Saagham, angpagkaalam[1] okognisyon (Ingles:cognition) ngkaalaman ay isang pangkat ng mga prosesongpang-isipan na kinabibilangan ngpagpansin (atensiyon),alaala, ang paglikha at pag-unawa ngwika,pagkatuto,pangangatwiran,paglutas ng suliranin, atpagpapasya. Sari-saring mga disiplina, katulad ngsikolohiya,pilosopiya,lingguwistika, agham, atagham na pangkompyuter ang nag-aaral ng kognisyon. Subalit, ang paggamit ng kataga ay nagkakaiba-iba sa kahabaan ng mga disiplina; halimbawa, sa sikolohiya at saagham na kognitibo, ang "kognisyon" ay karaniwang tumutukoy sa pananaw na isangproseso ng kabatiran ng mgatungkulin ng isang indibiduwal. Ginagamit din ito sa loob ng isang sangay ngsikolohiyang panlipunan na kung tawagin aykognisyong panlipunan upang maipaliwanag angkalooban o paraan ng pag-iisip,atribusyon, at dinamika ng mga pangkat.[kailangan ng sanggunian]
Ang kognisyon ay isang pakultad o kakayahan para sa pagpoproseso ngimpormasyon, paglalapat o paggamit ng kaalaman, at pagbago ng mga kanaisan o kagustuhan. Ang kognisyon, o mga prosesong kognisyon, ay maaaring maging likas o artipisyal, may malay o walang kamalayan. Ang mga prosesong ito ay sinusuri magmula sa iba't ibang mga diwa, natatangi na ang sa mga larangan ng lingguwistika,anestesia,neurolohiya,sikiyatriya, sikolohiya,antropolohiya,sistemika (sistemiks),agham na pangkompyuter, atkredo (pahayag ngpananampalataya opananalig). Sa loob sikolohiya o ng pilosopiya, ang konsepto ng kognisyon ay malapit na may kaugnayan sa mga diwangabstrakto na katulad ngisipan atkarunungan (intelihensiya). Nasasaklawan nito ang mgatungkuling pang-isipan (punksiyong mental), mgaprosesong pang-isipan (kaisipan) at mga kalagayan ng mgaentidad na maytalino (mgatao), mga pangkat na nagtutulungan, mga samahan ng tao, mgamakinang matataas ang antas ngawtonomiya okalayaan, at mgaintelihensiyang artipisyal.[kailangan ng sanggunian]
Ang salitang "kognisyon" ay nagbuhat sapandiwangLatin nacongnosco (con 'mayroong' +gnōscō 'pag-alam'), na isa mismonghiram na salita mula sa sinaunangGriyegong pandiwa nagnόsko "γνώσκω" na may kahulugang 'pagkatuto' (pangngalan:gnόsis "γνώσις" = kaalaman), kung kaya't ang kognisyon ay may malawak na kahulugang 'magkadiwa', 'maisadiwa' o 'makilala'.
- ↑Ballena, Constantino (2007).English-Filipino Dictionary of Philosophy. National Bookstore.ISBN 9710867768.
Ang lathalaing ito na tungkol saSikolohiya ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.