AngCanada ay bansa saHilagang Amerika, ang pinakahilaga sa buong mundo, at ang pangalawang pinakamalaki sa sukat, kasunod ngRusya at mga 58.4% nang kalawakan ng Rusya o mga 26.4 beses nang kalakihan ng Hapon.Ang Canada ay naging tirahan ng mga Aborihinal bago dumating ang mga Briton at Pranses noong ika-15 siglo. Pagkatapos ng Digmaan ng Pitong Taon ang Prasya ang isinuko halos lahat ngmga kolonya nila sa Hilagang Amerika.
Ang mga opisyal na wika ng Canada ayIngles atPranses. Sa teritoryo ng Nunavut, naging opisyal din angInuit (Inuktitut atInuinnaqtun), bukod sa Ingles at Pranses. Mahigit nang 630 ang bilang ng mga opisyal na gobyerno o banda ng mga Aborihinal na di Inuit o di Métis (Mestiso nila).
Sa kabuuan, nakakalat ang populasyon ng Canada sa ilang mga pook. Ang karamihan ng lupa ng Canada ay puno ng kagubatan at tundra. Higit sa 80% ng populasyon ng Canada aynakatira sa mga siyudad, at 70% ay nakatira sa loob ng 100 kilometro mula sa border sa timog. Nag-iiba angklima ng Canada ayon sa lugar, mula sa klimang Artiko sa hilaga, hanggang sa mainit na tag-araw sa timog na may apat na pana-panahon.
Aborihinal na Nuu-chah-nulth sa kanluran ng Canada
Ang salitang "Canada" ay nagmula sa salitang iroquois na "kanata." Ang "k" ay sinasabi na parang "g" at ang "t" ay parang "d." Ang ibig sabihin nito aynayon[8]. Sa 1535, ginagamit ng mga nakatira dito kay Jacques Cartier ang "kanata" upang madirekta siya sa Stadacona[9]. Sa ganito, ginamit ni Cartier ang itong salita para tukuyin ang lupang inaari ni Chief Donnacona. Sampung taon ang nakalipas, ginamit ng mga librong taga-Europa para tukuyin ang lugar na ito sa tabi ng Ilog Saint Lawrence.
Mula sa ika-16 siglo hanggang sa ika-18 siglo, ginagamit ang "Canada" para tukuyin ang lupang nasa tabi ng Ilog Saint Lawrence at nasa kapangyarihan ng New France. Sa 1791, hinati ang lugar sa "Upper Canada" at sa "Lower Canada," sama-samang tinatawag na "the Canadas" hanggang sa kanilang pagkakaisa sa "Province of Canada." Sa Confederation ng ilang mga probinsya sa 1867, angCanada ay ginawa bilang ligal na pangalan ng bagong bansa sa London Conference. Sa 1950s, tinigil nang gamitin ang "Dominion of Canada "ng United Kingdom bilang pangalang opisyal ng bansang ito. Sa 1982, sa dahilan ng Canada Act kung saan naging bansang independente ang Canada, ang buong pangalan ng Canada ay angCanada lang. Nawala na ang 'dominion'.
SiJustin Trudeau ang kasalukuyang Punong Ministro ng Canada mula 2015.
Ang Canada ay nasa uri ng monarkiyang konstitusyunal na ang pinuno ng estado ay siHaring Charles III, at parlyamentaryong demokrasya na may sistemang federal ng pamahalaang parlyamentaryo at may matibay na tradisyongdemokratiko.
Ang posisyong ngPunong ministro, ay ang pinuno ng pamahalaan ng Canada, na nanggagaling sa nagungunang partido pampolitika na kayang makakuha ng tiwala sa karamihan ngKapulungan ng mga Pangkaraniwan ng Canada. Ang Punong ministro at ang kanilang Gabinete ay pormal na itinatalaga ngGobernador Heneral ng Canada (na kinatawan ng Canada kay Charles III. Kapag ang Punong ministro ay pumili ng gabinete, at ng kumbensiyon, ang Gobernador Heneral ay irerespeto ang mga napili ng Punong ministro. Ang gabinete ay nakasanayang kunin sa mga kasapi ng partido kung saan galing ang Punong ministro kahit saan salehislatura, at kadalasan ay sa Kapulungan ng mga PangKaraniwan. ang kapangyarihang Ehekutibo ay pinaiiral ng Punong ministro at ng Gabinete, at lahat sila ay manunumpa sa pribadong konseho ng Reyna para sa Canada, at magiging Ministro ng Korona. Ang Punong ministro ay may malawak ng kapangyarihang pampolitika, lalong lalo na sa pagtatalaga ng mga opisyal ng pamahalaan at ng paglilingkod sibil.
