Mga mag-aaral na nakikipagtalasan sa pamamagitan ng paghaharap at pag-uusap.Isang lalaki at babaeng nakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng mga hudyat ng kamay.Angcuneiform ang isa sa mga napakasinaunang anyo ngwikang pasulat.
Angwika ay isang nakabalangkas na sistema ngpakikipag-ugnayan na binubuo ngbalarila attalasalitaan. Ito ay sistema nabinibigkas,pakumpas, onakasulat na mga sagisag kung saan ang mga tao, bilang mga langkap ng isang panlipunang pangkat at mga kalahok sa kagawian nito, ay nagpapahayag ng kanilang sarili. Ang wika ng tao ay nailalarawan sa pamamagitan ng pagkakaiba-iba ng kagawian at kasaysayan nito, na may mga makabuluhang pagkakaiba-iba na namamalasan sa pagitan ng mga kagawian at sa buong panahon.[1]
Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga sinasalitang wika sa daigdig, tangan sa kung gaano katiyak ang pagbigay-kahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang maagham na pananaliksik ng wika ay tinatawag nalingguwistika.Nag-ugat ang salitangwika mula sa wikangMalay. Samantalang nanggaling naman saKastila ang isa pang katawagan sa wika: ang salitanglengguwahe. Tinatawag dingsalita ang wika. Katulad nglanguage - tawag sawika sa Ingles - nanggaling ang salitanglengguwahe sa salitanglingua ng Latin, na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming paglahok ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan -ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o pagpabatid, may tunog man o wala, subalit kadalasang mayroon.
Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika:
Kolokyal/pambansa - payak na wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mgawikang Ingles atFilipino
Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish"
Kolokyalismong may dunong - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan
Lalawiganin/Panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na pook.
Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa nasa ng isang partikular na pangkat na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. Ito rin ay maaring nabuo sa pagbaliktad ng mga salitangKolokyal/pambansa.
Pampanitikan/panitikan - wikang sumusunod sa batas ngbalarila atretorika.
Mga gamit
Ito ang pitong gamit ng wika:
Isangtakbo ng pagpapalitan ng batid na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng mga sagisag ang pagtatalastas. Angaraling pangkomunikasyon ang larangang pang-aralan kung saan sinasaliksik ang pakikipagtalastasan.
Ginagamit ang wika sapagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling nauunawaan ng bumabasa o nakikinig ang kahulugan nito.
Pagpapaliwanag opagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang pakikipag-ugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat osenyas ng kamay, maaring kasabayan ng taong nakikipag-ugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong nakikipag-ugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng mga tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakakahudyat gamit ang pinagmumulang wika.
Sari ng paggamit ng wika
Ang dalawang sari ng paggamit ng wika aymaanyo atdi-maanyo.
Maanyo
Angmaanyo ay ang mga salitang napagkasunduan, karaniwan, o pamantayan dahil kinikilala, tinatanggap, at ginagamit ng higit na nakararami lalo na mga nakapag-aral ng wika. Ginagamit ito sa mga usapang maanyo. Narito ang mga uri nito:
Pambansa o karaniwan - mga karaniwang salitang ginagamit sa mga aklat pangwika o pambalarila sa mga paaralan, gayundin sa pamahalaan.
Pampanitikan - mga salitang ginagamit sa mga akdang pampanitikan, karaniwang matatayog, malalalim, makulay, at masining.
Di-maanyo
Angdi-maanyo ay mga salitang karaniwang palasak at madalas gamitin sa pang-araw-araw na pakikipagusap. Ginagamit ito sa mga hindi maanyo na usapan. Narito ang mga uri nito:
Lalawiganin - mga talasalitaang pangdiyalekto. Gamitin ito sa mga partikular na pook o lalawigan lamang.
Balbal - mga salitang nahango lamang sa pagbabago o pag-usod ng panahon, mga salitang nabuklat sa lansangan.
Kolokyal - mga salitang ginagamit sa mga pagkakataong di-maanyo. Ang pagpapaikli ng isa, dalawa, o higit pang salita ay mauuri rin sa antas na ito.
Halimbawa:
mayroon=meron
ayaw ko= ayoko
nasaan=nasa'n
Mga sanggunian
↑Maling banggit (Hindi tamang<ref>tag;walang binigay na teksto para sarefs na may pangalangEvans); $2