Angpalay ay isangbinutil at, sadomestikadong anyo nito, ang pangunahingpinagkukunan ng pagkain ng mahigit sa kalahati ng populasyon ng mundo, lalo na saAsya atAprika. Tinatawag itong palay kapag tumutukoy sa halaman at hindi pa nakiskis,bigas kapag nakiskis na, atkanin kapag naluto na at naging pagkain.
Ang palay ay binhi ng espesyengdamo,Oryza sativa (Asyanong palay)—o, mas di-karaniwan,O. glaberrima (Aprikanong palay). Dinomestika ang Asyanong palay saTsina 13,500 hanggang 8,200 taon na ang nakalipas; dinomestika ang Aprikanong palay sa Aprika 3,000 taon na ang nakalipas. Naging karaniwan ang palay sa maraming kultura sa buong mundo; noong 2021, 787 milyong tonelada ng bigas ang naiprodyus, ikaapat pagkatapos ngtubo,mais, attrigo. Halos 8% ng bigas lamang ang ikinakalakal sa mga iba't ibang bansa. Tsina, Indiya, at Indonesya ang mga pinakamalaking konsyumer ng bigas. Malaking bahagi ng bigas na naipoprodyus sa mga umuunlad na bansa ang nasasayang matapos anihin dahil sa mga salik tulad ng di-maayos na transportasyon at pag-iimbak. Maaaring mabawasan ang ani ng palay dahil sa mga peste kagaya ng mgainsekto,daga, atibon, pati na rin mgapanirang-damo, at dahil sa mga sakit tulad ng mata-mata. Sinisikap ng mga tradisyonal na polikultura ng palay tulad ng sabayang pagsasaka ng bigas at pato at modernong integradong pagsugpo ng peste na kontrolin ang pinsala mula sa mga peste sa likas-kayang paraan.
Tulad ng lahat ng mga pananim, nakasalalay ang paglaki ng palay sa mga biyotiko at abiyotikong salik sa kapaligiran. Kabilang sa mga pangunahing biyotikong salik ang pagkasari-sari ng pananim, mga peste, at sakit sa halaman. Kabilang sa mga abiyotikong salik ang uri ng lupa, kung kapatagan man o talampas ang pinagatataniman, dami ng tubig-ulan o tubig-irigasyon, temperatura, haba ng araw, at tindi ng sikat-araw.[1]
Maaaring itanim nang deretso ang punla sa bukid na magiging palayan na tinatawag na sabog-tanim, o maaaring patubuin ang punla sa punlaan at ililipat sa palayan na tinatawag na lipat-tanim. Kailangan ng halos 60 hanggang 80 kg ng butil kada ektarya ang sabog-tanim, habang mas kaunti ang kailangan sa lipat-tanim, mga 40 kg kada ektarya, ngunit mas matrabaho ito.[2] Sa Asya, inililipat-tanim sa kamay ang karamihan ng palay. Mas kaunting oras ang ginugugol sa de-makinang paglilipat-tanim ngunit kailangang paghandaan ang pagtatanimang lupa at kailangang kumasya ang mga punlang nakalagay sa punlaan sa makina.[3] Hindi nabubuhay ang palay kapag nakalubog nang patuloy-tuloy.[4]
De-kalabaw na pag-aararo ng hagdan-hagdang palayan saJava
Sa Asya, ang palay ay isang tradisyonal na produktong nagmumula sa maliit na pagsasaka na gumagamit ng manu-manong paraan ng pag-aani. Gumagamit ang mga mas malalaking sakahan ng mga makina tulad ng mgacombine harvester upang mabawasan ang manwal na paggawa.[5] Handa nang anihin ang butil kapag 20–25% ang kahalumigmigan nito. Kabilang sa proseso ng pag-aani ang paggagapas, pagsasalansan ng mga nahiwang tangkay, paggigiik upang maihiwalay ang butil, at paglilinis sa pagtatahip o pagsasala.[6] Agad-agad na pinapatuyo ang mga butil ng bigas upang maibaba ang kahalumigmigan sa ligtas na antas at maiwasan ang pagbuo ng amag. Nakadepende ang tradisyonal na pagpapatuyo sa init ng araw, kung saan inilalatag ang mga butil sa mga sapin o sa semento.[7]
Ang mga nakakaing espesye ng palay ay miyembro ng kladong BOP sa pamilya ng damo,Poaceae. Magkapatid ang subpamilya ng mga palay, Oryzoideae, kawayan, mga Bambusoideae, at mga siryal, Pooideae. Isa ang sari ng palay,Oryza, sa labing-isa na nasa Oryzeae; magkapatid ito at ang Phyllorachideae. Kabilang ang mga nakakaing espesye ng palay,O. sativa atO. glaberrima sa halos 300 espesye o subespesye sa sari.[8]
Bahorelyebe ngBorobudur noong ika-9 siglo sa Indonesya na naglalarawan ng bangan at palayan na pinamumugran ng daga.
