AngKaiser ay ang pamagat o titulo sawikang Aleman na may kahulugang "Emperador". Katulad ngRusongTsar (Czar), tuwiran itong hinango magmula sapamagat ni Caesar ng mgaEmperador ng Roma, na hinango naman magmula sa pangalang personal ng isang sangay nggens (angkan) naJulia, kung saan nakaanib siGaius Julius Caesar, ang ninuno ng unang mag-anak na pang-imperyo. Bagaman ang mga monarka ngBritanya na inestiluhan bilang "Emperador ng India" ay tinatawag ding "Kaisar-i-Hind" saHindi at saUrdu, ang salitang ito, na bagaman lubos na may pinagsasaluhang magkatulad na simulaingLatin, ay hinango magmula saGriyegongKaisar, hindi mula sa AlemangKaiser.[1]
Ang katagangang Kaiser ay karaniwang nakalaan para sa mga emperador ngImperyong Aleman, para sa mga emperador ngImperyo ng Austria, at sa mga emperador ngImperyong Austro-Unggaryo. Noong panahon ngUnang Digmaang Pandaigdig, ang katagangang Kaiser - natatangi na ang paglalapat sa kayWilhelm II ngAlemanya — ay nagkamit ng kaukulang mga pahiwatig na paninira ng dangal, partikular na sa mga bansang nagsasalita ng wikang Ingles: kung saan ang pariralangang Kaiser ay katumbas ng Ingles na pariralangthe Kaiser.