Movatterモバイル変換


[0]ホーム

URL:


Pumunta sa nilalaman
WikipediaAng Malayang Ensiklopedya
Hanapin

Joel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Isang larawan ng propetang si Joel mula saRusya.
Isa pang larawan ng propetang si Joel na iginuhit niMichelangelo sa kisame ng Kapilyang Sistine.

SiJoel ay isa sa mga propetang matatagpuan saLumang Tipan ngBibliya. Siya ang may sulat ngAklat ni Joel. Walang nasasambit sa Bibliya hinggil kay Joel, bukod na lamang sa pagiging anak niya niPetuel (oPethuel).[1][2] Ngunit pinaniniwalaang taga-kaharian siya ngJuda, na nasa gawing katimugan dahil madalas niyang tukuyin saAklat ni Joel ang mga pangalan ng pook naJerusalem,Sion, pati na angtemplo at mgapari.[1] Binanggit niya ang mga ito noong mga 400 BK, ang panahon pagkaraan ng pagkakabihag ng mgaHudyo saBabilonia.[1] Palagian siyang pumupunta saJerusalem. Pangkaraniwan ang pangalang Joel saIsrael, na karaniwang isinasalin bilang "SiYahweh ayDiyos", "AngPanginoon ay Diyos," o "SiJehovah angEl (oEli, Diyos)".[1]

Bukod sa pagiging may-akda ngAklat ni Joel, si Joel ang pangalawa sa labindalawang mgamababang propeta. Nagmumula lamang sa kaniyang aklat ang anumang patungkol sa kaniyang pansariling buhay. Sa kalendaryong liturhikal ngSilanganing Simbahang Ortodokso, ipinagdiriwang ang araw ng kaniyang kapistahan tuwingOktubre 19. Inaala-ala ang siya, kasama ng iba pang mga mababang propeta sa Kalendaryo ng mga Santo ng Armenyanong Apostolikong Simbahan kapag sasapit angHulyo 31.

Sanggunian

[baguhin |baguhin ang wikitext]
  1. 1.01.11.21.3Abriol, Jose C. (2000). "Joel".Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay)ISBN9715901077.
  2. Joel 1:1

Mga kawing panlabas

[baguhin |baguhin ang wikitext]


UsbongAng lathalaing ito ay isangusbong. Makatutulong ka saWikipedia sapagpapalawig nito.

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?title=Joel&oldid=1808334"
Kategorya:
Mga nakatagong kategorya:

[8]ページ先頭

©2009-2025 Movatter.jp