Unang dinomestika ang palay naOryza sativa sa Tsina 9,000 ang nakalipas,[9] ng mga taongNeolitiko mula sa Mataas and Mababang Yangtze, na may kaugnayan sa mga nagsasalita ng Hmong-Mien at mga pre-Austronesyo, ayon sa pagkabanggit.[10][11][12][13] Magkapareho saindica atjaponica angalelong punsiyonal para sanonshattering, ang kritikal na sukatan ng domestikasyon sa mga binutil, pati na rin ang limang iba pangisang-nukleotidong polimorpismo. Nagpapahiwatig ito ng solong pagdodomestika ngO. sativa.[14] Kapwa nagmula angindica atjaponica, dalawang anyo ng Asyanong palay, mula sa iisang pagdodomestika mula saOryza rufipogon, isang ligaw na palay.[15][14] Sa kabila ng ebidensiyang ito, mukhang lumitaw angindica nang dumating angjaponica sa Indiya mga 4,500 taon ang nakalipas at naghibrido sa isa pang uri ng palay, proto-indica man na hindi domestikado o ligaw naO. nivara.[16]
Ipinakilala ang palay sa mga kulturang Sino-Tibetano sa hilagang Tsina mga 6,000 hanggang 5,600 taon ang nakalipas,[17][18][11] at sa tangway ngKorea atHapon mga 5,500 hanggang 3,200 taon ang nakalipas.[19][20] Dinala rin ito saTaiwan ng kulturang Dapenkeng mga 5,500 hanggang 4,000 taon ang nakalipas, bago ito kumalat patimog sa pagdarayo ng mga Austronesyo papunta saMaritimong Timog-silangang Asya,Madagaskar, atGuam, ngunit hindi umabot sa mga iba pang bahagi ng Pasipiko.[10][21][22] Dumating ito sa mga nagsasalita ng mga wikangAustroasyatiko at Kra-Dai saKalupaang Timog-silangang Asya at timog Tsina 5,000 taon ang nakalipas.[10][23]
Paglilinang, migrasyon at kalakalan ang nagpalaganap ng palay sa buong mundo, at kalaunang nakarating sa Kaamerikahan bilang bahagi ngPalitang Kolumbiyano pagkatapos ng 1492.[24] Dinomestika nang hiwalay angOryza glaberrima (Aprikanong palay), na ngayon ay di-gaanong karaniwan, sa Aprika mga 3,000 taon ang nakalipas,[24] at ipinakilala sa Kaamerikahan ng mga Kastila.[25]
Noong 2021, 787 milyong tonelada ang naiprodyus na bigas ng buong mundo, pinangunahan ng Tsina at Indiya na kapag ipinagsama ay bumubuo sa 52% ng kabuuan.[26] Ikaapat ang naging puwesto nito sa talaan ng mga pananim ayon sa produksiyon, pagkatapos ngtubo,mais, attrigo.[27]Banglades,Indonesya atBiyetnam ang mga ibang pangunahing prodyuser.[27] Nasa Asya ang 90% ng produksiyon ng mundo.[28]
Isang pangunahing isteypol ang bigas sa Asya, Amerikang Latino, at ilang bahagi ng Aprika,[29] na nagpapakain sa higit sa kalahati ng populasyon ng mundo.[28] Subalit maaaring masayang ang malaki-laking bahagi ng pananim matapos anihin dahil sa di-episyenteng transportasyon, pag-iimbak, at paggiling. Sangkapat ng ani sa Niherya ang nasasayang pagktapos ng pag-aani. Kabilang sa mga pagkasayang sa pag-iimbak ang pinsala dahil saamag kung kulang ang pagpapatuyo sa bigas. Sa Tsina, 0.2% lamang ang nasasayang sa mga modernong metal na silo, kumpara sa 7-13% kapag inimbak ang bigas sa mga kabahayan sa kanayunan.[30]
Mas maliit ang mga numero ng kalakalan sa mundo kumpara sa mga numero ng produksiyon, dahil 8% lamang ng naprodyus na bigas ang ikinakalakal sa mga ibang bansa. Ang Tsina, isang tagaluwas ng bigas noong simula ng d. 2000, ay naging ang pinakamalaking mang-aangkat ng bigas pagsapit ng 2013.[31] Nangunguna ang mga bansang umuunlad sa pandaigdigang pangangalakal ng bigas; pagsapit ng 2012, naging pinakamalaking tagaluwas ng bigas ang Indiya, na sinundan ng Taylandiya at Biyetnam bilang mga iba pang pinakamalaking tagaluwas.[32]
Pagsapit ng 2016, ang mga bansa na nagkonsumo ng pinakamaraming bigas ay Tsina (29% ng kabuuan), Indiya, at Indonesya.[33] Noong 2020, nakuha ng Banglades ang ikatlong puwesto mula sa Indonesya. Sa taunang aberahe mula 2020-23, nagkonsumo ang Tsina ng 154 milyong tonelada ng bigas, nagkonsumo ang Indiya ng 109 milyong tonelada, at kapwa nagkonsumo ang Banglades at Indonesya ng halos 36 milyong tonelada. Sa buong mundo, bumaba ang pagkonsumo ng bigas kada tao sa ika-21 siglo dahil mas kaunti ang nakaing binutil at mas maraming nakaing karne ang mga tao sa Asya at iba pang lugar. Isang eksepsiyon ang Subsaharyanang Aprika, kung saan kapwa pataas ang pagkonsumo ng bigas kada tao at populasyon.[34]
