AngKipot ni Magellan oKipot ni Magallanes, tinatawag dingMga Kipot ni Magellan,Mga Kipot ni Magallanes, oMahelanikong Kipot (Ingles:Strait of Magellan,Straits of Magellan, oMagellanic Strait), ay binubuo ng isang malilibot na ruta sa dagat na kaagad na nasa timog ng punong lupain ngTimog Amerika at hilaga ngTierra del Fuego . Pinakamalahagang likas na daanan ang daanang-tubig na ito na nasa pagitan ng mgaKaragatang Pasipiko atAtlantiko, ngunit itinuturing na isang mahirap na rutang pangnabigasyon dahil sa hindi mahulaang mga gawi ng ihip ng hangin at mga daloy ng tubig, at dahil sa kakiputan ng lagusang ito. Isa itong daang lagusan magmula sa Karagatang Atlantiko patungo sa Karagatang Pasipiko. Pinangalanan ito mula kayFernando Magallanes, na kilala rin bilangFerdinand Magellan.