Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Kapisanan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Iminumungkahi na ang artikulo ay hatiin sa mga artikulo na pinamagatangKapisananatGremyo, na matutunghayan sapahina ng paglilinaw. (Pag-usapan)

Angkapisanan (Ingles:guild) ay isang uri ngsamahan, samahang-damayan, o unyon[1] ay maaaring tumukoy bilang isang nilikha ng isip na entidad na kumakatawan sa isang organisasyon na nakasulat sa malalaking mga titik na nakarehistro sa pamahalaan upang umiral na makipagkalakalan sa mundo ng komersiyo, katulad ng isangkorporasyon,pundasyon, opanaligan (trust kung tawagin sa Ingles), na isang tao, subalit hindi isang indibidwal. Maaari rin itong tawagin o katumbas ngasosasyon opamayanan na tinatawag sa Ingles bilang isangsociety,club, oassemblage, sa diwa ng pagiging isang samahan, kapisanan, o katawan na binubuo ng mga kasapi.[2]

Sa iba pa nitong kahulugan, angguild ay isang asosasyon ng mgaartisano o mga na kumokontrol sa pagsasagawa ng kanilang kagalingan o kasanayan habang nasa loob ng isang bayan. Ang pinakamaaagang mga uri ngguild ay nabuo bilang mgakonpraternidad (isang uri ng kapatiran) ng mga manggagawa. Nakaorganisa ang mga ito sa isang paraan na nasa pagitan ng diwa ng pagiging isangkaisahang pangkalakalan, isangkartel, at isangsamahang lihim. Madalas na nakadepende ang mga ito sa mga kaloob ng mgapatente ng mga liham (isang uri ng kasulatan) na isinulat ng isang monarka o ibang mayroong kapangyarihan upang maisakatuparan ang daloy ng kalakal sa kanilang mga kasaping nagtatrabaho sa pamamagitan ng sariling sikap (hindi nagtatrabaho para sa ibang mga tao), upang mapanatili ang pagiging may-ari ng mga kasangkapan at tinutustos na mga materyal. Ang isang nagtatagal na pamana ng tradisyunal na mgaguild ay angbulwagang pangkapisanan na itinayo at ginamit bilang mga lugar ng mga pulong.

Ang isang mahalagang resulta ng balangkas ngguild ay ang paglitaw ng mgapamantasan saBologna,Paris, atOxford noong humigit-kumulang sa taon ng 1200: nagsimula ang mga ito bilang mga kapisanan ng mga estudyante na noon ay nasa Bologna, o bilang mga maestro (mgamaster) na noong ay nasa Paris.[3]

Maaari ring ilarawan ang isangguild bilang isangasosasyong boluntaryo ng mgamanggagawang may kasanayan (mgacraftsman ocraftspeople) o may kabihasaan sa isang uri ng larangan. Nagmula sila sa Europa at ipinanganak noong ika-11 daantaon. Ang mga ito ay ilang mga tao na mayroong magkakatulad na kasanayan, kagalingan, o negosyo at bumuo ng isangguild o kapisanan. Sa ganitong paraan, mas madali para sa kanila na itaguyod ang kanilang mga layunin o mga hangarin, halimbawa na ang sa larangan ng politika. Maaaring matyagan sila ng ibang mga tao na gumagawa ng kaparehong hanapbuhay upang matiyak na hindi nila dinaraya ang sinumang mga kostumer o parokyano. Ang pinaka maaagang mga kapisanan ay maaaring nabuo saIndia noong humigit-kumulang sa 3800 BK. Ang pagiging miyembro sa isang kapisanan ay naging isang pribilehiyo, na dapat na makamtan.

Naging karaniwan ang mga kapisanang ganito sa mgalungsod noong panahon ngGitnang Kapanahunan. Pagkalipas niyan, bumaba ang antas ng impluwensiya ng mga kapisanang ito noong humigit-kumulang mula sa dekada ng 1700 hanggang sa dekada ng 1800. Malakas ang naging pagtanggi ninaJean-Jacques Rousseau atAdam Smith sa ideya ng pagkakaroon ng mgaguild, sapagkat naniniwala sila na ang mga kapisanang ganito ay nakakasagabal at nakakapigil ng kaunlarang pang-ekonomiya at malayang kalakalan.

Tingnan din

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. guildNaka-arkibo 2016-03-05 saWayback Machine., lingvozone.com
  2. guild[patay na link], bansa.org
  3. Hastings Rashdall,The Universities of Europe in the Middle Ages: Salerno. Bologna. Paris (1895) p. 150edisyongonline
May kaugnay na midya tungkol saCoats of arms of Guilds ang Wikimedia Commons.
May kaugnay na midya tungkol saGuild house ang Wikimedia Commons.
Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Kapisanan&oldid=2180486"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp