Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Karagatang Pasipiko

Ito ay napiling artikulo. Pindutin dito para sa karagdagang impormasyon.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Karagatang Pasipiko

AngKaragatang Pasipiko (mula sa salitangLatin naMare Pacificum, na ang ibig sabihin aypayapang dagat, na iginawad ng manggagalugad naPortuges na siFernando Magallanes sa korona ngEspanya) ay ang pinakamalaki at pinakamalalim sa limang hatian ngkaragatan sadaigdig. Kinabibilangan ito ng isang katlo ng buong kalatagan ngLupa at may sukat na 165.25 milyon km² (63.8 milyong milya kuwadrado). Umaabot ito ng mga 15,500 km (9,600 mi) mula saDagat Bering saKaragatang Artiko hanggang sa mayelong lugar ngDagat Ross ngAntartika sa timog. May kalaparang silangan-kanluran na mga 5 gradong Hlatitud, nakalatag ito sa mga 19,800 km (12,300 mi) mulaIndonesia hanggang sa baybayin ngColombia. Ang kanlurang hangganan ng karagatan sa kadalasan ay angKipot ng Malaka. Matatagpuan ang pinakamababang dako sa mundo saBambang ng Marianas sa ilalim ng Pasipiko na nasa 10,928 metro (35,853 tal) mababa sa pantay dagat.

Naglalaman ang Karagatang Pasipiko ng mga 25,000pulo (mahigit ito sa kabuuang bilang ng buong pinagsamang mga karagatan sa mundo; silipin:Mga Isla ng Pasipiko). Marami rito ay matatagpuan sa timog ngekwador. Maraming laot ang nasa kanlurang baybayin ng Pasipiko. Pinamalalaki rito angDagat Selebes, Dagat Korales,Dagat Timog Tsina,Dagat Silangang Tsina,Dagat Hapon,Dagat Luzon,Dagat Sulu, Dagat Tasman atDagat Dilaw. Ang Kipot ng Malaka ay sumasama sa Pasipiko at angKaragatang Indiyo sa kanluran at angKipot ng Magallanes ang nagkakabit sa Pasipiko saKaragatang Atlantiko sa silangan. Sa timog, ang Kipot ng Bering ang nagkakabit sa Pasipiko saKaragatang Artiko.

Ang manunuklas naPortuges na siFerdinand Magellan ang nagpangalan sa karagatan dahil sa napansin niyang kalmadong tubig nito at naging mapayapa ang kanyang paglalayag mulaKipot ni Magallanes hanggangPilipinas. Subalit, hindi laging mapaya ang Pasipiko. Maramingbagyo at unos (ohurricane) ang tumatama sa mga pulo nito. Ang mga lupain din sa paligid ng Pasipiko ay puno ng mgabulkan at kadalasang niyayanig nglindol. Dulot naman ng lindol sa ilalim ng tubig angtsunami na nakapagpawasak na ng maraming pulo at nakapagpabura ng maraming bayan nito.

Ang tsunami (daluyong), na dulot ng lindol sa ilalim ng tubig, ay nagdulot ng kapahamakan sa maraming mga pulo na gumunaw sa buong kabayanan.

Mga katangian ng tubig Pasipiko

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Ang temperatura ngtubig sa Pasipiko ay iba-iba mula sa napakalamig sa mga polong (polar) lugar hanggang 29 °C (84 °F) malapit saekwador. Iba-iba rin angkaalatan (salinity) nito. Ang tubig malapit sa ekwador ay may mababang kaalatan kumpara sa gitnang latitud dahil sa madalas na pag-ulan buong taon dito. Mula sa timpladong (temperate) latitud patungo sa mga polo, mababa rin ang kaalatan dahil sa mabagal napagsingaw (evaporation) ng tubig alat sa napakalamig na lugar na ito. Kilala ang Dagat Pasipiko na mas mainit sa Dagat Atlantico.

