SiJosias (Hebrew : יֹאשִׁיָּהוּ, Yôšiyyāhû;Modernong Hebreo: יאשיהו ; Yoshiyyáhu, "pinagaling niYahweh") ay isang hari ngKaharian ng Juda. Ayon saBibliya, itinatag ang malawak na reporma sarelihiyon na nagbabawal sa pagsamba ng ibang mgaDiyos na sinaAsherah atBa'al maliban lamang kayYahweh.
Sinuportahan niParaonNecho II ang humihinangImperyong Neo-Asirya laban sa lumalakas naBabilonya atMedes. Noong 609 BCE, si Necho II ay nagmartsa sa Syria upang tulungan ang pinuno (tinawag na hari ngunit hindi pinangalanan sa Bibliya) ng Asirya na siAshur-uballit II. Ayon sa2 Hari 23, hinarang at pinilit niJosias na hari ngKaharian ng Juda na labanan si Neco II saMegiddo kung saan pinatay ni Necho II si Josias. Ayon saTekstong Masoretiko ng 2 Hari 23:39, nilabanan ni Necho II ang hari ng Asirya. Dahil sa kamaliang ito, ito ay binago at ginawang "tinulungan ni Necho II ang hari ng Asirya" saNIV. Ang mga hukbo ni Necho II at mga hukbo ng Asirya ay tumawid sa Ilog Eufrates upang bawiin ang Harran na itinatag ni Ashur-ubbalit II matapos bumagsak angNineveh sa magkasanib na puwersa ng Babilonya at Medes noong 612 BCE. Ang Asirya at Ehipto ay nabigo at umurong sa puwersang Babilonya at Medes na humantong sa pagtatapos ng Imperyong Neo-Asirya. Ayon sa 2 Hari, sa pagbalik ni Necho II sa Ehipto, pinalitan niya ang haring siJehoahaz na anak ni Josias ng isa pang anak ni Josias na siJehoiakim. Si Jehiakim ay naging isangbasalyo ng Ehipto at nagbibigay ngtributo dito.(2 Hari 23:35). Nang matalo ang Ehipto ng Babilonya saLabanan ng Carcemish noong 605 BCE, kinubkob niNabucodonosor II ang Herusalem na nagtulak kay Jehoiakim na lumipat ng katapatan tungo sa Babilonya at naging basalyo nito sa loob ng 3 taon. Nang mabigo ang mga Babilonyo na muling sakupin ang Ehipto, lumipat si Jehoiakim na katapatan tungo sa Ehipto. Noong 598 BCE, kinubkob ni Nabudonosor ang Herusalem sa loob ng 3 at si Jehoiakim ay tinakilaan upang dalhin ni Nabudonosor II sa Babilonya(2 Kronika 36:6) ngunit namatay at hinalinhan ng kanyang anak na siJeconias. Pagkatapos ng 3 buwan sa ika-7 ni Nabucodonosor II sa buwan ngKislev 598 BCE, ipinatapon ni Nabucodonosor si Jeconias at mga mamamayan ngKaharian ng Juda sa Babilonya at nilagay na kapalit ni Jeconias siZedekias na maging hari ngKaharian ng Juda. Si Zedekias ay nag-alsa laban saBabilonya at nakipag-alyansa sa Paraong siApries. Dahil dito, kinubkob ni Nabudonosor II ang Juda na tumagal ng 30 buwan at pagkatapos ng 11 taong paghahari ni Zedekias, nagwagi si Nabudonosor II sa pananakop sa Juda kung saan pinatay ni Nabucodonosor II ang mga anak ni Zedekias at si Zedekias ay binulag at tinakilaan at dinala sa Babilonya kung saan siya naging bilanggo hanggang sa kanyang kamatayan(Jeremias 52:10-14). Ang Herusalem atTemplo ni Solomon ay winasak ng mga Babilonyo noong ca. 587/586 BCE(Jer 52:13-14).Pagkatapos bumagsak ang hari ng Babilonya na siNabonidus kayDakilang Ciro noong ca. 539 BCE, pinabalik niya ang mga taga-Juda sa Herusalem at pinayagan ang mga ito na muling itayo angtemplo ni Solomon noong 516 BCE. Ang Juda ay naging probinsiya ngImperyong Persiya bilangYehud Medinata. Ayon sa mga iskolar, dito napakilala at naimpluwensiyahan ng mga Persiyano at relhiiyongZoroastrianismo ang mga Hudyo sa kanilang mga paniniwalang gaya ng mgaanghel,demonyo,dualismo atmesiyas attagapagligtas(Saoshyant).
Si Josias ay pinaniniwalaan ng mga iskolar ng Bibliya na lumikha o nagpasulat ng mga kautusan ng Hudyo noong ika-7 siglo BCE na tinatawag ng mga iskolar naKodigong Deuteronomio ( ayon sa mga iskolar angAklat ng Deuteronomio Kapitulo 12-26) . Ito ay batay sa2 Hari 22:3-8:
- Isinugo ni Haring Josias ang kanyang sekretaryong si Shapan anak ni Azalias sa Templo ng Panginoon...Sinabi ngDakilang Saserdoteng siHilikias kay Shaphan na sekretaryo, "Aking natagpuan angAklat ng Batas sa Templo ng Panginoon. Ibinigay niya ito kay Shaphan na bumasa dito.
