Isang kamalig na ginagamit ng sinaunang mga babaengRuso sa paggigiik ng mga butil. Ipininta niKlavdy Lebedev noong 1894.[1]
Angkamalig (Ingles:grange, storehouse, barn, granary, warehouse, back home [literal na "likod-bahay"], argosy [literal na "panustos na marami"][2]), na nakikilala rin bilangtaklab,bangan,baysa,amatong, omatong ay isang uri ng gusali na panglalawigan o bahay na pangkabukiran (country house) na mayroong nakadikit na mga gusaling pambukid. Sa Ingles, anggrange (bigkas: /granj/) ay isang uri ng sinaunang kamalig na taguan at imbakan ng mga giniik, nilugas, o hinimay na mga butil; na maaari ring isang malaking gusaling pambukid na ginagamit sa pag-iimbak ng mga butil, mga dayami (tuyong damo, o mga balanggot), o para sa pagbabahay ng mga hayop na pambukid. Maaari ring tumukoy anggrange sa isang gusali, na katulad ng kanlungan (shed), o garahe (paradahan), o bangan, na nasa loob ng isang lupaing-ari subalit nakahiwalay sa isang higit na mahalagang gusali, katulad ng isang bahay. Maaari rin itong isangkubo (farmhouse) na mayroon ng mga nabanggit na panlabas na iba pang gusali (mgaoutbuilding).[3] Ang salitanggrange ay nagmula saGitnang Ingles (na nagmula saAnglo-Pranses), na mula sa Latin na Midyebal nagranica, na nagmula naman sa Latin nagranum (butil,grain). Noong ika-14 na daantaon ang alam na unang paggamit ng salitanggrange. Naging kasingkahulugan nggrange ang mga salitang Ingles naestate (asyenda),farmstead (ang bukid at mga gusali nito),farm (sakahan), atranch (rantso). Sa Estados Unidos, anggrange ay naging isang katawagan para sa isang asosasyon ng mga magsasaka na itinatag noong 1867; tinatangkilik ng samahang Grange ang mga gawaing panlipunan, paglilingkod na pampamayanan, at paglo-lobby na pampulitika (paghahangad na maipluwensiyahan ang isang pulitiko o opisyal na pampubliko hinggil sa isang paksa o isyu. Sa una, anggrange ay isa lamang sa mgalodge (gatehouse [literal na "bahay na pangtarangkahan", ocottage na ang kahulugan ay "kubo" o "bahay-kubo") o maliit na bahay ng isang pambansang asosasyong pangkapatiran ng kalalakihan na orihinal na binubuo ng mga magbubukid o magsasaka, bago naging pangalan ng mismong asosasyon.[3]