Isangelementong kemikal ang isang sustansiya na di na maaaring ihati or baguhin sa iba pa na sustansiya sa pamamagitan ng ordinaryong kaparaanang kemikal. Ang pinakamaliit na ganitong elemento ay ang isangatomo, na binubuo ng mgaelektron na pinapagitnaan sa paligid ng isangnukleyus ng mgaproton at mganyutron.
Isangmolekula ay ang pinakamaliit na partikel ng isang elemento o kompawnd na pinapanatili ang katangian ng isang elemento o kompawnd.
Ang isangiono ay isangatomo o pangkat ng mga atomo kasama ng isang neto ng charge ng koryente, na mayroong nawala (cation) o nakuhang (anion) isangelektron.
Mga kulay ng nag-iisang kemikal (pulang Nilo) sa iba't ibang pantunaw, sa ilalim na nakikitang liwang na UV, na pinapakita kung papaano pabago-bago ang interaksyon ng kimikal sa paligid ng panunaw nito.
Maaring mabigyang-kahulugan ang isang sustansiyang kimikal bilang "anumangmateryal na may isang tiyak na komposisyong kimikal" ayon sa isang pagpapakilalala ng aklat-aralin ng pangkalahatang kimika.[1] Sang-ayon sa kahulugan na ito, ang sustansiyang kimikal ay maaaring isang purongelementong kimikal o isang purongkompuwestong kimikal. Subalit, mayroon itong eksepsyon sa kahulugan na ito; maaring bigyan kahulugan ang purong sustansiya bilang isang anyo ngmaterya na mayroong parehong tiyak na komposisyon at naiibang mga katangian.[2] Binibilang din sa indeks ng sustansyang kimikal na nilalathala ng CAS ang ilang mgahaluang metal na may hindi tiyak na komposisyon.[3] Isang natatanging kaso ang mga kompuwestong di-estekiyometriko (sa kimikang inorganiko) na lumalabag sa batas ng hindi nagbabagong komposisyon, at para sa kanila, mahirap minsan na tukuyin kung isa itonghalo o isang kompuwesto, tulad ng kaso ngpalladium hydride. Makikita din ang mas malawak na depinisyon ng mga kimikal o sustansiyang kimikal, halimbawa: "nangangahulugan ang 'sustansiyang kimikal' na kahit anong sustansiyang organiko o inorganiko ng isang partikular na identidad pang-molekula, kabilang ang – (i) anumang kombinasyon ng mga ganoong sustansiya na buo o bahagi lamang na naging resulta ng isang reaksyong kimikal o mayroon sakalikasan".[4]
↑Hill, J. W.; Petrucci, R. H.; McCreary, T. W.; Perry, S. S.General Chemistry, 4th ed., p5, Pearson Prentice Hall, Upper Saddle River, New Jersey, 2005 (sa Ingles)