Ayon sa 2 Hari 23:1-3
- A tinawag ng hari (Josias) ang lahat ng mga matatanda ng Juda at Herusalem. Siya ay tumungo sa Templo ng Panginoon kasama ng mga lalake ng Juda, mga mamamayan ng Herusalem, mga sasaserdote at mga propeta, lahat mula sa maliliit hanggang sa pinakadakila. Kanyang binasa sa pakikinig ang lahat ng mga salia ngAklat ng Tipan na natagpuan sa Templo ng Panginoon. At ang hari ay tumayo sa haligi at binago ang tipan sa harapan ng Panginoon-upang sundin ang Panginoon at kanyang mga utos, mga regulasyon, mga atas nang kanayang buong puso at kaluluwa at kaya ay nagpapatibay samga salita ng tipan na isinulat sa Aklat na ito. At ang lahat ng mga mamamayan ay nangako sa tipan.".
Maraming mga kautusan na natatangi saAklat ng Deuteronomio gaya ng pagbabawal ng paghahandog sa labas ng pinili ng Panginoon niyong Diyos(12:5) at pagkakaroon ng handog saPaskuwa sa isang pambansang dambana (16:1-8). Salungat dito, ang ibang mga aklat ngPentateuch ay tumutukoy sa mga dambana sa buong Israel nang walang pagkokondena. Ang parehong mga batas na ito ay unang nagpagmasdan lamang sa panahon ni Josias na nagbibigay ebidensiya na ang Deuteronomio ay isinulat sa panahon ni Josias(2 Kronika kapitulo 35).[1]
Ayon sa mga iskolar ang maagang mga anyo ngAklat ng Deuteronomio na tinatawag naKasaysayang Deuteronomistiko(Aklat ni Josue,Aklat ng mga Hukom,Mga Aklat ni Samuel,Mga Aklat ng mga Hari at karamihan ng mga panitikang propetiko(Aklat ni Isaias,Aklat ni Amos,Aklat ni Jeremias,Aklat ni Sofonias,Aklat ni Nahum) ay isinulat o inedit upang suportahan ang mga reporma ni Josias at upang ilarawan siya bilang isang matuwid na hari ng Juda.[2]
Ayon kayMartin Noth, ang may akda o isang pangkat ng mga may akda ng Kasaysayang Deuteronmistiko na isinulat mula ika-7 hanggang ika-5 siglo BCE nito ay isinulat ay upang ipaliwanag ang mga kamakailang pangyayari na pagbagsak ng Herusalem atpagpapatapon sa Babilonya niNabucodonosor II. Ang may akda nito ay naglalarawan kayJosue na isang dakilang hinirang ng Diyos, ang mga kuwento ng mga Hukom bilang isang siklo ng paghihimagsik at pagliligtas at ang kuwento saMga Aklat ng mga Hari na nagpapaliwanag sa pananakop ng mga dayuhan sa Israel at Juda at kalaunan ay ang pagkakawasak ngTemplo ni Solomon at Herusalem niNabucodonosor II noong 586 BCE ay bilang kaparusahan niYahweh dahil pagsamba ng Israelita sa ibang mga Diyos maliban kayYahweh.
Si Josias ay inilarawan sa2 Hari 23:24-25
- Sa karagdagan, inalis ni Josia ang mga medium at mga espirista, ang sambahayan ng mga Diyos, mga rebulto, at lahat ng mga kasuklamsuklam sa Juda at Herusalem. Ginagwa niya ito upang tuparin ang hinihingi ng batas na isinulat sa aklat na natuklasan ni Hilikias na saserdote sa Templo ng Panginon. Wala nauna kay Josias o pagkatapos niya ang isang hari tulad niya na bumalik sa Panginoon gaya ng ginawa niya nang kanyang buong puso at kanyang buong kaluluwa at ng kanyang lakas na naayon sa batas ni Moises.
Ito ay salungat sa2 Hari 18:4-5 tungkol kayHezekias
- Kaniyang inalis ang mga mataas na dako, at sinira ang mga haligi, at ibinagsak ang mga haligi ngDiyosang siAsherah at kaniyang pinagputolputol ang ahas na tanso na ginawa niMoises; sapagka't hanggang sa mga araw na yaon ay pinagsusunugan ng kamangyan ng mga anak ni Israel. Ito ay tinawag naNehushtan. SiHezekias ay nagtiwala sa Panginoon, ang Diyos ng Israel. Walang katulad niya sa lahat ng mga hari ngKaharian ng Juda bago niya o sumunod sa kanya.
Ayon kay Hölscher, kinopya ng kalaunang editor ng2 Hari ang 18:5 at nilapat ito kay Josias na inaayunan rin ng iskolar na si Weippert.
Ayon sa2 Hari 23:39, naharap niParaonNecho II si Josias saMegiddo at pinatay siya. Ayon naman sa2 Kronika 35:20-27, si Josia ay nakakamatay na sinugatan ng mgaarkerong Ehipsiyo at dinala sa Herusalem kung saan siya namatay.