pang-itaas o superyor na bahagi ngarteryang uterino (arteryang pangbahay-bata), gitna at inperyor o pang-ilalim na mga bahagi ngarteryang bahinal (arteryang pangkaluban)
Angkaluban,puki okiki ay ang pisikal na pantukoy sa kasarian ng mga kababaihan sa ilang mga hayop kabilang ang mgatao. Dito lumalabas ang ihi at buwanang daloy at dito pinapasok angtiti o ari ng lalaki para sareproduksiyon. Sa tao, ito ay may patayong butas at tinutubuan ngbulbol ang ibabaw. Sa butas na ito pinapasok ang titi para lumabas ang semilya ng lalaki.
SaIngles, kilala ang kaluban bilangvagina, na nagmula sa Latin navāgīna, literal na may kahulugang"sheath" o"scabbard", na may ibig sabihing "suksukan", "kaluban" o "kaloban".[1][2] Kilala rin sa tawag napuke,pekpek,buto,bilat,buday,pepe,puday, atputay sa ibang mga probinsiya sa Pilipinas. Ito ay ang reproduktibong bahagi ng babae. Ito rin angdaluyan ng ihi ng mga babae. Sa pagtatalik, dito ipinapasok ng lalaki ang kanyang titi o ari tuwing nagtatalik at sa sandaling lumabas ang tamod (o semilya) sa titi ay dumaraan ito sa loob ng kiki hanggang ang iilang selula ng isperma ay makarating sa obaryo para maging isang selulang itlog ng babae. Ito rin ang nagsisilbing daanan ng sanggol sa sandaling manganganak na ang isang babae.
Binigyan ng kahulugan nina Morton G. Harmatz at Melinda A. Novak sa kanilang aklat naHuman Sexuality angvagina bilang isang nababanat na kanal sa loob ng babae na umaabot mula sacervix hanggang savulva, na tumatanggap sa titi habang nakikipagtalik at bumubuo ng isang lagusan para safetus kapag nagluluwal (kapag "nagluluwa" ng sanggol).[3]
Bilang isang pitak na parang tubo na pibromuskular (mahibla at mamasel o malaman), ang kaluban ay isangorganong pampagtatalik na mayroong dalawang pangunahing tungkulin: isa itong kasangkapan para sa pakikipagtalik at sapanganganak. Bukod sa dalawang pangunahing tungkuling ito, mayroon pa itong ibang mga gampanin.
Ang kaluban ay naglalabas ngdugo at ngtisyung biyolohikal sa panahon ngpagreregla. Ang mgapasador o mgatampon ay maaaring gamitin upang sipsipin ang ilan sa mga dugong lumalabas sa panahon ng menstruasyon.[4]
Ang semilya o isperma ay kailangang mailagay sa ibaba ng kaluban na malapit sasipit-sipitan (serbiks), o sa pabilog na buklod ng masel na nasa pasukan papunta sabahay-bata, atmapertilisa (mapunlayan) angitlugan upangmagdalangtao ang isang babae. Sa normal na panganganak, ang mgasanggol ay lumalabas sa pamamagitan ng pagdaang lumalagos sa kaluban.
Habang nanganganak ang isang babae, gumaganap ang kaluban bilang isang "lagusan" o "landas" upang makaraan ang sanggol. Habang nanganganak ang isang babae, nagbabanat at bumubuka ang kaluban nang mas malaki at mas maluwang kaysa sa karaniwang nitongdiyametro (bantod).
Kapag ang babae aynapukaw na seksuwal, nakadarama siya ng mga sensasyon o damdaming kaaya-aya sa loob ng rehiyon ng kaniyang henitalya. Ang kaluban ay nagkaroon ng kalaparan o lumuluwag na umaabot sa 8.5 cm (4 na mga pulgada), subalit maaaring maging mas malaki kapag nadagdagan ng estimulasyon o pagpukaw.[5] Habang nagaganap angpagtatalik, angtiti ng lalaki ay inilalagay sa loob ng kaluban ng babae. Ang kaluban ay mainit at malambot, at naglalagay ito ng presyon sa titi ng lalaki, na maaaring makapagbigay ng damdaming mabuti para sa kapwang magkapareha at karaniwang nakakagawa na ang lalaki ay magkaroon ng isangorgasmo pagkaraan ng paulit-ulit na mga pag-indayog at pag-ulos (pagduldol). Hinggil sa orgasmo sa kababaihan, ang kaluban ay mayroong mas malaking kakauntian ng mga dulo ng mganerbiyo ("ugat" o nerb) kaysa satinggil, at dahil sa gayon ang paghagod o paglalagay ng hindi nagbabagong presyon o diin sa tinggil ay karaniwang kailangan upang matulungan ang babae upang makarating o makaabot sa orgasmo.[6][7][8] Habang nagaganap ang orgasmo ng lalaki, naglalabas siya ngtamod mula sa kaniyang titi na papasok sa loob ng kaluban. Ang tamod o semen ay naglalaman ngsemilya (esperma), na maaaring maglakbay mula sa kaluban papasok sabahay-bata upang pertilisahin angobum (itlog ng babae) at gawingnagdadalangtao (buntis) ang isang babae. Ang lalaki ay maaari ring magkaroon ng isang orgasmo at magpakawala ng semen papaloob sa kiki ng babae kahit na hindi maaaring mabuntis ang babae, katulad ng kapag ang babae ay gumagamit ngpampigil sa pag-aanak, bagamang walang pampigil sa pag-aanak na talagang 100% ang pagiging mabisa.
AngG-spot (literal na "dakong G" o "lugar ng G") ay nilalarawan o binibigyang kahulugan bilang isang napaka sensitibong pook na malapit sa pasukang nasa loob ng kaluban ng tao.[9] Kapag pinukaw o nilagyan ng estimulasyon, humahantong ito sa isang malakas na orgasmo opagpapalabas ng babae sa ilang kababaihan.[10][11][12] Mayroong ilang mgamanggagamot at mga mananaliksik na nagsasagawa ng espesyalisasyon saanatomiya ng mgababae na naniniwala na ang G-spot ay hindi umiiral, at, kung umiiral man ito, isa itong dugtong ng tinggil.[13][14][15][16]
↑Harmatz, Morton G. at Melinda A. Novak. Glossary,Human Sexuality, Harper & Row Publishers, New York, 1983, pahina 570. Kahulugan: "vagina [VUH-iy-NUH] Flexible canal in the female extending from the cervix to the vulva. Accepts the penis during intercourse and forms a passageway for the fetus at birth.