Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Kabbalah

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Kabbalah, binabaybay dingKabbala,Qabbalah oQabala (Ebreo:קַבָּלָה, literal na "pagtanggap") ay isang disiplina at pag-aalan ng kaisipan na nakatuon samistikong aspekto ngHudaismong Rabiniko. Isa itong pangkat ng mga esoterikong pagtuturo upang ipaliwanag ang kaugnayan sa pagitan ng walang-hanggan at mahiwagangManlilikha at ng mortal at may-hangganangsansinukob o uniberso na kanyang nilikha. Habang labis na ginagamit ito sa ilang mga denominasyon, hindi ito isang denominasyon sa loob at ng sarili nito; isa itong pangkat ng mga eskritura o kasulatan na umiiral sa labas ng tradisyunal na Kasulatang Hudyo. Hinahanap ng Kabbalah ang kalikasan ngsantinakpan at ng tao, ang kalikasan at layunin ng pag-iral, at sari-sari pang mga katanungangontolohiko. Inihaharap din nito ang mga paraan upang makatulong sa pag-unawa ng mga konseptong to at ng sa gayon ay makamit ang pagkawaring pang-espiritu. Orihinal na umunlad ang Kabbalah sa loob ng nasasakupan ng kaisipan ng Hudaismo at madalas na gumagamit ng klasikong mapapagkunang panghudyo upang ipaliwanag at ipakita ang mga pagtuturong esoteriko. Kung gayon ang mga pagtuturong ito ay pinanghahawakan ng mgakabalista upang ilarawan ang panloob na kahulugan ngTanakh (Bibliyang Hebreo) at tradisyunal napanitikang rabiniko, pati na ang pagpapaliwanag ng kahalagahan ng panghudyongHalakha o pagsasagawang pangpananampalataya.[1]

Mga sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. "Imbued with Holiness, kabbalaonline.org". Inarkibo mula saorihinal noong 2010-10-12. Nakuha noong2010-11-25.
May kaugnay na midya tungkol saKabbalah ang Wikimedia Commons.

HudaismoAng lathalaing ito na tungkol saHudaismo ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Nagmula sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Kabbalah&oldid=1873464"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp