Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Komaki

Mga koordinado:35°17′27.6″N136°54′43.6″E / 35.291000°N 136.912111°E /35.291000; 136.912111
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Komaki

小牧市
Paikot sa kanan mula sa taas: Kastilyo ng Komaki; Gusaling Panlungsod ng Komaki (hilaga); Panoramang urbano ng Komaki; Gusaling Panlungsod ng Komaki (timog)
Watawat ng Komaki
Watawat
Opisyal na sagisag ng Komaki
Sagisag
Kinaroroonan ng Komaki sa Prepektura ng Aichi
Kinaroroonan ng Komaki sa Prepektura ng Aichi
Komaki is located in Japan
Komaki
Komaki
 
Mga koordinado:35°17′27.6″N136°54′43.6″E / 35.291000°N 136.912111°E /35.291000; 136.912111
Bansa Hapon
RehiyonChūbu (Tōkai)
PrepekturaAichi
Pamahalaan
 • AlkaldeSuzuo Yamashita
Lawak
 • Kabuuan62.81 km2 (24.25 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Oktubre 1, 2019)
 • Kabuuan148,872
 • Kapal2,400/km2 (6,100/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+9 (Pamantayang Oras ng Hapon)
- PunoTabunoki(Machilus thunbergii)
- BulaklakAzalea
Bilang pantawag0568-72-2101
Adres1-1 Horinouchi, Komaki-shi, Aichi-ken 485-8650
Websayt[www.city.komaki.aichi.jp Opisyal na websayt]

AngKomaki (小牧市, Komaki-shi) ay isanglungsod na matatagpuan saPrepektura ng Aichi,Hapon. Magmula noong 1 Oktubre 2019 (2019 -10-01)[update], may tinatayangpopulasyon na 148,872 ang lungsod sa 68,174 mga kabahayan,[1] atkapal ng populasyon na 2,370 mga tao sa bawat kilometro kuwadrado. Ang kabuoang lawak ng lungsod ay 62.81 square kilometre (24.25 mi kuw). Karaniwang ini-uugnay ang Komaki sa datingPaliparan ng Komaki, na matatagpuan sa hangganan sa pagitan ng Komaki at ng katabing lungsod ngKasugai.

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Natuklasan ang mga labing arkeolohiko sa lupain ng kasalukuyang Komaki buhat saPaleolitikong Hapones hanggang sapanahong Yayoi, at madalas din ang mgabunton ng puntod mula sapanahong Kofun. Noongpanahong Sengoku, ginamit niOda Nobunaga angKastilyo ng Komaki bilang kaniyang mga punong himpilan kung saang ipinag-utos niya ang paglusob saLalawigan ng Mino. Kalaunan, ang lugar na pumapalibot sa Bundok Komaki ay naging sityo ngLabanan sa Komaki at Nagakute noong 1584. Bahagi ito ng mga lupain ngDominyong Owari noongpanahong Edo, at lumago bilang isanghintuan sa rutang nag-uugnay ng Nagoya sa lansangangNakasendō.

Sa kasagsagan ng pagtatag ng makabagong sistema ng mga munisipalidad sapanahong Meiji, ang lugar ay binuo ng mga nayon sa ilalim ngDistrito ng Higashikasugai, Aichi. Inihayag ang Komaki bilang isang bayan noong Hulyo 16, 1906 sa pamamagitan ng pagsasanib ng apat na mga nayon. Itinaas ito sa katayuang panlungsod noong Enero 1, 1955, pagkaraang isanib ito sa nayon ng Kitasato ng Distrito ng Nishikasugai.

Heograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Matatagpuan ang Komaki sa gitna ngKapatagang Nōbi, gitnang-kanlurang bahagi ng Prepektura ng Aichi, sa hilaga ng Nagoya metropolis. Nangingibabaw sa panoramang urbano ng lungsod angBundok Komaki, kung saang nasa ibabaw nito ang Kastilyo ng Komaki.

Kalapit na mga munisipalidad

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Demograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ayon sa datos ng senso sa Hapon,[2] mabilis na tumataas ang populasyon ng Komaki sa nakalipas na 60 mga taon.

Historical population
TaonPop.±%
196043,470—    
197079,606+83.1%
1980103,233+29.7%
1990124,441+20.5%
2000143,122+15.0%
2010147,059+2.8%

Kapatid na mga lungsod

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Komaki City official statisticsNaka-arkibo 2019-10-23 saWayback Machine.(sa Japanese)
  2. Komaki population statistics
  3. "International Exchange".List of Affiliation Partners within Prefectures. Council of Local Authorities for International Relations (CLAIR). Inarkibo mula saorihinal noong 24 December 2015. Nakuha noong21 November 2015.

Mga kawing panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
May kaugnay na midya tungkol saKomaki, Aichi ang Wikimedia Commons.
Nagoya (kabiserang lungsod)
Watawat ng Prepektura ng Aichi
Iba pang mga lungsod
Distrito ng Aichi
Distrito ng Ama
Distrito ng Chita
Distrito ng Kitashitara
Distrito ng Nishikasugai
Distrito ng Niwa
Distrito ng Nukata
International
National
Geographic
Academics
Other
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Komaki&oldid=2087538"
Mga kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp