Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Kalakihan ng agwat sa edad sa mga relasyong sekswal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang articleay isangUlila, dahil walang ibang mga artikulo angnaka-link dito. Mangyaring mula saipinakilala ang mga link sa pahinang ito mula samga kaugnay na artikulo; subukan mo angFind link tool para sa mga mungkahi.(Setyembre 2011)
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ngpagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay.
Maaari kang makatulong sa pamamagitan ngpagbabago nito ngayon.
(Setyembre 2011)

Mayroong mga pagkakaiba-iba ng edad sa mga taong nagkakaroon ngrelasyong sekswal. Iba’t iba ang opinion ng iba’t ibang mga kultura ukol sadiperensiya okalakihan ng agwat sa edad ng mga taong bahagi ng isang sekswal na relasyon. Ang agwat sa edad ng magkapareha ay madalas iniuugnay sa mga panlipunan at pang-ekonomiya o pangkabuhayang kasanayan ng mga lipunan pagdating sakasal; kahit na ang relasyon ay hindi direktang patungo sa, o kaugnay, ng kasal.

Herontokrasya (Gerontocracy)

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sa mga lipunan kung saan lubos na mas napapakinabangan ang pagiging babae o lalaki – karaniwan ay lalaki – ang pagpili ngkapareha ay madalas ibinabase sa parang uri ngekilibriyong Nash (pagkakapantay-pantay sa lagay na wala nang mananalo sa pamamagitan ng pagpapalit lamang ng sariling estratehiya). Para sa mga mas nakatatandang, matagumpay na mga lalaki, ang pangunahing pinipili ay iyong mgakaakit-akit na kababaihan. Sa mga kultura kung saan tanggap ang pag-aasawang higit sa isa – tulad na ng karamihan sa mga katutubo ngAustralia – ang mga mas nakatatandang asawang babae ay iniingatan hanggang sa mamatay ang asawang lalaki. Ang mga biyudang babae ay pangkaraniwangnakapag-aasawa ng mas batang lalaki ngunit hinog at husto na ang pag-iisip.

Kapangyarihang sekswal

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sa mas nakararaming kultura ng tao at ibang uri ngunggoy, ang mga babaeng katatapos lamang ng panahon ngpagdadalaga at kakikitaan ng mgasekundaryong katangiang sekswal ng mganakatatanda (pamamaga ng ari at pagtaglay ng pangmatandang kulay sa karamihan ng mga unggoy, pagporma nggulugod at pagkabaha-bahagi ng taba sa tao) pati na ang mga nagbibigay ng indikasyon ng mabutingkalusugan.

Sa mga kultura – gaya ng karamihan sa modernongkulturang pang-Kanluran kung saan karaniwan ang paghihiwalay ng mag-asawa, ang mga nakatatandang kababaihan ay maaaring magpahiwatig ngkapangyarihang sekswal bukod pa o dagdag sa kanilang pisikal na kaanyuan, kadalasang sa mga aspektong katulad rin sa kalalakihan (pera, pagiging dominante, atbp.). Kalakip ng lebel ng seguridad panlipunan na pinagbabasehan ng karamihan sa mga kababaihan sa kanilang sitwasyong pang-ekonomiya, karaniwan silang nagpapakita ng kapangyarihang sekswal sa mga paraang katulad ng sa mga mas nakatatandang kalalakihan at naghahanap ng mga mas nakababatang kapareha. Ang mga pag-aaral patungkol sa pagpili ng pangmatagalang kapareha ng mga nakatatandang kababaihan at kumikiling sa mga grupo ng kaibigan at kakilala o kaedad na mga lalaki sa Kanlurang kultura, bagaman ang taliwas dito ay batay na saindibiduwal na pagkahilig sakompetisyon.

Mga pag-aaral

[baguhin |baguhin ang wikitext]

Sa pag-aaral na inilabas noong 2003 ng United Kingdom's Office for National Statistics ay nagpatunay na ang bahagi ng mga kababaihang nagpapakasal mga mas nakababatang kalalakihan sa England at Wales ay tumaas ng mula 15% hanggang 26% sa pagitan ng 1963 at 1998.

Nang Agosto 2010 nakumpleto at nailabas ni Dr. Michael Dunn ng University of Wales Institute, Cardiff ang pag-aaral tungkol sa di pagkakapareho sa aspekto ng tipanan. Napatunayan ni Dr. Dunn na ni minsan sa kahit anong panahon at kultura ay hindi nagpakita ng pagkatugma-tugma ang pagkiling ng mga kababaihan sa mga kalalakihan higit na mas bata kaysa sa mga kababaihang kinikilingan ng mga kalalakihan at na ang mga babae ay mayroong hindi pabagu-bagong pagkiling na tumatawid sa halos lahat ng kultura para sa mga kaedad o higit na nakatatandang lalaki. Ang resulta ng isang pagaral ng AARP noong 2003 ay nagsasabing 34% ng mga kababaihang nasa edad kwarenta ay namimili ng mas batang mga lalaki.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Kalakihan_ng_agwat_sa_edad_sa_mga_relasyong_sekswal&oldid=2002107"
Kategorya:
Nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2026 Movatter.jp