Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Keso de bola

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Edam
Edammer (Olanda)
Small, spherical Edam cheese
BansaOlanda
RehiyonEdam-Volendam
BayanEdam
Pinagmumulan ng gatasBaka
PastyurisadoOo
TeksturaMedyo matigas
Nilalamang taba11g/100g
Tagal ng paglaon4 linggo – 10 buwan
SertipikasyonOo[1]
Ipinangalan kayEdam[*]

Angkeso de bola (Kastila:queso de bola), literal na "kesong bola" o "bolang keso", ay isang uri ngpampaskongkesong dilaw at hugisbilog oespero na nakabalot sa pulangpagkit naparapina. Isang gawi sa paghahain ng keso de bola ang pagtatambal ngpandesal,hamon,ensaymada, attsokolate.[2] SaOlanda, mas kilala ang keso de bola bilangEdam (Olandes:Edammer) sapagkat doon orihinal na nagmula ang kesong ito , sa isang bayan na kilala bilangEdam, na nasa lalawigan ngHilagang Olanda.[3]

Katangian

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang keso de bola sa Olanda ay binabalutan upang maipagbili at nailuluwas. Angedam ay pinahihinog ng halos 17 mga linggo at binabalutan ng itim napagkit, sa halip na pula o dilaw. Dahil sa edad ng kesong ito, nailalakbay ito na hindi kaagad nasisira o napapanis. Dahil dito, at sa iba pa nitong mga katangian, naging pinakatanyag na keso ito sa pagitan ng ika-14 at ika-18 daantaon.[4] Bantog ito saHilagang Amerika, mgabansang Nordiko, at iba pang mga bansa sa mundo.

Kasaysayan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang pangalan ng kesong ito ay pinasimulan ni Dr.Frederick Zuellig, isangSuwisong imigrante saPilipinas at tagapagtatag ngZuellig Pharmaceuticals noong kaagahan ng dekada 1900. Dating inaangkat ang mga kesong inasnan (pampreserba ang asin) mula saNederlands (Olanda) papuntang Pilipinas noong kahulihan ng 1930. Naging kilalang tatak ng produktong keso de bola angMarca Piña Queso de Bola.[2]

Ang produktong keso de bola ng Marca Piña ay tradisyunal na gawa mula sagatas ng taglamig na nagmumula sa mgabaka nasa loob ng isang gusaling alagaan habang panahon ng taglamig. Hindi ginagamit ang gatas ng tag-araw dahil nakakasanhi ito ng pagkakadurog ng keso. Ang keso ng Marca Piña ay pinatatanda sa loob ng 24 na linggo. Naglalaman ito ng 3.8 na gramo ng asin. Sa kasalukuyan, hindi na inaasnan ang keso mula sa Olanda sapagkat may teknolohiya na angrepridyerasyon.[2]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Council Regulation (EC) No 510/2006
  2. 123Carballo, Bibsy.Our one-of-a-kind ‘queso de bola’Naka-arkibo 2009-09-06 saWayback Machine., Philippine Daily Inquirer, Setyembre 2, 2009.
  3. Opisyal na Websayt ng Bayan ng Edam, Abril 11, 2007.
  4. Kasaysayan ng Kesong EdamNaka-arkibo 2011-10-26 saWayback Machine., Edam.com, 2007-04-11
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Keso_de_bola&oldid=2138685"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp