1454, bilang Katoliko Romanong Kapilya niSan Erasmo
Lokasyon
Lokasyon
Cölln, isang makasaysayang kapitbahayan ng Berlin, Alemanya
Kamalian ng Lua na sa Module:Location_map na nasa linyang 526: Unable to find the specified location map definition: "Module:Location map/data/Germany Berlin central" does not exist.
Pagtunog ng mga kampanya ng Katedral ng Berlin Berliner Dom
AngKatedral ng Berlin (Aleman:Berliner Dom), na kilala rin bilang, angEbanghelikong Kataas-taasang Parokya at Simbahang Kolehiyal, ay isang monumental na simbahangEbanghelikong Aleman at dinastikonglibingan (Pamilya Hohenzollern) saIsla ng mga Pulo sasentrongBerlin. Dahil sa pinagmulan nito bilang isangkapilya ng kastilyo para saPalasyo ng Berlin, ilang mga estruktura ang nagsilbi upang tahanan ng simbahan mula noong mga 1400. Ang kasalukuyang simbahang kolehiyal ay itinayo mula 1894 hanggang 1905 sa pamamagitan ng utos ng Alemang Emperador na siGuillero II ayon sa mga plano ni Julius Raschdorff sa mga estilong muling pagbubuhayRenasimyento atBaroko. Angnakatalang gusali ay ang pinakamalaking simbahang Protestante saAlemanya[1] at isa sa pinakamahalagang dinastikong libingan saEuropa.[2] Bilang karagdagan sa mgaserbisyo sa simbahan, ang katedral ay ginagamit para sa mgaseremonya ng estado, mgakonsiyerto, at iba pang mga pangyayari.
Mula noong gibain ang seksiyon ngPang-alaalang Simbahan(Denkmalskirche) sa hilagang bahagi ng mga awtoridad ngSilangang Alemanya noong 1975, ang Katedral ng Berlin ay binubuo ng malaking SimbahangPangsermon(Predigtkirche) sa gitna, at ang mas maliit na SimbahangBautismo andMatrimonyo(Tauf- und Traukirche) sa timog na bahagi at angkriptangHohenzollern(Hohenzollerngruft), na sumasaklaw sa halos buong basement. Nasira noongpambobombang Alyado noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang orihinal na interyor ng katedral ay ipinanumbalik noong 2002. Sa kasalukuyan ay mayroong talakayan tungkol sa pagpapanumbalik din ng makasaysayang panlabas.