Sa pangkalahatan, ang ikot ng tubig sa rabaw ng Pasipiko ay kamukha ng ikot ng relo saHilagang Hemispero (ang Gire ng Hilagang Pasipiko) at kamukha ng pakontrang ikot ng relo sa Timog Hemispero. Ang Hilagang Agos Ekwatoryal, na itinutulak pakanluran sa 15°N latitud ngviento alisios (trade winds) ay lumiliko ng pahilaga malapit sa Pilipinas upang maging mainit naAgos Kuroshio o Hapon. Pasilangan sa 45°N, nagsasanga ang Kuroshio kung saan ang iba ay patungo pahilaga bilangAgos Aleutian at kung saan ang karamihan ay patimog upang sumama saHilagang Agos Ekwatoryal. Ang Agos Aleutian ay nagsasanga pagdating nito saHilagang Amerika at bumubuo bilang simunong agos na pakontrang-ikot ng relo sa Laot Bering. Ang timoging galamay nito ay naging malamig at mabagal ng dumadaloy pahilaga bilangAgos California.

Ang Timog Agos Ekwatoryal, na dumadaloy ng kanluran sa ekwador ay umiikot patimog silangan ngNew Guinea, at lumiko pasilangan sa halos 50°S, at sumasama sa kalakhang pakanlurang sirkulasyon ng Timoging Pasipiko na kasama ang umiikot na Sirkumpolong Agos Antartika. Kapag malapit na ito sa pasigan ngChile, nahahati ang Timog Agos Ekwatoryal; ang isa ay dumadaloy malapit saCape Horn at ang isa ay pahilaga upang bumuo ngAgos Humboldt o Peru.

Heolohiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

AngLinya ng Andesita ang pinakakilalang pagkakaibang rehiyonal sa Pasipiko. Naghihiwalay ito sa malalim at basikongbatong igneo (igneous) ng Kalukungan ng Gitnang Pasipiko (Central Pacific Basin) sa bahagyang lubog na lupalop na lugar na may maasim na batong igneo sa mga baybayin nito. Sumusunod ang Linya ng Andesita sa kanlurang gilid ng mga pulo malapit saCalifornia at bumabagtas sa timog ng arko ng Aleutian, sa silangang gilid ngTangway ng Kamchatka (Kamchatka Peninsula), ngKapuluang Kuril saHapon, ngKapuluang Mariana, ngKapuluang Solomon, at ngNew Zealand. Patuloy ang pagkakaiba pahilagang silangan sa kanlurang gilid ng Cordillera ng Albatross saTimog Amerika hanggangMexico at bumabalik sa mga pulo malapit sa California. Ang Indonesia, Pilipinas, Hapon, New Guinea, at New Zealand – na lahat ay pasilangang karugtong ng blokeng lupalop (continental block) ngAustralia atAsya – ay nasa labas ng Linya ng Andesita.

Sa loob ng Linya ng Andesita ang pinakamalalim na trintsera (trench), mga lubog nabulkangbundok, at mga pulong mula sa bulkang dagat na bumubuo sa Kalukungan ng Gitnang Pasipiko. Sa ilalim nito, banayad na bumulwak sa mga bitak ang basaltong lava upang bumuo ng malaking mala-simboryong bulkang bundok kung saan naagnas naman ito upang bumuo ng mga arko, kadena at kalipunan ng mga pulo. Sa labas ng Linya ng Andesita, sumasabog ang bulkanismo. AngBilog na Apoy ng Pasipiko (Pacific Ring of Fire) ay pinakabantog sadaigdig dahil nakapaligid rito ang nakakakilabot na bulkanismo nito.

Mga katangian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
Ang Pasipiko ay napaliligiran ng maraming bulkan at trentserang pangkaragatan

Ang pinakamalaking katihan sa loob ng Dagat Pasipiko ay ang pulo ng New Guinea – na pangalawa sa mundo. Halos lahat ng maliliit ng mga pulo ng Pasipiko ay nasa pagitan ng 30°N at 30°S, na mulaTimog-silangang Asya hanggang saPulo ng Paskuwa (Easter Island); halos lahat ng mga pulo sa Kalukungang Pasipiko ay nakalubog.

Ang bantog na tatsulok (triangle) ngPolynesia na nagdudugtong saHawaii, Pulo ng Paskuwa at New Zealand ay napalolooban at lumalagom sa kulumpon ng mga maliliit napulo ng Cook,Marquesas,Samoa, Society,Tokelau,Tonga,Tuamotu,Tuvalu, atWallis at Futuna.