Isang atangya orice ear bug (Leptocorisa oratorius)
Maaaring mabawasan ang maaaning palay dahil sa paglago ng mga panirang-damo, at sa mga samu't saring peste kabilang ang mga insekto,nematodo, daga,kuhol, at ibon.[35] Kabilang sa mga pangunahing peste sa palay ang mga harabas, atangya, mamumulpol, kamaru,kuliglig,tipaklong, at ngusong-kabayo.[36] Maaaring palalain ng pagkasobrang paglalagay ngpatabang nitrohino ang pagsalot ng mga dapulak.[37]
Palay na may kulugo mula sa Tagbong Pili,Camarines Sur
Ang mata-mata orice blast na dala ngMagnaporthe grisea, isanghalamang-singaw, ay ang pinakamalubhang sakit sa pagtatanim ng palay.[38] Ito atbacterial leaf streak (dulot ngXanthomonas oryzae pv.oryzae) ang dalawa sa pinakamalalang sakit sa palay sa buong mundo; kabilang ang dalawa sa sampung pinakapabigat na sakit sa lahat ng mga inaaning pananim.[39]
Nagdedebelop ang mga siyentipiko sa proteksiyon ng pananim ng mga likas-kayang pamamaraan sa pagsugpo ng mga peste ng palay.[40] Nakabatay ang likas-kayang pagsugpo ng mga peste sa apat na prinsipyo: biyodibersidad, resistensiya ng pananim, ekolohiya ng paligid, at herakiya ng kapaligiran—mula biyolohikal hanggang panlipunan.[41] Kadalasang di-kailangan ang pestisidyong nilalagay ng mga magsasaka.[42] Sa katunayan, maaaring udyukin ng mga pestisidyo ang pagdagsa ng mga peste tulad ng kayumangging ngusong-kabayo, kapwa sa pagpapatay sa mga insektong kapaki-pakinabang at sa pagpapatulong sa pagpaparami ng peste.[43] Ipinakita ngPandaigdigang Surian sa Pananaliksik sa Palay (IRRI) noong 1993 na maaaring humantong ang 87.5% pagbawas sa paggamit ng pestisidyo sa isang pangkalahatang pagbaba sa bilang ng mga peste.[44]
Pinapastol ng isang magsasaka ang kanyang mga itik sa palayan,Gitnang Java
Kinasanayan ng mga magsasaka sa Tsina, Indonesya at Pilipinas ang pagsugpo ng mga panirang-damo at peste sa pamamagitan ng polikultural na gawain ng pag-aalaga ng mga pato at minsan, isda, sa kanilang palayan. Kabilang sa mga benepisyo ang sumusunod: nadaragdagan ang mahahalagang pananim, kinakain ang mga maliliit na peste, pinapataba ang palay, at kung pato ang pinag-uusapan, kinokontrol ang mga panirang-damo.[45][46]
Nagpoprodyus ang mga palay ng sariling panlabang kemikal upang maprotektahan ang kanilang sarili mula sa mga peste. Pinapataas ng ilang sintetikong kemikal, tulad ng herbisidang 2,4-D, ang produksiyon ng halaman ng ilang mga panlabang kemikal at sa gayon pinapataas ang resistensiya ng halaman laban sa ilang uri ng mga peste.[47] Sa kabaligtaran naman, nag-uudyok ang ibang mga kemikal, tulad ngimidacloprid, isang pamatay-insekto, ng mga pagbabago sa ekspresiyon ng heno, at sa ganoon, nagiging mas madaling tablan ang halaman sa ilang uri ng peste.[48]
Nakalikha ang mga manlalahi ng halaman ng mga kultibar ng palay na may resistensiya laban sa mga iba't ibang pesteng insekto. Nalimitahan ang kombensiyonal na pagpapalahi ng mga baryanteng di-tinatablan ng mga hamon tulad ng pagpapalaki ng mga pesteng insekto para sa pagsusuri, at ang pagkasari-sari at patuloy na ebolusyon ng mga peste. Hinahanap ang mga henong panresistensiya mula sa mga ligaw na uri ng palay, at ginagamit din ang mga pamamaraan ng henetikong inhinyeriya.[49]
↑Carson, Mike T. (2012)."An overview of latte period archaeology" [Pangkalahatang-ideya ng arkeolohiya ng panahong latte](PDF).Micronesica (sa wikang Ingles).42 (1/2): 1–79.Inarkibo(PDF) mula sa orihinal noong Abril 12, 2019. Nakuha noongEnero 25, 2019.
