Angkaloriya ay isang yunit ng enerhiya na nagmula sa teoryang kaloriko ng init.[1][2] Tumutukoy angmalaking kaloriya,kaloriyang pandiyeta, okilong kaloriya sa antas ng init na kailangan upang pataasin angtemperatura ng isanglitro ngtubig ng isang degriCelsius (o isang kelvin).[1][3] Tumutukoy angmaliit na kaloriya ogramong kaloriya sa antas ng init na kailangan upang maging sanhi ng gayunding pagpataas sa isangmililitro ng tubig. Kaya, katumbas ng 1 malaking kaloriya ang 1000 maliit na kaloriya.[3][4][5][1]
Isang 24 US fluid ounce (710 ml) na inuming pampalakas na may 330malaking kaloriya
Sanutrisyon at agham ng pagkain, maaaring tumukoy ang salitangkaloriya at simbolongcal sa malaking yunit o maliit na yunit sa mga iba't ibang rehiyon ng mundo. Karaniwang ginagamit ito sa mga publikasyon at mga etiketa ng pakete upang ipahayag ang halaga ng enerhiya ng mga pagkain sa bawat serbing o sa bawat timbang, inirerekomendang pagkonsumo ng kaloriyang pandiyeta,[6][7] antas ng metabolismo, atbp.
Pinakakaraniwan ang paggamit ng yunit sa pagpapahayag ngenerhiya ng pagkain, alalaong baga ang tiyak na enerhiya (enerhiya sa bawat masa) sa pagmemetabolisa ng mga iba't ibang pagkain. Halimbawa, naglalaman angtaba (lipidong trigliserido) ng 9 kilokaloriya kada gramo (kcal/g), habang halos 4 kcal/g ang nilalaman ng mgakarbohidrata (sugar and starch) atprotina.[8] 7 kcal/g ang nilalaman ng alkohol sa pagkain.[9] Ginagamit din ang "malaking" yunit sa pagpapahiwatig ng inirerekomendang pagkonsumo ng sustansiya, gaya ng sa "kaloriya kada araw".
Ang pagdidiyeta ay pagkokonsumo ng pagkain sa kontroladong paraan upang mabawasan, mapanatili, o tumaas ang timbang ng katawan, o para maiwasan at lunasan ang mga sakit tulad ngdiabetes atkatabaan. Dahil nakadepende ang pagbabawas ng timbang sa pagbabawas ng pagkonsumo ng kaloriya, napatunayang epektibo, sa karaniwan, ang iba't ibang uri ng diyeta na bawas-kaloriya.[10]
↑1.01.11.2Christopher W. Morris (1992)Academic Press Dictionary of Science and Technology [Diksiyonaryo ng Akademikong Pamamahayag sa Agham at Teknolohiya] (sa wikang Ingles). 2432 pahina.ISBN9780122004001