Angpagmamanipula ng alok(Ingles:bid rigging) ay isang anyo ngpandaraya kung saan ang isang pangkalakalan(commercial) nakontrata ay ipinangako sa isang partido kahit mukhang ang ibang mga partido ay presente sapag-aalok(bidding) ng isang kontrata. Ang anyo ito ngkolusyon ay ilegal sa maraming mga bansa. Ito ay isang anyo ngpagmamanipula ng presyo(price fixing) atalokasyon sa pamilihan na kalimitang isinagawa kapag ang mga kontrata ay matutukoy sa pamamagitan ng pagtawag ng mgapag-aalok ng mga kompetitor gaya halimbawa ng kontrata ng konstruksiyon ng mga inprastrakturang isinagawa ngpamahalaan. Sa kasong ito, ang mga kompanya ng konstruksiyon o mga prodyuser ng hilaw na materyal ay nagpapasa ng alok sa pamahalaan upang manalo sa kontratang konstruksiyon na ito at ang pamahalaan naman ay pipili ng kompanya sa mga nag-aalok na ito na magbibigay ng pinakamalaking pakinabang gaya ng katipiran sa pamahalaan. Ang pagmamanipula ng alok ay halos palaging nagreresulta saekonomikang panganib sa ahensiyang naghahangad ng mgapag-aalok gayundin sa publiko na sa huli ang magpapasan ng gastos bilang mgatagabayad ng buwis okonsumer.
May ilang mga pangkaraniwang pamamaraan ng pagmamanipula ng alok:
Ang mga anyong ito ng pagmamanipula ng alok ay hindi mutual na ekslusibo sa iba at ang dalawa o higit pang mga gawaing ito ay maaaring mangyari ng sabay. Halimbawa, kung ang isang kasapi ng singsing ng mga nag-aalok ay itinalagang manalo ng isang partikular na kontrata, ang mga kasabwat naman nito ay iiwas na manalo sa pamamagitan ng hindi pag-aalok(pagsupil ng pag-aalok) o pagpasa ng napakataas na alok(takip na pag-aalok)
Ang isangkickback ang bahagi na napupunta sa isang opisyal mula sa mga pondong itinalaga sa kanya o sa kanyang organisasyon na ibinigay sa mga organisasyon na sangkot sa pagmamanipula ng alok. Halimbawa, saPilipinas ang isangpolitiko ay pinaglaanan ngpork barrel ngpamahalaan mula sabuwis ngtaongbayan upang gastusin sa mga proyekto sa kanyang nasasakupan. Ang bawatsenador ay pinaglalaanan ng 200 milyong piso na pork barrel at ang bawat mga kongresista ay pinaglalaanan ng 70 milyong piso pork barrel kada taon. Upang ipatupad ng mga politiko ang mga proyektong ito, ito ay tatawag ng mga kompanyang mag-aalok ng serbisyo o produkto na magsasagawa ng mga proyektong ito. Maaaring ibigay ng isangkurakot na politiko angkontrata sa isang kompanya na hindi pinakamahusay na taga-alok(pinakamatipid) o ito ay magtatalaga ng halaga na hindi nararapat matanggap ng nanalo sa kontrata(sobrang mahal). Sa kasong ito, ang kompanyang nanalo ng kontrata ay nakikinabang at kapalit ng pagtatraydor ngkurakot na politiko sa tiwalang ibinigay ng publiko dito, ito ay tatanggap ng kabayarang "kickback" na bahagi ng kabayarang salaping tinanggap ng kompanya sa napanalunang kontrata. Ang mismong kabuuan ng halagang ito ay maaaring lahat o isang bahagi ng pagkakaiba sa pagitan ng aktwal na kabayaran sa kompanyang nagwagi at ang mas mababang presyopangpamilihan na maaaring ibayad kung angpag-aalok(bidding) ay naging kompetitibo. Ang kickback ay hindi lang limitado sa mga opisyal ng pamahalaan. Anumang sitwasyon na ang isa o maraming mga indibidwal ay pinagkatiwalaan ng mga pondo na hindi kanila ay suseptible sa ganitong uri ngkorupsiyon. Ang mga kickback ay karaniwan rin saindustriyang parmasyutikal dahil ang maraming mgadoktor ay tumatanggap ng kabayaran kapalit ng dagdag promosyon atpreskripsiyon ng droga na itinitinda ng mga kompanyang parmasyutikal na ito.
Ang gawaing ito ay ilegal sa maraming mga bansa kabilang angEstados Unidos,Canda,United Kingdom at marami pang iba.