Mula sa hilaga ng ekwador at kanluran ngInternational Date Line, maraming maliliit na pulo ngMicronesia ang kasama rito: ang mga pulo ng Caroline, Marshall, at Mariana.

Sa timog kanluran sulok ng Pasipiko, narito ang mga pulo ngMelanesia na pinangungunahan ng New Guinea. Ang iba pang mahahalagang kapuluan ng Melanesia ay ang mga kapuluan ngBismarck,Fiji,New Caledonia,Solomon, atVanuatu.

May apat na uri ang mga pulo sa Dagat Pasipiko: pulong lupalop (continental island), pulong mataas (high island), pulong korales (corral island), at itinaas na plataporma ng korales (raised corral platform). Ang mga pulong lupalop ay nasa labas ng Linya ng Andesita at kasama rito ang New Guinea, ang mga pulo ng New Zealand at ang Pilipinas. Ang mga pulong ito ay mga karugtong ng kalapit na lupalop. Ang mga pulong mataas ay galing sa bulkan at marami ay aktibo pa.. Kilala rito ang Buganbilya, Hawaii at Solomon.

Ang ika-tatlo at ika-apat na uri ng pulo ay mula sa resulta ng paglaki ng mga korales. Ang mgagubat korales (coral reefs) ay mababang estruktura ng nabuo sa ibabaw ng basaltikong agos ng lava sa ilalim ng rabaw ng karagatan. Isa sa pinakamalaki ay ang Great Barrier Reef sa hilagang silangan ng Australia. Ang ikalawang uri ng pulo ay mula sa itinaas na plataporma ng korales na karaniwan ay malaki ng kaunti sa mga mababang pulo mula sa korales. Halimbawa rito ay ang Banaba (dating Ocean Island) at Makatea sa grupo ng Tuamotu ng Frances na Polynesia.

Kasaysayan at ekonomiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Maraming mahahalagang pandarayuhan ang nangyari sa Pasipiko noong pa mang panahong pre-historiko bantog rito ang mga lumadPolynesian na nagmula sa gilid ng Asya (nanggaling sa isang rehiyong na may mga pulo at may mga lumad na nagsalita ang mga wika na bilang pamiliyang-wikangAustronesian, na sakop ang mga bansangTaiwan,Pilipinas,Indonesia atMalaysia) na dumayo saTonga atSamoa, at nagpatuloy sa Hawaii,Tahiti atNew Zealand.

Unang nasilayan ng mgaEuropeo ang Pasipiko noong ika-16 na siglo. Una rito siVasco Núñez de Balboa (1513) at sinundan ni Fernando Magallanes na tumawid ng Pasipiko sa kanyang paglilibot-mundo (1519-1522). Noong 1564, ang mga conquistadores ay tumawid ng dagat mulaMexico na pinamumunuan niMiguel López de Legazpi na naglayag sa Pilipinas at kapuluan ng Marianas. Nangingibabaw ang impluwensiya ng Espanya noong natitirang siglo 16 sa Pasipiko sa mga barkong naglalayag mula Espanya patungong Pilipinas, New Guinea at kapuluan ng Solomon. AngGaleon de Manila ang naging tulay sa pagitan ngMaynila atAcapulco.

Noong ika-17 siglo, ang mgaHolandes na naglayag mula sa timogAprika ay nangibabaw sa pagtuklas at kalakal; natuklasan niAbel Janszoon Tasman angTasmania at New Zealand (1642). Noong siglo 18 nagsimula ang eksplorasyon ng mgaRuso saAlaska at kapuluan ng Aleutian, ang mgaPranses saPolynesia, at ang mga Britanyo sa tatlong paglalayag niJames Cook (sa Timog Pasipiko at Australia, Hawaii, at Hilagang Kanlurang Pasipiko sa Hilagang Amerika).

