Angkaluluwa ay tumutukoy saespiritu oispirito (Kastila:espíritu) ng tao o isang nilalang. Binabaybay din itongkalulwa (may isang titik nau lang subalit mas pormal ang may dalawangu nakaluluwa) at maaaring tumukoy sa mismong nilalang otao. Tinatawag din itongkatao.[1] Itinuturing din itong katumbas ng mga salitanghilagyo,multo,bibit,pangitain,Diyos,sentro,ubod,kalangitan,modelo,huwaran,pagsasakatao (katulad na sa isang katangian),katauhan, atpinuno; maging para sa isang taong pinanggagalingan ng inspirasyon; at pati sa mismong damdamin ng tao.[2] Sa kagamitan sa Ingles, tumutukoy din angsoul sa bagay na may kaugnayan sa mga Negro o pang-taong maitim ang balat[2], partikular na ang sa tugtugin o awiting kilala bilangmusikangSoul.
Hindi masyadong malinaw sa Bibliya ang kalikasan ng kaluluwa ng tao. Ngunit mula sa pagaaral ng salitang ‘kaluluwa’ sa pagkagamit nito sa Kasulatan, maaari tayong makabuo ng ilang konklusyon. Sa isang simpleng kahulugan, ang kaluluwa ang sangkap ng tao na hindi nakikita o nahahawakan. Ito ang sangkap ng bawat tao sa mundo na mabubuhay ng walang hanggan pagkatapos na mamatay ang katawang lupa. Inilalarawan ang pangyayari sa buhay ni Racquel sa Genesis 35:18, ang asawa ni Jacob kung saan pinangalanan niya ang kanyang anak habang “nasa bingit na siya ng kamatayan, at bago siya nalagutan ng hininga.” Mula rito, makikita natin na kakaiba ang kaluluwa sa katawan at patuloy itong nabubuhay pagkatapos ng kamatayang pisikal.