Ang monumento sa inang wika (ana dili) sa Nakhchivan,Aserbayan
Angkatutubong wika (kilala rin bilanginang wika,unang wika,arteryal na wika, oL1) ay angwika na natutunan ng isang tao mula nang kanyang kapanganakan[1] o sa loob ngpanahong kritikal. Sa ilang bansa, tumutukoy ang terminongkatutubong wika oinang wika sa wika ng isangpangkat-etniko kaysa sa aktuwal na unang wika ng isang indibidwal. Karaniwan, upang maituring bilang inang wika ang isang wika, kailangang taglayin ng isang tao ang ganap na katutubong katatasan dito.[2]
Ang unang wika ng isang bata ay bahagi ng kanyang personal, panlipunan at kultural na pagkakilanlan.[3] Isa pang epekto ng katutubong wika ang pagkakaroon ng pagninilay at pagkatuto ng epektibong mga panlipunang huwaran sa pagkilos at pagsasalita.[kailangang linawin][4] Iminumungkahi ng pananaliksik na bagaman maaaring magkaroon ng kahusayan sa target na wika ang isang di-katutubong nagsasalita matapos ang humigit-kumulang dalawang taon ng paglulubog, maaaring tumagal ng lima hanggang pitong taon bago siya umabot sa parehong antas ng kakayahang gumamit ng wika tulad ng kanyang mga katutubong nagsasalitang kaedad.[5]
Noong ika-17 ng Nobyembre 1999, itinalaga ngUNESCO ang Pebrero 21 bilang Pandaigdigang Araw ng Inang Wika.
Kuwalipikado ang isang tao bilang "katutubong nananalita" ng isang wika kung siya ay ipinanganak at lumaki sa kapaligirang nalulubog sa wika, sa loob ng pamilyang ang mga matatanda ay nakaranas din ng kahalintulad na pagkalubog sa wika.[6] Itinuturing na awtoridad ang mga katutubong nananalita sa kanilang sariling wika dahil sa likas na proseso ng kanilang pagkatuto, kumpara sa pagkatutong naganap lamang sa mas huling yugto ng buhay. Natatamo ito sa pamamagitan ng personal na pakikipag-ugnayan sa wika at sa mga nagsasalita nito. Hindi kinakailangang kabisado ng mga katutubong nananalita ang bawat tuntunin ng balarila ng wika, ngunit nagkakaroon sila ng matibay na "pakiramdam" hinggil sa mga panuntunan batay sa kanilang karanasan sa wika.[6]
Ang katawagang "katutubong wika", sa pangkalahatang paggamit nito, ay itinuturing na hindi tumpak at madaling magkaroon ng iba’t ibang pagpapakahulugan na may pagkiling sa wika, lalo na pagdating sa mga batang bilingguwal mula sa mga etnikong minorya. Maraming iskolar[7] ang nagbigay ng mga kahulugan ng "katutubong wika" batay sa pangkaraniwang paggamit, emosyonal na ugnayan ng isang tao sa wika, at maging sa pangingibabaw nito sa kapaligiran. Gayunpaman, ang lahat ng tatlong pamantayan ay kulang sa katumpakan. Para sa maraming bata na ang sariling wika ay iba sa wika ng kanilang kapaligiran (ang "opisyal" na wika), pinagtatalunan kung alin ang kanilang "katutubong wika".
Batay sa pinagmulan: ang (mga) wikang o diyalektong unang natutunan (ang (mga) wikang o diyalektong kung saan unang naitatag ang pangmatagalang ugnayan sa wika);
Batay sa panloob na pagkakakilanlan: ang (mga) wikang kinikilala ng isa bilang kanyang sinasalita;
Batay sa panlabas na pagkakakilanlan: ang (mga) wikang kinikilala ng iba na kanyang sinasalita;
Batay sa kakayahan: ang (mga) wikang pinakamabisang alam;
Batay sa gamit: ang (mga) wikang pinakamadalas gamitin.
Sa ilang bansa, gaya ngKenya,Indiya,Biyelorusya,Ukranya, at ilang bansa sa Silangang Asya at Gitnang Asya, ang “inang wika” o “katutubong wika” ay tumutukoy sa wika ng isangpangkat etniko sa parehong karaniwang at pamamahayag na gamit (“Hindi ako humihingi ng paumanhin sa hindi pag-aaral ng aking sariling wika”), kaysa sa unang wikang natutunan ng isang tao. SaSingapura, ang “inang wika” ay tumutukoy sa wika ng isangpangkat etniko, anuman ang antas ng kasanayan dito.[8]
↑"IRIS | Page 5: Language Acquisition" [IRIS | Pahina 5: Pagtatamo ng Wika].iris.peabody.vanderbilt.edu (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Setyembre 2022. Nakuha noong20 Setyembre 2022.