↑"Global rice consumption continues to grow" [Tumataas pa rin ang pandaigdigang pagkonsumo ng bigas] (sa wikang Ingles). Grain Central. Marso 26, 2018. Nakuha noongDisyembre 5, 2023.
↑Liu, Wende; Liu, Jinling; Triplett, Lindsay; Leach, Jan E.; Wang, Guo-Liang (August 4, 2014). "Novel Insights into Rice Innate Immunity Against Bacterial and Fungal Pathogens" [Naiibang Pananaw sa Likas na Imyunidad Laban sa Mga Patohenong Bakterya at Halamang-Singaw].Annual Review of Phytopathology (sa wikang Ingles).52 (1): 213–241.doi:10.1146/annurev-phyto-102313-045926.ISSN0066-4286.PMID24906128.
↑Jahn, Gary C.; Khiev. B.; Pol, C.; Chhorn, N.; Pheng, S.; Preap, V. (2001). "Developing sustainable pest management for rice in Cambodia". Sa Suthipradit S.; Kuntha C.; Lorlowhakarn, S.; Rakngan, J. (mga pat.).Sustainable Agriculture: Possibility and Direction [Likas-Kayang Agrikultura: Posibilidad at Direksiyon] (sa wikang Ingles). Bangkok (Thailand): National Science and Technology Development Agency. pp. 243–258.
↑Savary, S.; Horgan, F.; Willocquet, L.; Heong (2012). "A review of principles for sustainable pest management in rice" [Isang pagsusuri ng mga prinsipyo ng likas-kayang pagsugpo ng peste sa palay].Crop Protection (sa wikang Ingles).32: 54.Bibcode:2012CrPro..32...54S.doi:10.1016/j.cropro.2011.10.012.
↑Wu, Jincai; Ge, Linquan; Liu, Fang; Song, Qisheng; Stanley, David (Enero 7, 2020). "Pesticide-Induced Planthopper Population Resurgence in Rice Cropping Systems" [Paglaki ng Populasyon ng Ngusong-kabayo sa Mga Palayan Dahil sa Pestisidyo].Annual Review of Entomology (sa wikang Ingles).65 (1): 409–429.doi:10.1146/annurev-ento-011019-025215.ISSN0066-4170.PMID31610135.S2CID204702698.
↑Bezemer, Marjolein (Oktubre 23, 2022)."Mixed farming increases rice yield" [Tumataas ang ani dahil sa pinaghalong pagsasaka].reNature Foundation (sa wikang Ingles).Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 11, 2019. Nakuha noongEnero 2, 2024.
↑Cagauan, A. G.; Branckaert, R. D.; Van Hove, C. (2000)."Integrating fish and azolla into rice-duck farming in Asia" [Pag-iintegrado ng mga isda at azolla sa pagsasaka ng palay at pato sa Asya](PDF).Naga (ICLARM Quarterly) (sa wikang Ingles).23 (1): 4–10. Inarkibo mula saorihinal(PDF) noong 2024-03-14. Nakuha noong2024-06-23.
↑Xin, Zhaojun; Yu, Zhaonan; Erb, Matthias; Turlings, Ted C. J.; Wang, Baohui; atbp. (Abril 2012). "The broad-leaf herbicide 2,4-dichlorophenoxyacetic acid turns rice into a living trap for a major insect pest and a parasitic wasp".The New Phytologist.194 (2): 498–510.doi:10.1111/j.1469-8137.2012.04057.x.PMID22313362.
↑Makkar, Gurpreet Singh; Bhatia, Dharminder; Suri, K.S.; Kaur, Simranjeet (2019). "Insect resistance in Rice (Oryza sativa L.): overview on current breeding interventions" [Resistensiya ng Palay (Oryza sativa L.) laban sa insekto: buod sa kasalukuyang mga interbensiyon sa pagpapalahi].International Journal of Tropical Insect Science (sa wikang Ingles).39 (4): 259–272.doi:10.1007/s42690-019-00038-1.ISSN1742-7592.S2CID202011174.