Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Kibungan

Mga koordinado:16°41′38″N120°39′14″E / 16.6939°N 120.6539°E /16.6939; 120.6539
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kibungan

Munisipalidad ng Kibungan
Mapa ng Benguet na nagpapakita sa lokasyon ng Kibungan.
Mapa ngBenguet na nagpapakita sa lokasyon ng Kibungan.
Map
Kibungan is located in Pilipinas
Kibungan
Kibungan
Lokasyon sa Pilipinas
Mga koordinado:16°41′38″N120°39′14″E / 16.6939°N 120.6539°E /16.6939; 120.6539
Bansa Pilipinas
RehiyonRehiyong Pampangasiwaan ng Cordillera (CAR)
LalawiganBenguet
DistritoMag-isang Distrito ng Benguet
Mgabarangay7 (alamin)
Pamahalaan
 • Punong-bayanceasar molitas
 • Manghalalal10,055 botante (2022)
Lawak
[1]
 • Kabuuan254.86 km2 (98.40 milya kuwadrado)
Populasyon
 (Senso ng 2020)
 • Kabuuan17,051
 • Kapal67/km2 (170/milya kuwadrado)
 • Kabahayan
4,127
Ekonomiya
 • Kaurian ng kitaika-4 na klase ng kita ng bayan
 • Antas ng kahirapan7.92% (2021)[2]
 • Kita₱ 172.1 million (2022)
 • Aset₱ 332.5 million (2022)
 • Pananagutan₱ 60.74 million (2022)
 • Paggasta₱ 137.4 million (2022)
Kodigong Pangsulat
2611
PSGC
141109000
Kodigong pantawag74
Uri ng klimaTropikal na kagubatang klima
Mga wikaWikang Kankanaey
Wikang Ibaloi
Wikang Iloko
wikang Tagalog

AngBayan ng Kibungan ay isang ika-4 klasengbayan salalawigan ngBenguet,Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 17,051 sa may 4,127 na kabahayan.[3]

Heograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang Kibungan ay matatagpuan sa hilagang-kanlurang bahagi ng Benguet. Ito ay pinapalibutan ngBakun sa hilaga,Buguias sa gitnang-silangan,Kabayan sa timog-silangan,Atok atKapangan sa timog, atSugpon sa gitnang-kanluran.

Ayon saPhilippine Statistics Authority, ang munisipalidad ay may lawak na 254.86 kilometro kuwadrado (98.40 milya kuwadrado) na bumubuo ng 9.20% ng kabuuang lawak na 2,769.08 kilometro kuwadrado (1,069.15 milya kuwadrado) ng Benguet.

Ang Kibungan ay may pitong barangay: Sagpat, Poblacion, Palina, Tacadang, Madaymen, Badeo, at Lubo. Ang Barangay Sagpat at Lubo ay nagtatanim ng sayote na syang kanilang pangunahing produkto. Ang sayote ay tinaguriang 'hanging gold.' Ang Barangay Madaymen at Palina ay nagtatanim din ng iba't ibang gulay tulad ng repolyo, patatas, karot, at iba pa. Ang Barangay Tacadang at Badeo ay hindi naaabot ng sasakyan dahil sa mabatong kabundukan at mahirap ang paggawa ng kalsada.

Ang Kibungan ay kilala sa probinsya ng Benguet bilang munisipalidad na may mga natatanging bundok na madalas napagkakamalang kahawig ng mga bundok sa Switzerland. Ang mga malalalim na bangin at talampas ay pinaghihiwalay ang maraming sitios at ilang barangay. Bagamat may ilang talampas, burol, at maliliit na lambak sa lugar, ang karamihan sa Kibungan ay kabundukan.

Ang munisipalidad ay nasa loob ng malamig na kataasan sa kabundukan na may taas na higit sa 2,500 metro (8,200 talampakan) mula sa antas ng dagat. Sa pinakalamig na buwan ng Disyembre hanggang Enero, ang Barangay Madaymen ay nakararanas ng temperaturang umaabot sa 0 °C (32 °F), na nagdudulot ng kilalang Frost ng Madaymen.

Ang munisipalidad ay matatagpuan 61 kilometro (38 milya) hilaga ngBaguio, 56 kilometro (35 milya) mula saLa Trinidad, at 311 kilometro (193 milya) mula saManila.

Mga Barangay

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang Bayan ng Kibungan ay nahahati sa 7 mgabarangay. Bawat barangay ay binubuo ng purok at sitios.

  • Badeo
  • Lubo
  • Madaymen
  • Palina
  • Poblacion
  • Sagpat
  • Tacadang

Demograpiko

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Senso ng populasyon ng
Kibungan
TaonPop.±% p.a.
19038—    
19182,589+47.01%
19393,426+1.34%
19484,682+3.53%
19606,901+3.29%
19709,115+2.82%
19759,198+0.18%
198010,500+2.68%
199012,753+1.96%
199514,148+1.96%
200015,036+1.31%
200715,700+0.60%
201016,850+2.61%
201517,292+0.49%
202017,051−0.28%
Sanggunian:PSA[4][5][6][7]


Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Benguet".PSGC Interactive. Quezon City, Philippines:Philippine Statistics Authority. Nakuha noong12 Nobyembre 2016.
  2. Kamalian ng Lua na sa Module:Wd na nasa linyang 1890: bad argument #1 to 'ipairs' (table expected, got nil).
  3. "Kibungan",Wikipedia (sa wikang Ingles), 2024-04-06, nakuha noong2024-08-02
  4. Census of Population (2015)."Cordillera Administrative Region (CAR)".Total Population by Province, City, Municipality and Barangay.PSA. Nakuha noong20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  5. Census of Population and Housing (2010)."Cordillera Administrative Region (CAR)".Total Population by Province, City, Municipality and Barangay.NSO. Nakuha noong29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link)
  6. Censuses of Population (1903–2007)."Cordillera Administrative Region (CAR)".Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007.NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: numeric names: mga may-akda (link) CS1 maint: url-status (link)
  7. "Province of Benguet".Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noongDisyembre 17, 2016.

Mga Kawing Panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Lalawigan ngBenguet
La Trinidad (kabisera)
Mga bayan
Mga mataas na urbanisadong lungsod
Mga barangay
Mga distritong pambatas


UsbongAng lathalaing ito ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Kibungan&oldid=2124938"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp