![]() Kalayaan Flyover | |
---|---|
EDSA–Kalayaan Flyover | |
![]() Ang Kalayaan Flyover saBonifacio Global City | |
Lokasyon | |
Makati atTaguig,Kalakhang Maynila,Pilipinas | |
Mga koordinado | 14°33′27.4″N121°02′18.7″E / 14.557611°N 121.038528°E /14.557611; 121.038528 |
Mga lansangan sa daanan |
|
Konstruksiyon | |
Uri | Dalawang-nibel naflyover |
Itinayo | 1997–1999 ng F.F. Cruz and Co. at Uy-Pajara Construction Company |
Nabuksan | 25 Enero 2000 (2000-01-25) |
Pinangangasiwaan ng | Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan |
AngKalayaan Flyover (kilala rin bilangEDSA–Kalayaan Flyover) ay isang pang-apatangflyover na nag-uugnay ngAbenida Gil Puyat,Abenida Epifanio de los Santos (EDSA) atAbenida Kalayaan saKalakhang Maynila. Malaking bahagi nito ay matatagpuan saMakati at may kasamang maikling bahagi saTaguig. Pinadadali nito ang pagpasok mulaMakati Central Business District papuntangBonifacio Global City at kalaunan, saDaang Palibot Blg. 5 (C-5).
Nagsimula ang gawaing paghahanda para sa flyover noong 1997, nang inihayag ngBases Conversion and Development Authority (BCDA) ang pagtatayo ng dalawang pasimulang mga lugar papasok sa Bonifacio Global City, kalakip ng isangflyover na maglilingkod sa pangunahing punto ng pagpasok sa lugar mula sa kanluran. Dinisenyo ito ng Katahira & Engineers Asia,[1] at nagsimula ang pagpapatayo noong kahulihan ng 1997 kalakip ng pagtatayo ng bahaging Abenida Gil Puyat Avenue-EDSA na ikinontrata sa Uy-Pajara Construction Company.[2] Nagsimula naman ang pagtatayo sa bahaging Abenida Kalayaan-Bonifacio Global City noong Abril 1999, ang gawaing ito ay ikinontrata sa F.F. Cruz and Co.[3] na isa sa pinakamalaking mga kompanya sa konstruksiyon sa Pilipinas. May kakayahan itong magkarga ng aabot sa 4,000 sasakyan sa isang oras,[4] at mababawasan nito ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Makati at Bonifacio Global City sa limang minuto sa pamamagitan ng pagbibigay ng tuwirang pag-uugnay sa pagitan ng dalawang mga distritong pangnegosyo sa halip na dumaan pa sa EDSA.[5]
Ang 5 kilometro (0.93 milyang)flyover ay ipinasinaya ni dating PanguloJoseph Estrada at ibang mga opisyal ng pamahalaan noong Enero 25, 2000.[6] Bagamat isinulong ito bilang pampublikong proyekto, may bulung-bulungan na ang halagang₱950 milyon na ginastusan para sa pagpapatayo nito ay hindi nagmula sa pampublikong pondo, kung hindi ay pina-underwrite ng pangkat naFirst Pacific sa pamamagitan ng kanilang pampook na sangay, Metro Pacific.[7]
Bagamat isa itongflyover, ang kabuoan nito ay itinalaga ngKagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH) bilangPambansang Ruta Blg. 191 (N191) ngsistema ng lansangang bayan sa Pilipinas.
{{cite news}}
:Check date values in:|archive-date=
(tulong)