Ang pagsibol ngimperyalismo noong siglo 19 ay nagbunga ng pagsakop ng halos buong Oceania ngGran Britanya atPransiya, sinundan ito ngEstados Unidos. Malaking abuloy sa kaalamang pangkaragatan ang ginawa sa mga paglalayag ngHMS Beagle noong mga taong 1830 na sinakyan niCharles Darwin; ngHMS Challenger noong 1870s; ng USS Tuscarora (1873-76); at ng Alemang Gazelle (1874-1876). Kahit nasakop ng Estados Unidos ang Pilipinas noong 1989, sakop ng Hapon ang kanlurang Pasipiko noong 1914 at sinakop pa nito ang marami pang pulo noongIkalawang Digmaang Pandaigdig. Nang matapos ang digmaan, ang U.S. Pacific Fleet (Boke Pasipiko ng E.U.) ang naging panginoon ng karagatan ng Pasipiko.

Labing pitong bansa ang nasa Pasipiko:Australia,Fiji,Hapon,Kiribati,Mga Pulo ng Marshall,Micronesia,Nauru,New Zealand,Palau,Papua New Guinea,Pilipinas,Samoa,Mga Pulo ng Solomon, Republika ng Tsina (Taiwan),Tonga,Tuvalu, atVanuatu. Labing isa rito ay naging bansa mula pa noong 1960. Ang kapuluan ng Hilagang Marianas (Northern Marianas) ay may pamahalaan ngunit ang mga panglabas na ugnayan nito ay hawak ng Estados Unidos, ang mga pulo ng Cook atNiue ay may kaparehong relasyon sa New Zealand. Sa loob ng Pasipiko ay ang estado ng E.U. ng Hawaii at marami pang teritoryo at pag-aaring mga pulo ng Australia, Chile,Ecuador, France, Hapon, New Zealand,United Kingdom, atEstados Unidos.

Ang paglilinang sa yamang mineral ng Pasipiko ay nahahadlangan dahil sa lubhang kalaliman ng karagatan nito. Sa mga mababaw na tubigan sa gilid nglupalop at pasigan ng Australia at New Zealand, minimina ang petrolyo at natural gas, ang mga mutya (perlas) ay inaani sa pasigan ng Australia, Hapon, Papua New Guinea, Nicaragua, Panama, at Pilipinas. Ang pinakamalaking yaman ng Pasipiko ay ang kanyang isda. Ang mga tubig sa baybayin ng mga lupalop at mga templadong pulo ay nagbibigay ng mgaisda tuladtunsoy,salmon,sardinas, gruper (kulapu),espada attuna gayun din ng mgamay talukap na hayop-dagat (shellfish) tulad nghipon,sugpo,alimango atulang.

Noong 1986, ang mga kasaping bansa ngSouth Pacific Forum ay nagdeklara na sonang libre sa nukleyar ang Pasipiko upang matigil ang mga pagsusubok ngbomba nukleyar at mapigilan ang pagtatapon ngbasurang nukleyar doon.

Mga piling pwerto at daungan

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Bibliograpiya

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Lahat sa Wikang Ingles:

  • Barkley, R.A.,Oceanographic Atlas of the Pacific Ocean (1969)
  • Cameron, I.,Lost Paradise (1987)
  • Couper, A.,Development in the Pacific Islands (1988)
  • Crump, D.J., ed.,Blue Horizons (1980)
  • Gilbert, John,Charting the Vast Pacific (1971)
  • Lower, J. Arthur,Ocean of Destiny: A Concise History of the North Pacific, 1500-1978 (1978)
  • Oliver, D.L.,The Pacific Islands, 3nd ed. (1989)
  • Ridgell, R.,Pacific Nations and Territories, 2nd ed. (1988)
  • Soule, Gardner,The Greatest Depths (1970)
  • Spate, O.H.,Paradise Found and Lost (1988)
  • Terrell, J.E.,Prehistory in the Pacific Islands (1986).
  • Pacific Voyages: The Encyclopedia of Discovery and Exploration (1973). Doubleday
Batay sa teksto na public domain mula sa US Naval Oceanographer

Mga panlabas na link

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Lahat sa Wikang Ingles:


Karagatan
Dagat
Kipot
Golpo



Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Karagatang_Pasipiko&oldid=2183977"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp