Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Kayo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tungkol sa materyal na kayo ang artikulo na ito. Para sa panghalip, tingnan angIkaw.

Angkayo ay isang katawagan na kinabibilangan ng iba't ibang materyal na nakabatay sa hibla, kabilang ang hilatsa,estambre, sinulid, pilamento, iba't ibang uri ng tela, atbp. Noong una, tumutukoy ang "kayo" sa mgahinabing tela.[1](p3)[2](p5)[3] Bagaman, ang paghahabi ay hindi lamang kaparaanan ngpagmamanupaktura, at maraming ibang kaparaanan ang ginawa sa kalaunan upang buuin ang mga istrakturang tela batay sa nilayong gamit nito. Ang paggagantsilyo at di-hinabi ay ibang popular na uri ng pagmamanupaktura ng tela.[4] Sa mundong kontemporaryo, napupunan ng kayo ang materyal na kailangan para sa mga aplikasyong maraming nagagawa, mula sa payak anpananamit hanggang sa dyaket na di-tinatablan ng bala, kasuotangpangkalawakan, at kasuotan ng doktor.[3][5][4]

Nahahati ang kayo sa dalawang pangkat: ang mga kayong pangkonsyumer para mga layuning domestiko at kayong teknikal. Sa mga kayong pangkonsyumer, angestetika at pagiging komportable ang pinakamahalang tinitingnan sa ganitong uri, habang sa mga kayong teknikal, mas priyoridad ang mga katangiang punsyonal o lubusang magagamit.[4][6]

Ang mga heotekstil, kayong pang-industriya, kayong medikal, at maraming iba pang larangan ay mga halimbawa ng kayong teknikal, habang angdamit at palamuti sa damit ang halimbawa ng mga kayong pangkonsyumer. Ang bawat bahagi ng produktong kayo kabilang ang hibla, estambre, tela, pagproseso, at pantapos, ay nakakaapekto sa produktong gawa na. Maaring iba't iba ang mga produktong kayo habang pinipili ang kanilang layunin at kaangkupan.[4][7][6]

Terminolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Tela sa isang tindahan

Ang tela ay isang bagay na maraming gamit na tipikal na ginawa sa pamamagitan ng proseso ng paghabi, pagpiyeltro, o paggagantsilyo gamit ang likas o sintetikong materyal.[8] Bagaman ang tela ay isa uri ng kayo, hindi lahat ng kayo ay maaring iuri bilang tela dahil sa pagkakaiba sa kanilang proseso ng pagmamanupaktura, katangiang pisikal, at nilayong gamit. Ang mga materyal ay hinabi, ginantsilyo, binungkos o binuhol bilang tela, habang angwallpaper (papel pandingding), mga produktong tapiseryangplastik, alpombra, at hindi hinabing materyal ay maaring ituring kayo.[9](p207)

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. Joseph, Marjory L. (1977).Introductory textile science (sa Ingles). Internet Archive. New York : Holt, Rinehart and Winston. pp. 3, 4, 439.ISBN 978-0-03-089970-6.
  2. Kadolph, Sara J. (1998).Textiles (sa Ingles). Internet Archive. Upper Saddle River, N.J. : Merrill. pp. 4, 5.ISBN 978-0-13-494592-7.
  3. 12"textile | Description & Facts".Encyclopedia Britannica (sa Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-06-11. Nakuha noong2021-08-19.
  4. 1234Elsasser, Virginia Hencken (2005).Textiles : concepts and principles (sa Ingles). Internet Archive. New York, NY : Fairchild Publications. pp. 8, 9, 10.ISBN 978-1-56367-300-9.
  5. Fairchild's dictionary of textiles (sa Ingles). Internet Archive. New York, Fairchild Publications. 1959. pp. 552, 553, 211, 131.{{cite book}}: CS1 maint: others (link)
  6. 12Horrocks, A. R.; Anand, Subhash C. (2000-10-31).Handbook of Technical Textiles (sa Ingles). Elsevier. pp. 1 to 20.ISBN 978-1-85573-896-6.
  7. "Household Textile - an overview | ScienceDirect Topics".www.sciencedirect.com (sa Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-05-19. Nakuha noong2022-05-19.
  8. "Cloth".Merriam-Webster (sa Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-06-06. Nakuha noong2012-05-25.
  9. Smith, Betty F. (1982).Textiles in perspective (sa Ingles). Internet Archive. Englewood Cliffs, N.J. : Prentice-Hall. pp. 3, 10, 17, 49.ISBN 978-0-13-912808-0.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Kayo&oldid=2084444"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp