggawa ng pangmilitar na sasakyang panghimpapawid na Sukhoi at ng Sukhoi Superjet airliner.[11] Kapuwang ginawa sa lungsod ang mgaMiG-15bi[12] at ang LisunovLi-2.[13]
Umaabot ang lungsod at mganaik nito nang higit sa 30 kilometro (19 milya) sa kahabaan ng kaliwang pampang ngIlog Amur. Ang ilog sa puntong ito ay may lawak na 2.5 kilometro (1.6 milya).
Ang distansiya ng Komsomolsk-na-Amure saKhabarovsk—angsentrong pampangasiwaan ngkrai—ay 356 kilometro (221 milya). Ang distansiya naman ng lungsod saKaragatang Pasipiko ay mga 300 kilometro (190 milya). Nasa 45 kilometro (28 milya) timog nito angAmursk, ang pinakamalapit na pangunahing lungsod.
Nasa humigit-kumulang 6,300 kilometro (3,900 milya) silangan ngMoscow ang Komsomolsk-na-Amure, at ito ay nasa silangang dulo ngDaambakal ng BAM.
Ang Komsomolsk-na-Amure ay maymahalumigmig na klimang pangkontinente (KöppenDfb). Karaniwang pumapalit ang temperatura sa lungsod nang higit sa 56 °C (100.8 °F) sa loob ng isang taon, kalakip ng pang-araw-araw na katamtamang −24.7 °C (−12.5 °F) kapag Enero, kompara sa +20.3 °C (68.5 °F) kapag Hulyo.
Ang Komsomolsk-na-Amure ay isang mahalagang sentrong pang-industriya ng Khabarovsk Krai at ngMalayong Silangang Rusya.[18] Mayroon itong samot-saring ekonomiya kung saang nangunguna ang paggawa ng makinarya, metalurhiya at mga negosyo ng kahoy.[19]
Ang pinakakilalang kompanya ng lungsod ay angKomsomolsk-na-Amure Aircraft Production Association, ang pinakamalaking negosyo sa paggawa ng mga sasakyang panghimpapawid sa Rusya. Kabilang ito sa pinakamatagumpay na mga negosyo sa Khabarovsk Krai, at sa ilang taon ay ang pinakamalaking mamumuwis ng teritoryo.[20] Nakagawa ito ng daan-daang mga pansibilyan na sasakyang panghimpapawid at libu-libong mga iba't-ibang pangmilitar na sasakyang panghimpapawid.[21] Napakahalaga ang kompanya sa ekonomiya ng lungsod, at nagaambag ito ng 45% sa lahat ng mga kabayaran sa lokal na badyet.[20]
Nakahimpil din sa lungsod angAmur Shipbuilding Plant, isang mahalagang prodyuser ng mga barko at submarino.[22]
Nasa lungsod ang pinakasilangang estasyongtelemetry at pagsubaybay ngGLONASS.
Matatagpuan malapit sa lungsod ang dalawang mga baseng panghimpapawid, Khurba sa timog at Dzemgi sa hilaga.
↑"Результат запроса".www.gks.ru. Inarkibo mula saorihinal noong Disyembre 24, 2013. Nakuha noongNovember 1, 2017.
↑3.03.13.2Russian Federal State Statistics Service (2011)."Всероссийская перепись населения 2010 года. Том 1" [2010 All-Russian Population Census, vol. 1].Всероссийская перепись населения 2010 года [2010 All-Russia Population Census] (sa wikang Ruso). Russian Federal State Statistics Service.{{cite web}}:Invalid|ref=harv (tulong)
↑"Page not found".www.uacrussia.ru. Inarkibo mula saorihinal noong January 31, 2009. Nakuha noongNovember 1, 2017.{{cite web}}:Cite uses generic title (tulong)