Angkasalanan, mula sa salitang-ugat nasala, ay ang pagsuway sa utos o batas ng Diyos,[1][2] bagaman maaari ring pagsuway sa atas ng ibang tao o sa lipunan. Katumbas ito ngpagkakamali okamalian,pagkukulang,paglabag,transgresyon,pagkaligaw mula sa tamang landas o daan,paggawa ng masama osumama (naging masama).[1] Kaugnay ng pananampalataya, tulad ng sa Kristiyanismo at Hudaismo, ito ang nagsasanhi ng pagkahiwalay o pagbali sa relasyon o pakikipag-ugnayan sa Diyos. Dating hindi kabahagi ng orihinal na kalikasan ng tao ang kasalanan (angkasalanang orihinal) sapagkat angunang mga tao, katulad ninaAdan at Eba, ay may kakayahang pumili kung magtitiwala at susunod ba sila o hindi sa kautusan ng Diyos. Dahil sa kasalanan, nagkaroon ang mga tao ng katangiang pagkakaroon nglikas na kasalanan kapag ipinanganak sa mundo, isang bagay na nakaaalipin sa kanila, at nagbibigay ng daan patungo sa iba pang mga uri ng paglabag sabatas. Sa pananampalataya pa rin, ipinadala ng Diyos siHesus upang magapi ang kapangyarihan ng kasalanan at tanggalin din ang parusa para rito. Sa pamamagitan ngpagkukumpisal ng mga kasalanan, napapatawad ng Diyos ang mga tao.[2]
SaKatolisismo, mayroong tatlong mga uri ng kasalanan: ang mga kasalanang benyal, ang pitong mga kasalananang nakamamatay at ang pitong mga kasalanan sa lipunan:
Ang mga kasalanang benyal ay mga pagkakasalang maliit o madaling mapatawad[1] sa pamamagitan ng mgasakramental o ng mgasakramento.
Ito ay mapapatawad kung mag babalik loob sa Panginoon at ikumpisal ang mga kasalanan sa Diyos at hindi na muling ulitin ang mga nagawang mali upang maging totoo ang salitang pagbabago(Born Again).
" Forgiveness is the divine miracle of grace. The cost to God was the Cross of Christ. To forgive sin, while remaining a holy God, this price had to be paid. Never accept a view of the fatherhood of God if it blots out the atonement. The revealed truth of God is that without the atonement He cannot forgive— He would contradict His nature if He did. The only way we can be forgiven is by being brought back to God through the atonement of the Cross. God’s forgiveness is possible only in the supernatural realm. "
↑2.02.1The Committee on Bible Translation (1984)."Kasalanan".The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.,Dictionary/Concordance, pahina B11.
↑Salin mula sa Ingles na: 1.Pride, 2.Envy, 3.Gluttony, 4.Lust, 5.Anger, 6.Greed, 7.Sloth
↑Salin mula sa Ingles na: 1."Bioethical" violations such as birth control, 2."Morally dubious" experiments such as stem cell research; 3.Drug abuse, 4.Polluting the environment, 5.Contributing to widening divide between rich and poor, 6.Excessive wealth, 7.Creating poverty