Angpagkamamamayan ay isang katapatang-loob ng isang indibiduwal sa isangestado.
Tinutukoy ng bawat estado ang mga kondisyon na kung saan kikilalanin ang mga indibiduwal bilang mga mamamayan nito, at mga kondisyon kung saan babawiin ang katayuan nito. Sa pangkalahatan, dinadala ng pagkakilala ng isang estado ng isang mamamayan ang pagkakilala nito ng mgakarapatang sibil, pampolitika at panlipunan na hindi binibigay sa mga hindi mamamayan.
Sa pangkalahatan, ang mga pangunahing karapatan na karaniwang kinikilala bilang mula sa pagkamamamayan ay angkarapatan sa isangpasaporte, ang karapatang umalis at bumalik sa (mga) bansa ng pagkamamamayan, ang karapatang tumira sa bansang iyon, at magtrabaho doon.
May ilang mga bansa ang pinapahintulot ang kanilang mamamayan na magkaroon ng maramihang pagkamamamayan, habang pinipilit ng iba ang eksklusibong katapatang-loob.
Maaring kilalanin o ipagkaloob ang pagkamamamayan sa isang indibiduwal sa ilang mga batayan. Kadalasang awtomatiko ang mga kaganapang kapanganakan, subalit maaring kinakailangan ang aplikasyon.
Angjus soli (bigkas saIngles:/dʒʌsˈsoʊlaɪ/) (Latin:karapatan ng lupa)[1] ay angkarapatan sa pagkamamamayan o nasyunalidad ng sinumang pinanganak sa isang teritoryo ng isang estado.[2]
Ang 'jus matrimonii (Latin:karapatan ng kasal) ay pagkamamamayan sa pamamagitan ngkasal. Maraming bansa ang pinapabilis ang naturalisasyon batay sa kasal ng isang tao na isang mamamayan. Kadalasang may mga regulasyon ang mga bansa upang tukuyin ang mga kunwaring kasal, kung saan nagpapakasal ang isang mamamayan sa isang hindi mamamayan na karaniwan para sa bayad, na walang intensyon na magasama sila.[9]