Angparlyamentaryong federal ay binubuo ng Reyna at ng dalawang bahay: ang mga nahalal na Bahay ng mga Pangaraniwan at ng naitalagangSenado. Bawat kasapi ng Bahay ng mga Pankaraniwan ay inihahalal sa simpleng paramihan ng boto sadistritong elektoral; ang pangkalahatang halalan ay pinapatawag ng Gobernador Heneral kung kailan ito ipapayo ng Punong ministro. Dahil walang minimum na termino para sa parlyamento, dapat magkaroon ng bagong halalan sa loob ng apat na taon ng huling pangkalahatang halalan. Ang mga kasapi ng Senado, na ang mga puwesto ay itinalaga sa baseng rehiyonal, ay ay pinipili ng Punong ministro at pormal na itinatalaga ng Gobernador Heneral, at maglilingkod hanggang sa edad na 75.
Responsibilidad ng mga lalawigan ang halos lahat ng mga programang panlipunan (tulad ng pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, at kagalingan) at sama-samang kumukulekta ng mga kita kaysa sa pamahalaang parlyamentaryo nito, isang kakaibang estruktura ng pederasyon sa daigdig. Gamit ang kapangyarihan nitong gumasta, ang pamahalaang federal, ay magsasagawa ng mga pambansang alituntunin sa mga lalawigan, tulad ng Canada Health Act; ang mga lalawigan ay maaaring pumili sa mga ito ngunit, bibihira ang nagsasagawa nito. Patas na pagbabayad ang ginagawa ng pamahalaang federal upang matiyak nito na mapapanatiling pantay pantay at wasto ang paglilingkod at pagbubuwis sa pagitan ng mga mayayaman at mahihirap na lalawigan ng bansa.
Ang lahat ng lalawigan ay may sistemangunicameral, at naghahalal nglehislatura na pinamumunuan ngPremier na pinipili tulad ng Punong ministro ng Canada. Bawat lalawigan ay may kanya kanyang mga Tinyente-Gobernador na tagapagpanggap ng Reyna, tulad ng Gobernador Heneral ng Canada, sila ay itinatalaga sa pamamagitan ng rekomendasyon ng Punong ministro ng Canada, subalit sa mga nakalipas na taon ay tumataas ang antas ang pagsangguni sa pamahalaang panlalawigan.
Ang Canada ay sumasakop sa halos lahat ng hilagang bahagi ng Hilagang Amerika. Kahati nito ng hangganan angEstados Unidos sa katimugan at ang estado ngAlaska ng Estados Unidos sa hilagang kanluran, at pahaba mula sa Karagatan ngAtlantiko sa silangan, at ang karagatan ngPasipiko sa kanluran; sa hilaga naman ay angKaragatang Artiko.
Magkakaiba ang sukat ng temperatura ng tag-lamig at tag-init sa bawat bahagi ng Canada. Ang Taglamig ay maaaring maging malupit sa maraming bahagi ng bansa, lalung-lalo na sa mga lalawigang Prairie, na ang kadalasang temperatura araw-araw ay malapit sa -15 °C ngunit maaari pang bumaba sa -40 °C at may malakas na malamig na hangin. Ang baybaying Britanikong Kolumbiya ay naiiba dahil wasto lamang ang klima nito na may malumanay at maulan na taglamig.
Ang Canada ang pinakabilis lumaki ang populasyon sa mgaG8 na bansa. Mula 1990 hanggang 2008, umakyat ang populasyon ng mga 5.6 milyong katao, mga 20.4% kataasan. Mga 23.4% ng katao ay bisibleng minoriya o di puti. Malaki ang imigrasyon.
Noong 2011, may mga 662,600 Pilipino sa Canada.[20] Ang mga Pilipino ang ika-3 pinakalaking grupong Asyano sa huli ng mga Intsik at Bumbay sa Canada.
Ang Canada ay isangkulturang indibidwalistiko na isang uri ng ngkultura na ang pagpapahalaga ay nasa isangindibidwal o sarili kesa sa isanggrupo. Ang mga kulturang indidbidwalistiko ay nagbibigay halaga sa sariling pananaw, pribasiya,autonomiya(pangangasiwa sa sariling buhay), pag-asa sa sarili at sariling sikap. Ang mga Canadian ay gumagamit ng diretsang pakipagtalastasan, naghahayag sa sariling naisin, at gumagamit ng mga iba't ibang paraan upang maayos ang mga alitan sa ibang kapwa tao. Ang Canada ay isang uri ngmay mababang pagitan ng kapangyarihan(low power distance culture) kung saan ito ay nagbibigay halaga sa bawat indibidwal na walang tinitingnang estado o katayuan sa buhay at nagtatakwil ng kawalang kapantayan sa lipunan. Tinatakwil ng mga Canadian ang mga autoridad sa ikabubuti ng bawat indibidwal na bahagi ng isang lipunan.
Ang proporsiyon ng tuli sa Canada ay mga 32%[21] ng mga lalaki. Ang tasa ng pagtutuli ng mga bagong pinanganak ay mga 31.9% noong 2006/2007 sa buong Canada.[22]
↑Nova Scotia dissolved cities in 1996 in favour ofregional municipalities; its largest regional municipality is therefore substituted.
↑Nova Scotia has very few bilingual statutes (three in English and French; one in English and Polish); some Government bodies have legislated names in both English and French.