Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Mga Selta

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula saKelta)

Ang mgaSelta (Ingles: mgaCelt) ay isang malaking pangkat ng mga tribongCaucasiano saEuropa na unang lumitaw noong Kaagahan ngPanahon ng Bakal, humigit-kumulang sa 1200 BC saAustria. Nagmula sila saHallstatt at mgaLa Tène. Ang kanilang kultura at mgahene ay lumaganap sa karamihan ng mga bahagi ng Europa, at sa pagsapit ng panahon ng paglitaw ng mgaGriyego at pagdaka ng mgaRomano, angMga Pulong Britaniko at mga bahagi ngkanluran,katimugan, atsilangang Europa ay mgaSeltiko (Celtic) na - ang pinaka maraming mga tribong Seltiko ay dating nasaGaul. Ang mga Selta ay nagsasalita ng mgawikang Seltiko. Sa kasalukuyan, ang mga wikang Seltiko na nananatili pa ay angBreton,Cornes,Welsh at ang mgaGaeliko (Goideliko).

Ang lipunan at teknolohiyang Seltiko, bagaman hindi kasing masulong ng mga Romano, ay hindi primitibo para sa kapanahunan nito. Namumuhay ang mga Selta sa isang uri ng pamumuhay na nakabatay sa mga kodigo ng etika at mga kodigo ng karangalan at nakapagpaunlad ng isang kulturang pansarili na puno ng namumukod-tanging mga larawan o pagguhit, mga eskultura, mga alahas, kuwentong-bayan, at mga disenyo at mga teknika sa pagtatayo ng mga gusali. Mayroon din silang kasanayan sapagpapanday, pagsasaka at diplomasya.

Ang mga mandirigmang Seltiko ay magsusuot ng mga pinturang pandigma at tatangkain nilang takutin ang mga kalaban nila sa pamamagitan ng pagsigaw ng mga sigaw na pandigma. Maraming mga tribo ang mayroong iba't ibang mga pamantayan na pangkasuotan para sa labanan, may ilang mga mandirigma na nagsusuot ng mga tanikala at/o mga baluting katad, ang ilan ay nagsusuot ng mga damit lamang at mayroong ilan na nalalamang nakikipaglaban na nakahubo't hubad. Mayroon din silang pansariling uri ng espada na napakatibay at isang kalasag na talagang nakakapananggalang. Nang magsimulang lumaganap angRepublikang Romano, naging marahas sa isa't isa angmga Galo at ang mga Romano at nagsasagupaan sa maraming mga pagkakataon; subalit, sa paglaon ay nagapi rin sila ng mga Romano at humantong na nasakop ng mga Romano ang halos lahat ng mga tribong Seltiko sa Europa at pinamunuan sila hanggang sa pagbagsak ngImperyong Romano. Nag-aaway-away din sa isa't isa ang mga tribong Seltiko. Pagkaraang magwagi sa isang labanan, pupugutin ng mga Seltiko ang mgaulo ng kanilang mga kaaway at dadalhin pabalik sa kanilang mga tahanan.[1]

Noong panahon ng pagbagsak ng Imperyo ng Roma, karamihan sa mga dating lupain ng mga Selta ay humantong na napamunuan ng mga nandarayuhang mgatribong Hermaniko at sumanib sa mga lahing Romano-Seltiko (mga tao na kapwa mayroong mga ninunong Romano at Seltiko) upang sa paglaon ay bumuo ng ilang mga bansang Europeo ng pangkasalukuyang kapanahunan, katulad ngPransiya. Ang mga teritoryong itinuturing pa rin bilang Seltiko ay angIrlanda,Gales,Iskotlandiya,Pulo ng Man, atBritaniya (huwag ikalito saBritanya).

Tingnan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. What was Britain like before the Romans?
Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Mga_Selta&oldid=1822981"
Kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp